Taon 562, Sa Royale Palasyo ng Emerald
Uwwaaaa!!! Uwwwaaaa!!!!
Dinig ang sigaw ng mga tao sa buong kaharian.
Tulungan nyo kami!!
Tulong!!
Ano ba ang nangyayari? Bakit nagkakaganito?
Ako ay hila-hila ng isang kawal dito sa madilim na kagubatan.
"Mahal na prinsipe bilisan nyo po baka tayo ay mahuli ng mga kalaban!" sabi nito habang kami ay tumatakbo.
"Saan ba tayo papatungo?" tanong ko
"Punta po tayo doon sa kagubatan na iyon, tayo po ay magtatago doon hanggang sa maging payapa ang lahat"
Huminto sya sa pagtakbo at lumuhod sa aking harapan at tumingin ng mabigat sa aking mga mata "Aking mahal na prinsipe, matindi ang gyera sa ating kaharian ngayon. Kailangan nyo pong lumisan upang mailigtas po kayo. Huwag po kayong mabahala,nandirito po ako; itataya ko ang aking buhay upang ikaw ay aking maprotektahan. Kaya mapag papaumanhin nyo po kung tayo ay walang humpay na tumatakbo dahil kailangan nating lumayo't magtago muna." Naluluha nitong sabi.
Ako'y tumango lamang at pinagkatiwalaan sya dahil sya lamang ang nag tangkang ipagtanggol kanina noong ako'y muntik ng saksakin ng isang kalaban. Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa unting-unti naglaho na ang mga hiyaw ng mga tao senyales na kami ay malayo na sa Kapital. Matindi rin ang dilim ng aming dinadaanan, patuloy ako sa pagtakbo kahit ako'y pagod na pagod na at tanging malakas na paghila lamang sa akin ng kawal ang nagpapatuloy sa akin tumakbo kahit nais ko nang sumuko sa sakit ng aking mga paa.
Haaa..... haaaaa....
"Mahal na prinsipe, sa tingin ko ay malayo na tayo.Haaaa... Ipagpapatawad nyo po... alam ko pong kayo'y pagod na. Sa tingin ko ay ligtas tayo rito pansamantala." Sambit nya habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Pansamantala?" pagtataka kong tanong. Ibig nya bang sabihin ay kami ay aalis muli?
"Opo mahal na prinsipe. Kailangan kitang iluwas sa kaharian na ito, dahil mayroon digmaan ang nagaganap sa kasalukuyan sa ating kaharian. Kailangan niyo po munang mag tago sapagka't ang kalaban ay buhay ng maharlika ang batay."
Ako ay natakot sa kanyang sinambit. Ang aking ina na naiwan sa palasyo ay marahil nahuli na din ng mga kalaban. Ang aking mga nakakatandang kapatid sa ibang ina ay marahil nahuli rin. Ayon sa aking kawal ako lang ang tanging nakatakas sa palasyo.
Kami ay nagpalipas ng gabi sa kagubatan. Tanging silaw ng bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa amin at ang hiyaw ng mga lobo ang naririnig sa paligid. Ako'y pagod na pagod sa malayong pagtakbo naming. Hindi ko mapigilan ang aking mga mata na unti-unting pumipikit na.
"Magpahinga na po kayo. Babantayan kita kaya't huwag kang mabahala, mahal kong prinsipe."
Mahimbing natulog ang batang Prinsipe at sa sobrang pagod din ng kawal hindi rin nito napigilang pumikit hanggang sa ito'y nakatulog rin.
Awooo...
Kaw! Kaw! Kaw!
Sa kahimbingan ng kanilang tulog hindi nila namalayan na meron isang nilalang ang lumapit sa kanila at pinagmamasadan ang kanilang lagay.
"hmmm... huh? Sino ka?"

BINABASA MO ANG
Ang Diwata sa Sagradong Gubat
FantasíaSa kaharian ng Emeralda may isang kwentong kumakalat sa mga nakatira dito. Ang kwento nito ay tungkol sa isang diwata na nakatira sa isang sagradong gubat na ang tawag ay " Lizzana Forest". Ayon sa haka-haka ang diwatang ito ay napakaganda, ang kan...