Nananakit ang mga mata ni Mika ng gumising siya kinaumagahan. Halos buong gabi siyang umiyak dahil nahuli na naman niya ang kanyang nobyo na may iba na namang babae. Pang apat na beses na niyang nahuli ito na nagloko at dahil mahal na mahal nga niya ito kaya palagi niya itong pinapatawad. Nasasaktan man siya ay kaya niya itong tiisin basta hindi lang sila maghiwalay nito. Nasa malalim siya na pag iisip ng biglang tumunog ang kanyang Celfon.
"Hello Daisy" Sagot niya sa tumawag. Si Daisy ang tumawag isa sa mga matalik niyang kaibigan.
"Hoy Mika! Ano na naman ang ginawa ng magaling mong boyfriend ha? Sabi ni Jean nahuli mo na naman daw yong magaling mong nobyo na may ibang babae!" Galit na ang boses nito. Alam niyang sangkatutak na namang sermon ang abutin niya galing dito.
"Daisy...." malungkot niyang tugon dito saka siya napahagulhol ng iyak.
" Hay naku...ayan ka na naman. Iyak ka ng iyak sa lalaking yan pero hindi mo naman mahiwalayan!" Medyo galit pa rin ang boses ng kanyang kaibigan pero medyo may pag alala na sa boses nito ng humahagulhol na siya ng iyak.
"Ano ang gagawin ko Daisy? Kahit na nahuli ko na naman siyang may ibang babae pero hindi ko kayang mawala siya sa akin."
"Alam mo Mika hindi rin kita maintindihan. Ano ba kasi ang nakita mo sa lalaking yan bakit ganyan katindi ang pagmamahal mo sa kanya kahit niloloko kana. Hay naku talaga oh! Sige pupuntahan kita diyan para pakinggan na naman ang paulit uli mong hinaing." Sabi nito.
Alam niyang nag alala rin ito sa kanya dahil alam ng mga kaibigan niya na kung siya lang mag isa ay buong araw na naman siyang iiyak.
Maya maya pa ay dumating na ang kanyang mga kaibigang sina Daisy, Kyla at Cherry.
"Hi sa kaibigan naming nagpakatanga sa pag ibig. Inuman na!" Sigaw ni Kyla ng pumasok na ang mga ito sa kanyang bahay.
"So...ngayon mag a-advice na naman ba kami o ano? Sigunda naman ni Cherry.
" Hay naku. Ano ba naman kayo. Nagmahal lang yang kaibigan natin ng sobra kaya naging tanga na." Sabi naman ni Daisy.
Alam niyang mahal siya ng kanyang mga kaibigan at dinadaan nalang ng mga ito sa biro ang mga sinasabi dahil nga sabi ng mga ito ay hindi naman siya nakikinig sa mga payo nito.
"Aawayin niyo ba ako o maglasing nalang tayo?"sagot naman niya na ngumiti ng mapakla.
Kinuha niya ang isang can ng beer at tinungga ito ng bottoms up.
"Nauuhaw lang ang peg?" Kantiyaw ni Cherry.
"Hayaan niyo na baka pagkatapos niyang malasing matauhan na yan." Sabi ni Daisy. Binuksan pa nito ang isang can ng beer at binigay sa kanya.
"O, heto pa. Magpakalasing ka ha? Dapat bukas matauhan kana." Dagdag na sabi nito.
Sunod sunod naman niyang tinungga ang can ng beer. Para na siyang nahihilo.
Bigla niya namang naalala ang mga sakit na dinulot ng kanyang nobyo sa kanya. Nahuli na naman kasi niya ito na may ibang babae. Umalis kasi siya para sa seminar nila sa kompanya. Dapat isang linggo ang seminar nila sa Manila pero ginawang apat na araw nalang. At ang natitirang tatlong araw ay mamasyal sila kasama ang mga ka officemates niya. Pero hindi kasi siya mapakali dahil sa tatlong araw mula ng umalis siya ay hindi siya nakatanggap ng kahit anong message mula sa nobyo niya. Kahit ang mga tawag niya ay hindi rin nito sinagot kaya nagpasya siyang mauna nang umuwi sa mga kasamahan niya. Nagtampo pa ang mga ito dahil kahit minsan daw ay hindi siya sumama sa mga company gala nila.
YOU ARE READING
Modernang Marter
Roman d'amourTungkol ito kay Mika, babaeng paulit ulit na nasasaktan dahil sa lalaking kanyang minahal. Ilang beses na niya itong nahuli na may ibang babae pero palagi rin niya itong pinapatawad. Naging marter siya nang dahil sa kanyang pag ibig. Minsan nagagali...