Kristel's POV
Zzzzzzt. Zzzzzzzzt.
Hello ?
What's takin' you so long ?!
Ugggh. Si T hirdy na naman. Plano nya ba talagang sirain ang araw ko gamit ang mga sermon nya? Pistiii.
Me : Kararating ko lang. Where are you ?
Him : Bandroom. Hurry up. May klase pa tayo. 7 : 30 na.
Me : Coming.
Tsss. Him and his attitude.
Patakbo na akong naglalakad papunta sa bandroom. Pagdating ko, inabutan ko silang nag aayos ng gamit. Kumpleto narin ang grupo. Ako, si Hermione, Khairene, Renzo, at Thirdy.
Si Hermione ang lead vocalist namin. Hermione Adraincem Sebastian to be exact. Maganda. Simple. Editor-in-chief din sya ng University Digest. Super ganda ng boses nito. Magaling magsalita. Pronunciation, diction, enunciation at kahit ano ano pang arte sa English, alam nya. Haha. Kaya lang, pareho kaming medyo tanga sa Math. Haha. Left-handed nga pala kami. Kaya the next time na may mag sabi sa inyo na matatalino sa Math ang mga kaliwete, wag na wag kayong maniniwala. Hahahaha.
Si Khairene Jade Lee naman ang drummer at backing vocals. Hahaha. Girl-Drummer to be exact. Sporty tsaka rakista. Hahaha. Mga kanta ng Paramore at We the Kings ang tirada nya. Haha. Matalino din. Corny at maypakashunga nga lang minsan.
Renzo Gray Mills. Sya ang bass guitarist namin. Haha. Artistry naman ang hilig nya. Painting, drawing, sculpting at kahit ano ano pang -ing, name it. Alam nya yan. Kaya siya palaging nanalo sa National Competitions. Kaso nga lang, tanga siya minsan. Hindi minsan. Palagi pala. Palagi as in always as in everyday. Hahaha.
Si Thirdy naman ang lead guitarist namin. Sya lang normal sa amin. Pag sinabi kong normal, normal talaga. Civilized kumbaga. Mature din sya mag isip kaya nga ang aga aga e sinesermonan ako. Hahaha. Pero sya ang tinaguriang " Bangko Sentral " namin. Sa sobrang yaman nya, binigyan nya kami ng isa isang bank account para daw di na kami maghingi ng pera sa kanya. Palibhasa, sa kanila rin ang bangko. May share din sila dito sa school kaya naging okay lang sa president ng school na may banda kami. Kung gaano man sya ka seryoso sa paningin ng iba, sya namang kalambot ng puso nya. Haha. Pero syempre, tinatago nya yun. Hahaha. Full name nya ? Thirdy Xavier Lopez.
So wala na ba ko nakalimutan ?
Ayy wait. Di ko pa pala napapakilala sarili ko. Pakilala muna ako.
Ako nga pala si Lucy Heartfilia. Isang Celestial Spirit Wizard sa Fairy Tail. Nandito kami ng mga Co-Wizards ko para iligtas kayo kay Zeref. Si Zeref ang pinakamasamang wizard sa mundo. At andito kami para tapusin ang mga masamang balak nya.
HHHAHAHAHHA. Pero syempre joke lang yun. Mamaya pagalitan na naman ako ni Thirdy dito.
Kristel Kate Williams at your service nga pala. Pero you can call me Kristel or Kate. Haha. Ako naman ang dakilang pianista nila. At syempre, nasa akin na ang lahat. Haha. Pero joke lang ulit. Hahaha.
Pag si Thirdy normal, ako ang dakilang opposite nya. Hahaha. Abnormal mag isip, makulit, maingay at tamad. Books, Anime, at Music. Yan ang tatlong bagay na mag dedescribe sakin. Sabi ng iba, matalino daw ako. Pero sa tingin ko hindi. Haha. Masyado lang talagang madali ang mga lessons namin. Hahahaha! Biro lang ulit. Ewan ko pero madali ko lang talaga matandaan ang mga tinuturo samin. Madali para sakin ang lahat ng subjects except for Math. Good thing, wala na kaming math-related subject ngayong sem. Kung meron man, nakuu patay.
Magkakaibigan na kami since Freshmen Year. BS Biology ang kursong kinuha namin. Ka blockmates ko sila simula noon hanggang ngayon. Sawa na nga ako sa pagmumukha nila pero sayang naman ang bank account kung hihiwalayan ko sila. Hahaha pero joke lang ulit. Parang mga kapatid ko na to kaya di ko kayang iwan. Hirap o ginhawa, sama sama kami. At dahil sa pagtutulungan namin sa pagkokopyahan, heto kami ngayon, naghihintay na lang ng ilang buwan para maka graduate. Ang saya noh ? Ang sarap ng feeling ng may totoo kang kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Falling Inlove
RomanceI was used to being all alone. Till one day, she came and changed my life.