Chapter 4

157 9 0
                                    

Dedicated to for you. Salamat sa suporta mo. keep on supporting me! ^_^

Sana po pag nabasa niyo to. Ivote niyo po. Saka magcomment din kayo para alam ko kung maganda yung story ko. Salamat ^_^

---------------------------------------------------------------

Alliyah's POV

Maaga akong ginising ni Mamami mas excited pa nga siya kesa saken eh. Simula nung nagcollege ako ganyan na yan. Sila ni Dadadi ang pumili ng damit na isusuot ko for this day or should I say for my whole week? Ganyan nila ako kamahal. Simple lang naman ang suot ko nagmukha lang bongga kasi nakacurl nga yung hair ko tapos blonde pa.

Sa sobrang excited ni Mamami sumama pa siyang maghatid saken wala din naman daw siyang gagawin sa bahay. Bagay na pinagsisihan ko paano ba naman buong byahe wala siyang ginawa kundi magtanong ng magtanong kung kumpleto na daw lahat ng gamit ko. Puro Opo na lang sagot ko para manahimik na siya.

After 20 minutes ng byahe natatanaw ko na ang magandang gate ng Bloomington University. Blue and white ang kulay ng gate. Sa wakas makakalaya na ko sa maingay kong Mamami. ^_^v

 Hindi pinapayagan ang mga kotse ng estudyante na pumasok sa loob dahil masyado daw madame kaya may parking lot sa labas ng gate. Isa pa magiging mausok daw sa loob ng University. Arte no? Mayayaman kasi nag aaral eh.

Akala ko tapos na yung mga bilin ni Mamami hindi pa pala. -_-

 "Babybi, don't forget yung mga bilin ko ha? Always remember those things ok? Eat on time. Babye! Goodluck babybi! I love you " ^_^ -high pitch pa. Di nauubusan ng energy.

"Ok po Mamami, Babye din po. Ingat po kayo. I love you too."

Then I kiss her on the both sides of her cheeks before going out of the car.

I just watch them going away from me while Mamami is still waving her hand with teary eyes.

Napailing na lang ako sa ginagawa niya malala na parang di na ako uuwi, eh ilang oras lang naman akong nandito.

Before I decided to go inside the University I take a deep breath remembering all the things that Mamami said to me before when it was my first time entering in the University and became a College student.

Stand Up Straight.

Chin Up.

Walk Like a Queen.

Always Smile.

Be Good.

Be Friendly.

and

Don't talk to boys when not needed.

Syempre dinagdag ko lang yung pang dulo no. Mahirap na baka maulit ang nakaraan. Mas mabuti ng mag ingat.

 Nung pumasok na ko binati ko ang mga guard ng "Good Morning po" with my sweetest smile. Diba sabi Be Good daw? :)

They greeted me back. "Good Morning din po Ms. Iyah." Kilala na ko nung mga guard eh. At yeah, Iyah ang nickname ko inside the Unversity. ^_^

 Habang feel na feel ko ang paglalakad sa BU ay tumingin-tingin ako sa paligid at napansin kong every year may improvement mas gumaganda kaya no wonder kung baket mas dumami din ang nag-aaral dito.

Naupo muna ako sa bleacher sa side ng catwalk para magmoment sandali tutal maaga pa naman. Excited lang talaga Mamami ko. Hindi ko masyadong maidentify yung mga freshman kasi nakacivilian din yung ibang year levels sa University para daw hindi maoutcast yung mga feshies na wala pang uniform.

Akalain niyo yun parang kelan lang nung pumasok ako dito pero ngayon nasa Third Year College na ko. Business Administration major in Human Resource Management ang course ko. Ibang-iba ako nung high school ako at ngayong College na. Sobrang laki ng improvement na nangyari saken.

“Move on and change for the Better.”

Yan ang ginawa ko at sinabi ko sa sarili ko. Sabi nga din saken ni Mamami hindi daw ako makakaalis sa kinatatayuan ko kung hindi ako lalakad at walang mangyayari saken kaya ayun tinulungan niya akong makausad at magbago.  Ang dameng magagandang bunga ng mga pagbabago ko. Naging active ako ngayon sumali ako sa iba’t ibang org. Naging isa ako sa mga Executive Body ng Student Council ng Bloomington University at isa rin akong Cheerleader kaya naging popular ako.

May naging good effect naman bukod kasi sa nagkaroon ako ng identity, naboost din ang confidence ko at nagkaroon ng maraming kaibigan. May bad effect din, may mga naging haters din ako kasi akala nila pag Cheerleader brat na agad, bully, mayabang  at mataray pero ang mas malala naging lapitin ako ng mga annoying guys na walang ginawa kundi magpayabang, magpagwapo at magpapansin eh mga pafall at paasa naman sila kaya todo deadma lang ako.

Naputol ang pagmomoment ko ng may narinig akong something disgusting. May maarteng tumatawa tapos pagtingin ko sa gilid ko may magjowang ginawang park ang University.  -_-

“Waahhh.. hihihi ta-a-tama na kashi.. I can’t breathe na. haha stop it please..hikhikhahahihi”- sabi ni girl na halos mamatay na sa kilig sana nga di ka na makahinga. Kalanderts eh.

“Ikaw kasi eh, kung anu-ano iniisip mo di lang tayo nagkasama ng 1week feeling mo ipagpapalit kita. Di mangyayari yun no. Buti  nga pasukan na ulit araw-araw na tayong magkikita.” –sabi naman ni boy na kulang  na lang lumuhod para lang maniwala si Girl pero di na niya kailangan mukhang naniwala naman si girl.

“Promise? Di mo ko ipagpapalit ha? Ako lang dapat Forever.” –sabi ni girl in malandert tone pa.

Oooppsss! Di ako chismosa ang lakas lang talaga ng boses nila kaya naririnig ko remember nasa kabilang bleacher lang sila.

“Oo, PROMISE! Hinding-hindi. Tayo lang forever. I love you.”

“I love you too.”

Kakasuka I can’t take it anymore kaya padamog na akong umalis. Pagtingen ko sa kanila bwiset nagkiss pa tapos napatingen sila sa saken.

Gusto ko sanang sabihan sila na “HALER! School kaya to at hindi Park kaya imbes na maglandian kayo mag-aral na lang kayo ng mabuti kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.” Di nila ako gayahin. NBSB “NO BOYFRIEND SINCE BREAK-UP” hahaha joke lungs! SINCE BIRTH pero pwede din yan wahahaha.

Pero dahil sa BE GOOD daw I just give their my sarcastic smile.

 I’m not bitter, I’m just stating the obvious.

Papromise-promise pa sila eh Promises are meant to be broken kaya.

Paforever-forever pa WALA KAYANG FOREVER!!!

Makapunta na nga lang sa room baka di ko mapigilang iuntog yung dalawa para matauhan. First day pa naman tapos nambubwiset sila.

Teka nga baket ba ako naiinis? Naiinggit ba ko? Eh basta, di ako BITTER! :D

At saka MAGBIBREAK DIN KAYO! WAHAHAHA

Joke lang pero diba sabi nila.

JOKES ARE ALWAYS HALF MEANT.  ^____^

My Professor is my Ex-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon