Prologue

52 3 0
                                    

" No.... "

Nagulat ako ng makita ko sila mom and dad sa sala ng aking condo na masayang nagkwekwentuhan, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.


" mom, d-dad, ba't po kayo 'andito? " i asked.


Natigil sila at napatingin sa'kin, agad namang ngumiti sa'kin si mom at tumayo.


" oh anak, finally nakauwi ka na. " sabi niya habang nakangiti.


" opo, ano pong ginagawa niyo ni d-dad dito? " i asked again at ngumiti pabalik.


" why? ayaw mo ba kami dito? " nagtatakang tanong niya, ngumiti at umiling ako bilang sagot, ayos sa'kin na andito si mom, pero si dad..


'' naku, payakap nga anak. " sabi niya sabay yakap sa'kin, i really miss her so much, her smell and her touch calmed me down.


Binitawan na niya ako nang biglang tumunog ang sikmura ko, napatingin silang dalawa sa'kin at natawa, yumuko ako dahil sa pamumula ng mukha.


" you're hungry? nagpaparinig na iyang tiyan mo eh, o siya siya aalis muna ako para makabili ako ng iluluto ko grocery at makakain na tayo. " sabi ni mom, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, no, ayokong maiwan dito magisa!


Agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso, napatingin naman siya saakin
at nagtatakang tumingin.


" mom, samahan na p-po kita, mas alam ko po y-yung mga places dito, baka po m-maligaw kayo kapag magisa kalang. " pagpapaliwag ko.

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at umiling " no, i have my phone if naligaw man ako i will call you okay? then, i know you're tired from working so you need alot of rest, kaya ko na 'to tsaka andyan naman yung dad mo." pagpapaliwanag niya sabay tingin kay dad, she smiled and started to walk away. Naiwan kaming dalawa ni dad dito.


Wala na akong magawa kaya pumasok nalang ako sa loob at nilagpasan si dad.


Pumunta ako sa room ko at nagshower para mapakalma ang pagooverthink ko, kuskos dito kuskos diyan halos mapunit na nga ang balat ko sa sobrang panggigigil at sa sobrang pamumula.

Nang matapos akong maligo ay ibinun ko ang buhok ko at naghanap ng isusuot , i wear a oversized white shirt and a sweatpants, dumiretso ako sa salamin at nagsimula nang maglagay ng mga cream ko sa mukha, blino-blower ko pa ang basa kong buhok ng may pumasok.


" dad? what are you doing here? " natatakot kong tanong.


Ngumisi siya at tumingin ng madilim sa'kin. " ano kala mo sa'kin dashia ha tanga? sa tingin mo ba di ko napapansin ang paglayo mo sa'kin? " galit na sambit niya.


i look at him with disgusted face " oo, tanga ka naman talaga diba? " i rolled my eyes.


Hinawakan niya ako sa braso, naningkit ang mga mata kong tumingin sakanya.

" let me go! you horrible jerk! " pagsigaw ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya, sinabunutan ko siya at pinagsisipa pero napuruhan ang daliri ko tangina naman dashia mapipilayan ka pa!


Napahawak ako sa mukha ko ng sampalin niya ko ng malakas, pero hindi ako nagpatalo, ginagawa ko ang lahat para mabitawan niya.


" tangina! bitawan mo ko sabi, pwe! " sabi ko at dinuraan siya, nabitawan niya ako upang mapunasan ang mukha niya.


Agad akong tumakbo at kumuha ng armas sa kusina, nabangga ko ang isang baso kaya iyon nabasag, paparating na siya kaya kinuha ko nalang ang basag na baso at itinutok sakanya.


" sige tangina mo lumapit ka! " i shouted, ngumisi lang siya sa'kin at patuloy na lumalapit.


Umaatras ako habang nanginginig na itinutok sakanya yung basag na baso.

" i said wag kang lumapit or i will kill
you! " sigaw ko, he laughed hard na ikinunot ng noo ko


" tignan natin kung sino unang mamatay satin ngayon. " pananakot niya, nagtaka naman ako sa sinabi niya anong ibig niyang sabihin? namanhid nalang ang katawan ko nang may naramdaman akong tumusok sa aking likuran at nararamdaman ko na rin ang likido na pumapasok sa katawan ko.


Bumagsak ako sa sahig, tinignan ko kung sino ang gumawa sa'kin no'n, nagulat ako ng malaman ko kung sino 'yon.


" mom..."


Kaagad na umepekto sakin ang itunurok niya, nahihilo ako at nasusuka halo halo ang nararamdaman ko.


" masarap ba anak? " tanong niya, natatakot na ako sakanya, hindi na siya yung mom ko, I'm so scared..


" pagbibigyan kita, tumakas ka na, i will give you 1 minute to run, and if hindi ka nakatakas.... papatayin ka namin. " sabi niya sabay kuha ng kutsilyo, nanlaki ang mata ko, i wanna cry but kung iiyak pa ko, mamamatay ako.


" the timer starts now. " sabi niya, i tried to get up pero nanghihina ang mga tuhod ko bumagsak lang ulit ako, napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagtusok ng mga parte ng basag na baso sa akin.


" 30, 29, 28.. " bilang ni mom.


Hinugot ko ang lahat ng lakas ko upang makatayo, tumakbo kaagad ako kahit nagiging dalawa na ang paningin ko.


" 10, 9, 8... " bilang ulit ni mom habang nakangisi.


pumunta na ako sa kotse at nagsimula nang magdrive, nakita ko pa silang dalawa na kumakaway saakin bago ako makalayo.


pagewang gewang akong nagdridrive, i started to cry, wala na akong maaninag, puno na ng luha ang mata ko, I'm so scared and shock, pano nila nagawa sa'kin to?


Nagsimula nang sumakit ng sobra ang ulo ko, hindi ko na rin alam ang gagawin ko, i started to close my eyes when...


" aaaaaah! " sigaw ng isang bata, bago ako mawalan ng malay ay napatingin ako sa oras.






11:59...

_______________________________________
__________________________________

>.<

11:59Where stories live. Discover now