HUH#2 - UNEXPECTED MEETING

1.1K 42 5
                                    

Guys! Ang bilis kong mag-update noh?! Hahaha! Baka maging busy ako sa Monday dahil marami akong pinoproblema gaya ng time management, studies, world peace. Hahaha! Ayy, corny na si author. Okay, tungkol sa story isipin niyo na lang na nagtatagalog ang Got7. Aba! Ang hirap naman gumawa ng story na puro Korean ang salita. At pinapaalala ko lang po na pure fiction lang to. Enjoy reading!

Calliearica's POV:
"We are.... GOT7!" Sabay sabay nilang sabi. Oh GOSH! Mamamatay na yata ako kaya nagkaka hallucinations na ko.

"I'm Jin Young Park. Ako ang nagaasikaso ng lahat tungkol sa Got7" sabi ng isang lalaki na nakikipagkamay.

"So? Wait! Ano ba ang kailangan niyo sakin?" They are wasting my precious time, yung mga instructor nga nagkakapatayan na makuha lang ang oras ko samantalang sila ganun ganun lang?

"Last night I received a message na nagsasabing kasal na ang isa sa member ng got7"

"Can you just get straight to the point. You're wasting my time"

"Ms. Quinn, nagpa appointment sila. Sana naman galangin mo sila" sabi ni Ms. Maria na kasama ko.

"Okay! Mr. Jin Young Park, anong kailangan niyo sa akin?" Malumanay na kong nagsalita.

"Calliearica Quinn, you're married to Mark Tuan" ano?! Aba! 17 years old pa lang ako! Kasal na agad ako!!!

"No, no, no. Nagkakamali yata kayo! I'm only 17 years old. Di ako pwedeng makasal without my parents consent" Tama! Di ako pwedeng makasal ng walang permission kina mama at papa.

"Here's your marriage contract!" Sabay abot sakin ng papel na sinasabi niyang marriage contract.

Shocks! Totoo ngang kasal na ko!! And naka-pirma sila mommy at daddy dun. So technically, I'M REALLY MARRIED!

"Her unexpected husband....is Mark Tuan! Surprising right?!" Pang-asar ni Jackson.

Wag na kayong magtaka kung bakit alam ko ang names nila. Duh! IGOT7 kaya ako! Fan nila ako!

"Can you come with us?" Tanong ni JYP. JYP na lang tawag ko sakanya. Aba! Haba ng name niya para sabihin. Masasayang pa ang mabango kong laway.

~|~|~|~|~|~|~|~|~
Sinakay nila ako sa van at pinagtabi kami ni Mark. Asawa ko daw ehh. Dapat DAW magkatabi ang mag-asawa.

Sumilip ako sa bintana at tinignan ang labas. I've always wished na sana maging asawa ko ang UB (ultimate bias) ko na si Mark Tuan. Pero di ko naman inexpect na mangyayari talaga yun.

Lahat naman ng Fangirl hinihiling na maging asawa nila ang Bias/Idol pero hanggang panaginip lang. At dahil bored ako at ayaw kong tignan ang katabi ko iidlip na lang ako.

~|~|~|~|~|~|~|
Mark Tuan's POV:
"Hyung, tulog na ung asawa mo" pang-asar sakin ni Jackson. Nakita kong tulog na si Arica. Arica ang tawag ko sakanya, ang haba kasi ng pangalan niya ehh.

"Hyung, mukhang nilalamig. Sinisiksik niya yung katawan niya sa gilid oh" sabi ni Jr na nakasalip.

Nasa van kami ngayon, si Jr at Jackson ang nasa likod namin. Si BamBam at Youngjae ang magkatabi sa likod nila Jackson, si Yugyeom at JB ang nasa pinakadulo.

Pinatong ko yung jacket ko kay Arica at inilagay ang ulo niya sa balikat ko. Baka magka stiff neck pa to eh!

Nakita ko namang may pang-asar na ngiti sa labi nila Jackson kaya di ko na lang sila pinansin. Bakit kasi naka sleeveless at parang tube tong suot ng babaeng to?!

Papunta kaming Baguio doon kasi kami pwedeng makapagtago at di masyadong pagkaguluhan ng mga fans.

Malamig din kasi don, syempre sanay kami sa temperature sa korea. Baka malaman pa na kasal ako. Matagal tagal pa ang byahe so I decided to take a nap.

Her Unexpected Husband [Got7's Mark Tuan FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon