Nanatili kaming tumira sa bahay ni Liz. Sa kalahating taon naming paninirahan ay wala naman kaduda-dudang pangyayari o kaganapan sa amin. Marahil ay nahusgahan lang namin si Liz at talagang sya ay inosente at mabait na tao na tinulungan lamang kami.
Sinubukan ni Kailus bumalik sa Kapital upang makasagap ng balita kung ano na kaganapan. At ayon sa kanya, patuloy pa rin ang digmaan. Ang nakakalungkot na balita ay lahat ng Maharlika ay ipinuksa. At tanging ako na lamang ang natitira. Ang kaharian ay kasalukuyang pinamumunuan ng isang malupit na pinuno na walang ibang gawin ay ang dungisan lahat ng kababaihan at sayangin ang yaman at pera ng mga taong nasasakupan. Nais ko mang maghiganti, ngunit ako'y isang bata lamang. Ano naman ang magagawa ko?
Ngunit, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Balang- araw babalik ako at lalaban, at pamumunuan ang kaharian na ito. At sisiguraduhin kong hindi na ito muling mangyayari sa hinaharap.
Isang araw binigyan ako ni Liz ng isang inumin.
"Ano ito ate Liz?" tanong ko habang hawak-hawak ang isang bote na naglalaman ng kulay asul na likwido.
"yan ay isang mahiwagang gamot."
"Gamot?"
"Hindi ba gusto mong bumalik sa inyo? Inumin mo iyan upang ikaw ay lumakas."
"pano ka nakakasiguro ate?"
"dahil sa mundong ito, ang mahika ay possible. At gamit ang mahika, gumawa ako ng isang gamot upang ikaw ay lumakas."
"maraming manggagaway sa palasyo naming pero ni-minsan hindi sila nakagawa ng ganitong uri ng gamot. Ate, manggagaway ka ba?"
Humagikik lamang ito at sinabing "Tingin mo?"
Isang taon ang lumipas at ako ay labing tatlong gulang na. Sa ilang buwan na pamamalagi naming sa kagubatan na ito ay inihesayo ako ni Kailus upang lumaban sa digmaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos.
Bumalik sa Kailus sa Kapital upang hanapin ang mga Aristrokatang kasapi namin. Nang nalaman nila na may isa pang maharlika na buhay ay nagdiwang sila na sa wakas ay may pag-asa silang manalo. Meron kasing paniniwala na kaming mga Maharlika ay inapo ng dyosa na aming isinasamba. Si Naji, ang dyosa ng kalikasan at buhay. Dahil dyan, ang dugong maharlika ay may kakaibang kapangyarihan at taglay na lakas.
Kaya naman walang humpay ang pag eensayo ni Kailus sa akin. Habang kami andirito sa kagubatan ang aming mga kasapi ay nagahahanda rin sa aking pagbabalik. At ito na ang pagkakataon na babalik ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/244551476-288-k848926.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Diwata sa Sagradong Gubat
FantasiSa kaharian ng Emeralda may isang kwentong kumakalat sa mga nakatira dito. Ang kwento nito ay tungkol sa isang diwata na nakatira sa isang sagradong gubat na ang tawag ay " Lizzana Forest". Ayon sa haka-haka ang diwatang ito ay napakaganda, ang kan...