Chapter 2

2.4K 9 0
                                    

Eto na po yung Second Chapter.

Sana magustuhan po ninyo!

Salamat sa mga nagbabasa nito!

Enjoy reading! ^_^

-----------------------------------------------------------------

Ellaine's POV

Dalawang araw na lang bago ang pasukan ni Babybi ko malulungkot nanaman ako kasi madalas siyang wala sa bahay at parati pang gabi ang uwi. Wala din si Dadadi kasi may trabaho siya kaya kame nanaman ni Nay Lagring ang magtititigan dito sa bahay. Tuwing linggo lang kame ulit magkakabonding. Huhuhu

Pumasok ako sa kwarto ni Babybi para ilagay sa Walk-in Closet niya yung mga bagong damit niya na binili namen tapos ko na kasing ipalaundry. Ito kasi ang mga isusuot niya sa first week of her school. Kailangan bago lahat dahil sa pagkakaalam ko apple of the eye siya ng University. Well, di na ko magtataka maganda siya noon at mas gumanda pa ngayon isa pa matalino din yan si BABYBI KO. Kanino pa ba magmamana? Edi samen ni Dadadi. Ang bongga nga ng genes namen eh. Isang maganda at sexing Mamami at isang pogi, matalino at magaling kumanta na Dadadi. PERFECT! Lage nga akong hinahara niyan nung kabataan namen eh. Hihihihi ^___^

Patuloy lang ako sa pag aayos ng mga damit at iba niyang gamit ng may nahagip ang magagandang mata ko. Isang black na box na may yellow ribbon sa pinaka gilid ng damitan niya. Dahil sa nacurious ako tinignan ko ang laman. Oooppssss! Di ako pakielamera o chismosa ha. Curious lang talaga ako. XD

Nung nakita ko kung ano ang laman nito ganito ang naging itsura ko (O_O) ( -_-) (>_<)( :-( ) ( :-) )

Oo magkakahalong emosyon ang naramdaman ko. Nagulat ako kasi hindi ko inaasahan na ito ang makikita ko. Nawala ang emosyon ko kasi di ko alam kung ano ang dapat mararamdaman ko. Naiinis ako dahil pinaniwala niya kame na wala na ito sa kanya at akala ko wala ng pag asa. Nalulungkot ako dahil alam ko lahat ng pangyayari pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kahit alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan niya. Masaya ako dahil alam kong may pag-asa pa at malaki din ang nagawa nung nakaraan para baguhin ang sarili niya na sinuportahan naming mag-asawa. Masaya ako dahil sobrang laki ng pinagbago niya in a good way.

Ibinalik ko sa dating ayos yung hawak ko dahil maselan sa gamit si Babybi kabisado niya yung mga ayos ng gamit niya at ayaw niyang pinapakielamanan ang mga ito. Siguro nga nakalimutan niya lang ibalik sa tinataguan niya ito dahil di niya inaasahan na aayusin ko yung damitan niya at ilang gamit niya. Good thing na wala siya dito at inaya ng mga kaibigan niyang magbonding bago daw bumalik sa kulungan ng karunungan. :D

Yan ang isa sa mga magandang pinagbago niya natuto siyang makihalubilo sa iba at hindi na dumidepende sa isang tao lang. Nagkaroon siya ng maraming kaibigan na mapagkakatiwalaan at mahal na mahal siya.

Pagkatapos kong siguraduhin na naayos ko lahat ng mga bagong gamit niya at di mahahalatang may pinagbago sa kwarto niya bumaba na agad ako ng hagdan para hanapin si Nay Lagring. Tumingin ako sa may bintana at dun ko na pansin na madilim na pala sa labas.

"Ganun ba ako katagal sa kwarto ni Babybi at ang dilim na ng paligid?" -tanong ko sa sarili ko.

Kulob kasi yung kwarto ni Babybi. May isang malaking bintana pero pinatakpan niya na yun kasi ayaw niya na daw ng maliwanag nagigising daw siya sa sikat ng araw yan ang sinabi niya sa Dadadi niyang dahilan pero ako alam ko ang tunay na dahilan. Hehehehe

Kahit naging mas open na siya samen ni Dadadi alam ko minsan may mga hindi pa rin siya sinasabi samen tulad na lang nang nakita ko kanina. Siguro may takot at hiya pa rin siyang nararamdaman kaya di niya masabi minsan ang gusto niya. Pero malambing na bata yang si Babybi.

My Professor is my Ex-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon