Habang nagmamaneho pauwi halos wala naman ako sa sarili ko, hindi ko alam kong sasabihin ko ba kay Chelsie na... nawala na yung nararamdaman ko sa kanya pero, ayoko siyang saktan.
Ayokong makasakit, dahil kahit papaano ay minahal ko rin siya, sobra pa nga eh. Pero hindi na gaya nang dati, hindi na kami bata. Hindi na ako yung prinsipe niya noon, hindi na.
Napansin ko naman ang liwanag ng ilaw sa harapan ko at malakas na busina ng sasakyan. Pag angat ng tingin ko sa daan, huli na bago ko maikot ang manobela, napapikit na lang ako sa pagkakataranta at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.
-
Luke's Mother POV's
"Nurse, nasaan yung na aksidente sa car accident?" sigaw ko pagpasok ng hospital.
"Ma'am, dalawa po yung na aksidenteng lalaki." sagot nito.
"Yung estudyante." sigaw ko sa kanya.
"Okay, ma'am relax lang po kayo. Nasa emergency room pa po siya. Hintayin na lang po natin si Doc." sabi nito sabay alalay sakin paupo.
"Dito muna kayo ma'am may aasikasuhin po muna ako." sabi nito sabay lakad papasok ng emergency room.
Kinalma ko muna ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa nanyare kanina nasa meeting pa ako ng biglang may tumawag sa akin.
*Meanwhile*
"Hello po?"
"Hello, who's this? ba't na sayo ang phone ng anak ko?"
"Ma'am, na aksidente po kase ang anak niyo, nandito po ako ngayon sa Gallioe Hospital, pumunta na lang po kayo dito." sabi nito na nanginginig ang boses.
"What? Okay, just text me the location of that hospital." sagot ko sabay end ng call.
"Everything is okay?" tanong ng ka meeting ko.
"No, I have to go." sabay kuha ng bag ko at agad na naglakad palabas ng conference room.
-
"Excuse, ma'am." sabi ng babae sabay upo sa tabi ko.
"Sa anak niyo po yata ito." sabay abot niya ng cellphone ni Luke. Kinuha ko naman ito sa kanya.
"Ikaw yung tumawag saken?" tanong ko, tumango naman ito.
"Opo, nandon din po kase ako sa lugar kong saan na aksidente ang anak niyo. Kaya ako na ho ang tumawag ng ambulance tyaka napulot ko po ang phone ng anak at hinanap ko sa contacts niya ang pwedeng tawagan, pangalan niyo po yung unang lumabas kaya kayo yung tinawagan ko." paliwanag nito.
"Maraming salamat iha, ano nga pala ang pangalan mo?"
"Elaine po." sagot nito. Napangiti naman ako.
"Salamat ulit." nginitian niya naman ako.
Parang familiar sa akin ang mukha nang batang ito. Nakita ko na yata siya somewhere, hindi ko lang matandaan kung saan.
"If you don't mind po, mauna na po ako sa inyo kase po may lakad pa po ako. Babalik na lang ho ako." sabi nito.
"Ahh ganon, osige. Mag-iingat ka, salamat ulit." sabi ko. Ngumiti naman ito bago tumayo.
"Kayo din po." sabay lakad nito papalabas ng hospital.
Ilang oras pa ay lumabas na rin si Doc ng emergency room.
"Doc, I'm Carmelita Madrigal, the mother of the patient. How's my son?" bungad ko sa kanya.
"Mrs. Madrigal, your son is under observation dahil sa lakas ng pagkakabangga niya. Tatapatin na po kita. May nadamge sa kanang binti ng anak niyo at posibling hindi na siya makakalakad pa." sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi ni Doc. halos mawalan ako ng lakas.
"Doc, please do everything na makalakad ulit ang anak ko. I don't want to see him in pain." mangiya-ngiyak kong sabi.
"I will do everything as I can, Mrs. Madrigal. Excuse me." sabi nito sabay lakad pabalik sa loob ng ER.
-
Before accident happened, the Elanie's POV's
Kasalukuyan kong tinatahak ang madilim na daanan na ito pauwi sa bahay.
"Ba't ngayon ka pa kase na flat ang tire ng bike ko." sigaw ko sabay sipa sa tire.
Nakakainis naman talaga oh, kung minamalas ka nga naman talaga.
Gabi na rin kase ako natapos sa trabaho ko ayan tuloy gabi na ako naka uwi, napaka dilim talaga ng daanan dito. Nagulat naman ako nang may dumaan na kotse sa gilid ko, diri diretso lang takbo nito. Hindi kalayuan nakita ko naman ang isang truck na sasalubongin ito. Napahinto naman ako at sinigawan ang drive nito pero mukhang hidi ako narinig nito agad ko namang binitiwan ang bike ko at mabilis na tumakbo habang sumisigaw.
"Kuya! tumingin sa daan. Kuya! kuya!" paulit ulit kong sigaw, habang tumatakbo.
Nagulat na lang ako ng makita kong bumangga na ang kotse sa truck. Napahinto naman ako sa pagkakkabigla sabay takip sa bibig ko. Nang matauhan ako kaagad akong tumakbo papalapit sa kotse.
Nakita ko naman na bumaba ang driver ng truck at lumapit sa kotse na wasak ang harapan nito."Potangina." sigaw ng driver habang hawak hawak ang kanyang ulo. Nagkatinginan naman kaming dalawa.
"Kuya, anong nanyare?" tanong ko naman sa Driver.
"Bumusina ako pero diretso lang ang takbo niya kaya nabanga ko siya. Hindi ko sinasadya." sabi nito at agad naman ako tumawag ng almbulance, mabuti naman at kaagad itong sumagot. Papunta na daw ito.
Napalingon naman ako sa driver ng kotse na nasa loob parin ng kotse nito. Nilapitan ko naman ang lalaki na nasa loob at duguan ito.
"H--help me." rinig kong sabi nito sabay lingon saken puro dugo ang mukha nito halos hindi ko siya makilala.
"Kuya, paparating na ang ambulance. Wag kang matutulog." sabi ko sa kanya habang tinitignan siya.
Nakita ko naman na may hawak itong cellphone at iniabot sa akin. Kinuha ko naman ito sa kanya bago siya nawalan nang malay.
Buti na lang at kararating lang ng almbulance at kasunod nito ang police car.
"Ma'am, excuse me." sabi ng nurse sabay tabig sa akin.
Habang hawak hawak ko ang cellphone ng lalaki.
Sinakay naman nila sa ambulance ang dugang lalaki.
"Nurse, sasama ako." sigaw ko, tumingin naman ang nurse sa akin at tumango.
Bago sumakay ng ambulance nilingon ko naman ang bike ko na naiwan ko di kalayuan sa lugar kong saan naganap ang aksidente.
Bahala na. Sumakay na rin ako sa ambulance.
Habang nasa biyahe panay ang check ng dalawang nurse sa lalaki at nilagyan na nila ito ng oxygen.
-
Nasa tapat ako ngayon ng ER habang hawak hawak ang cellphone ng lalaki nanginginig ako at kinakabahan sa lagay ng lalaki.
Pinakealaman ko naman ang cellphone nito at nakita ko sa contacts niya pangalang "Mama" kaya agad ko itong tinawagan.
"Hello po?."
"Hello, who's this ba't na sayo phone ng anak ko?" takang tanong ng kabilang linya.
"Ma'am, na aksidente po kase ang anak niyo, nandito po ako ngayon sa Gallioe Hospital, pumunta na lang po kayo dito." sabi ko habang nanginginig.
"What? Okay, just text me the location of that hospital." gulat nitong sabi sabay end ng call. Tinext ko naman kaagad ang location ng hospital.
Napaupo na lang ako sa upuan habang inaantay ang magulang ng lalaking na aksidente.
YOU ARE READING
After Sunrise (Childhood Series, Book 2)
RomanceWindelson and Chelsie are childhood lovers; as they promised each other to get married after they graduate in college. However, when Windelson got accident a girl who named Venice saved her life into death and become his private nurse. As soon as Wi...