Chapter 4

12 3 0
                                    

Nagising ako sa tapat ng isang hospital, naka crop top at naka-sweatpants lang ako, sinuot ko ang salamin para hindi ako makilala, may dala rin akong mga prutas at bulaklak, i want to visit Riri.


" um maam, may kailangan ho kayo? " tanong sa'kin ng isang nurse.


" yes, do you know which room Rianna Alarcon is? " i asked.


" yung kapatid po ni sir Alarcon? " tanong nung nurse.


" yes, kaya nga Alarcon 'diba? " i rolled my eyes, she's annoying.


" ah yes po, sa room 204 po. " magalang na sabi nung nurse, tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglakad.


Nang mahanap ko na yung room 204, huminga ako ng malalim bago dahan dahang binuksan ang pinto.


There, nakita ko katawan ni Riri na malayang nakahimlay, napakagat ako ng labi because i don't want to cry anymore.


Nilapitan ko siya at dahan dahan siya hinawakan sa mukha, she has a very pretty face, mana sa kuya.


Tumayo muna ako at inilapag sa table ang mga dala ko, nagsulat rin ako ng note sa gilid.


hi riri, pagaling ka ha? hinihintay ka ng family mo, keep fighting, godbless!! <3
- Shia


Nang makasulat na ko ay bumalik ulit ako sa tabi niya, napangiti ako ng mapait, naaawa ako sa kalagayan niya, ang daming mga tubo ang nakalagay sa katawan niya, may nakalagay ring supply ng oxygen at ng blood.


" hi riri, si ate dashia to.. " panimula ko.


" I'm so sorry, I'm so bad right? but i hope you will get better, kahit na wag niyo na ako patawarin, basta gumaling ka lang. " sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang sunod sunod ng tumutulo.


" kung ako man ang papapiliin.. " i said at hinawakan ko ang maliit niyang kamay


" pipiliin ko na sana andyan nalang ako sa kinaroroonan mo, kasi kahit buhay at gising ako, madami silang bad things na ginagawa sa'kin." ngumiti ako


at tumayo upang uminom ng tubig at mapakalma ang sarili ko.


Habang umiinom ako ng tubig ay biglang tumunog ang Ventilator Breathing, napalingon agad ako, at nagpanic ng makita ko na nanginginig si Riri.


Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko pero patuloy pa rin siya sa panginginig, tumataas rin ang heart rate niya.


Huminto ang mundo ko nang makita ko ang heart beat niya na unti unti nang nagiging straight sa cardiac monitor, pigil ako sa paghinga nang...


" Riri? Riri? Riri?! " sigaw ko, agad akong bumangon sa kinahihigaan ko, kinakapos nanaman ako ng hininga, nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, hindi ito pamilyar, pero nakakasigurado ako na kwarto ito ni khuer, it smells like him, hindi siya amoy lalaki, he smells like a sweet lemon and i like it kasi hindi ako nahihilo.


tumayo nako, medyo nahihilo pa ako pero ayos na naman, dumiretso ako sa bathroom at naligo.


Nang matapos akong maligo ay may naalala ako...


tangina, wala akong damit!


Napahinga nalang ako ng malalim, inuntog untog ko pa ang ulo ko sa pader, putanginang buhay naman oh!


" baliw ka ba? " sabi ng isang pamilyar na boses, agad akong napalingon kay khuer, nakaputing t-shirt lang at short na kulay black, mukhang kakaworkout lang ata.


11:59Where stories live. Discover now