Chapter 5 Meet Her Friends

126 6 2
                                    

Dedicated to sa new friend ko since bagay sa chapter kasi Meet her Friends ang title eh. :)))
Salamat sa support continue to read my story. Thank you ^_^

----------------------------------------------------------------------------------------

Alliyah’s POV

Nakarating na ako sa harap ng Four Storey building ng College namen. Per year level din ang floor dito. Freshmen sa first floor, Sophomores sa second floor, kameng mga Juniors sa third floor at yung mga Seniors ang nasa fourth floor para daw hindi mahirapan ang mga freshies sa paghahanap ng mga rooms nila. Ang freshman at sophomores lang ang may maraming students yung natitirang  year level kasi 3 sections lang at 30 students per section. May departamental exam kasi pag nakapasa sila doon they will continue to study here pag hindi naman babye BU sila. Kaya ang mangyayari sa kanila matira matibay. Sinasalang mabuti yung mga students dito para may magandang feedback ang University namen. So, I am proud that I’m one of the survivors. J

Ang curriculum ng bawat Colleges dito inuuna ang major subjects tapos hinuhuli yung mga minor subjects kasi daw mas masipag pa daw mag aral pag nasa First at Second year pa lang at mas nagiging active sa mga organization pag nasa Third at Fourth Year na. Maganda nga yung naisip nila dahil sinisigurado nila na makakagraduate lahat ng mga seniors dahil minor subjects na lang yung pinag aaralan nila at pag ieexcuse sa klase dahil sa mga org na sinalihan nila madali na lang silang makakacope up.

Umakyat na ko papuntang Third floor medyo naging ok na ako dahil sa nangyari kanina. Ang dameng bumabati saken kaya binabati ko rin sila at nginingitian. Perks of being a popular student maraming kakilala at supporters.

Nasa gitna ang mga room ng HR major, sa Kaliwa ang Marketing major at sa kanan naman ang Financial Management major. Medyo konti pa lang ang nasa third floor siguro alam nila na mag-aassist lang sila sa mga lower years at adjustment period pa lang kaya 50:50 ang possibility na hindi papasok ang prof namen sa first week pero sa lower years pumapasok kaagad ang mga prof.

Nasa tapat na ko ng room tapos ayun ang saya lang Third Year na talaga ako! Yehey! Hahahaha

Pagbukas ko ng pinto may ilang mga classmates na akong nandito at may kanya-kanyang grupo. Medyo familiar naman yung faces nila kaya ok lang. Narumble na kasi kame since hindi nakapasa sa Departamental Exams yung iba. I scan the room para maghanap sana ng upuan and there I saw my two friends sitting at the corner. Kaya Umupo ako sa tabi nila.

“Good Morning Baks! Yehey! We’re survivors and we’re still classmates pa rin!” sabi ni Lorenzo Luis Lopez my gay friend. I call him Enzo or Baks short for bakla.

Classmate ko siya since first year college at medyo kilala ko siya since schoolmate ko siya nung high school pero di kame ganun kaclose kasi magkaiba kame ng section kahit nakasama ko rin siya sa mga play nung high school. Remember hindi ako nakikipagsocialize dahil may isa lang akong lageng gustong makasama at mas gusto ko ang tahimik pero date yun. Dahil sa kadaldalan at kaechosan niya sa buhay ayun naging close kame. Mabaet yan, makulit, madaldal, lageng high-energy, joker, magaling kumanta,magaling sumayaw kasama ko siya sa Pep Squad at isa pa gwapo sana pero mas gusto niya daw yung maganda kasi mahilig siya sa lalaki. Sayang lahi. Hehehehe

“Good Morning din Baks! ^_^ oo nga eh ang saya! Pero parang may kulang saten.  Nasan nga pala yun?”

“Di ko alam Baks. Baka inilibing na. Whahaha” nakitawa na lang ako baliw talaga.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang magandang nilalang kaya napatingen kameng dalawa ni baks sa kanya  at ngumiti pati yung iba napatingen din.

“Good Morning People. Masyado ba akong maganda para tingnan niyo?” sabay flip niya pa ng hair at lumakad papunta samen. Kakaiba talaga tong babaeng to. She kissed us sa cheeks namen kahit pumapalag si Enzo wala siyang magawa. Hahahaha

“Akala ko nailibing ka na Beks kaya wala ka pa.HAHAHAHA” sabi ni Enzo. Beks ang tawag niiya short for beki. Ginawa kameng bakla nitong bakla na to eh.

“Bwiset ka Lorenzo! Ikaw ililibing ko eh. Masyado pa kong mganda para lang ilibing kaagad no! Kauumpisa pa nga lang gusto mo na kong mawala!” sabi ni bebe Aye sabay hampas kay Baks.

Siya naman si Ayesha Samper one of the Campus Sweetheart. Maganda siya, mabaet, masayahin, medyo maldita sa iba pero hindi samen, maingay din, magaling sumayaw kasali rin siya sa Pep Squad pero wag niyong papakantahin nako guguho ang mundo. Hahahaha Lage silang nag aasaran ni Enzo minsan nga naiisip ko baka silang dalawa magkatuluyan bagay pa naman sila. :D

Classmate ko din siya nung first year at naging close ko siya kasi madalas ko siyang seatmate pag alphabetically arrange. Nahawa ako ng kadaldalan niya at siya rin ang nagsali saken sa Pep Squad. Ang dameng naturo niyan saken. Mga kakikayan niya, masyado siyang girly eh.

“Sino nagsabi sayong maganda ka? Nanay mo? Di ka maganda. Maappeal ka lang.” hahahaha natatawa ako sinabi yan ni bebe Crys kay bebe Aye habang nagbabasa pa ng libro. 

Siya si Crystalline Eugenio classmate ko na siya before nasa iisang section lang kame pero kahit ganun hindi ko siya close date. Introvert kame pareho tingen niyo pano kame magiging close? Hindi ko nga rin alam kung paano kame naging magkaibigan ngayon eh. Siguro dahil wala siyang ibang makasama at ako lang kilala niya kaya no choice siya. Siya lage kong partner pag may pinapagawa by partners kaya siguro naging close din kame at no choice siya kundi makisama din kila Baks at Bebe Aye.

Matalino yan si bebe Crys, mabaet din yan, mahilig magbasa ng libro, magaling kumanta kaya member ng BUC (Bloomington University Chorale), tahimik pero pag nagsalita yan mapapatahimik ka katulad na lang kanina. Siya din yung nagsabi ng bwiset na no. nay un sa mall. Kaya mas gugustuhin ko pang tahimik na lang siya eh.

“Oo Nanay ko baket may reklamo ka? Ang KJ neto sana sinakyan mo na lang! Magbasa ka na nga lang dyan!”  sabi ni bebe Aye sabay Irap pa.

Hahahaha parehas may topak ang mag-uusap pero hindi naman sila nagkakapikunan dahil kabisado na nila ang isa’t isa. Tatahimik  na lang ako baka madamay pa ko. :P

Hindi na sumagot si Bebe Crys at nagbasa na lang ulit. Ganyan nga tumahimik ka na lang. ang bad ko ba? Hehehe

“Hahahaha oh ano ka ngayon? Mas maganda pa ko sayo Beks. Sayo na appeal akin na ganda. Hahahahah Ang galing mo talaga Boks! Apir tayo!” (boks-bokang) sabi ni Enzo na halos mamatay na kakatawa at nakipag apir pa kay Crys or should I say pinilit lang kasi hinawakan niya yung kamay.

Tumawa na lang ako kasi tiningnan ni Crys ng masama si Enzo kaya nagpeace sign na lang si baks at sabay tawa ng alanganin. Tapos ayun si bebe Aye at Baks naghabulan nanaman.

Habang pinagmamasdan ko silang tatlo. Napangiti na lang ako ng lihim. Salamat dahil may mga kaibigan akong katulad nila. Naging maganda yung college life ko at naging madali lang ang pagbabago ko. Nakatulong sila ng malaki saken. Kundi dahil sa kanila baka hindi ko kinaya ang buhay College. Kundi dahil sa kanila hindi ako mararating kung nasan man ako ngayon. Pinaramdam nila saken na nandiyan lang sila at sila ang TUNAY kong kaibigan. Kahit mga baliw pa yan mahal ko yang mga yan at ako din naman mahal na mahal nila. And take note! SINGLE LADIES KAME!

My Professor is my Ex-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon