KABANATA 3

11 0 0
                                    

"Iyon po ang nangyari." Pagpapaliwanag ng Kawal sa akin

"hmmm... nasaan na ang babae?" tanong ko. Gusto ko syang Makita at magpasalamat.

"Sya ay nasa kusina po. Pero kamahalan, may nais lamang po akong sabihin sa inyo."

"Ano 'yon?"

"umm... kung maaari ay huwag nyo pong sasabihin na ika'y isang maharlika. Hindi natin sya kilala at ako'y nagdududa pa sa kanya at kung sino ba talaga sya. Marahil ay isa sya sa mga kalaban."

"eh? Ano gagawin natin?"

"Kung iyong mararapatin ay magpapangap po tayong mag-ama. Ikaw ay ang aking anak at ako naman ang iyong ama na isang kawal."

Sumang-ayon ako sa kanyang plano sapagka't kailangan naming mag-ingat.

"Oh gising na pala kasama mo. Hali na kayo at tayo'y mag-almusal na."

Sambit ng babae habang sya ay nakangiti. Tulad ng sabi ni Kailus hindi pangkaraniwan ang itsura ng babae. Pero hindi rin naman sya pangit, sadyang kakaiba lang talaga ang kanyang imahe. Sa mundong ito iba't ibang uri ang kulay ng aming mga buhok at mata. Tulad ng Kailus, ang kanyang buhok ay kulay berde maging ang kanyang mata. Samanta sa akin naman ay kulay ginto, ang kulay na ito ay nag sisimbolo na ako ay isang dugong bughaw dahil simula sa aking mga ninuno ay tanging maharlika lamang ang mahy kulay gintong buhok. Subali't sa ngayon napansin ko ay naging kulay kape ang aking buhok, marahil ay tagong kinulayan ito ni Kailus para matago ang aking pagkakakilanlan.

Bumaba kami at ang babae ay binigyan kami ng pagkain. Nagluto ito ng isang pagkain na kahit kalian ay hindi ko pa nakikita.

Ito ay may karne na may sabaw at may halong gulay. Pero kahit kakaiba ang itsura nito, amoy palang ay mukhang masarap na.

"Ang asim!" sabi ko

"HAHAHA ganun ba? Hindi mo ba gusto?" tawa ng dalaga

"huh? Hindi, ayos lang po. Maasim pero masarap. Anong putahe po ito?" kakaiba ang lasa. Maasim ito pero malinamnam at masarap sa lalamunan dahil sa mainiit nitong sabaw.

"Ah...sa lugar namin, ang tawag naming dyan ay 'sinigang'."

"Sinigang? Kakaibang pangalan." Sambit ni Kailus

"ah... hehehe...oo, hindi kasi talaga ako taga-rito. Ako ay nagmula sa isang malayong lugar. Pero huwag kayong mabahala hindi ako masamang tao." Sagot ng dalaga

Patuloy kami sa pagkain. Tila nabusog kami sa pagkain na inihanda ng dalaga.

"OO nga pala. Ano ang iyong pangalan binibini?" Tanong ni Kailus

"binibini?..." tumawa ang dalaga "Ah, sorry natawa lang ako. Hahahaha"

'Sorry'? anong salita 'yon? (Sa kwentong ito iba ang salita/lenggwahe nila)

"Ako si Lizzana. Tawagin nyo na lang akong Liz. Kayo?"

"Ah! Ako si Kailus at ito naman si..." putol nya

"hm?..." bat di nya matuloy pangalan ko?

"...si Addi. Aking anak." Pag patuloy ni Kailus.

Ah hindi pala naming basta-basta ilabas ang totoo. Hindi pa kami sigurado kung si Liz ba ay kaaway o kakampi.

"okay... nice to meet you!" masayang sambit nito

"...?" nagtinginan kami ni Kailus. Hindi kasi namin naintindihan ang salitang kanyang sinambit.

"ah! Pasensya na. Nagagalak akong makilala kayo." Sabi ni Liz

Ang Diwata sa Sagradong GubatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon