HUH#4 - Away Agad?!

942 38 8
                                    

Mark's POV:
"Noona?!" Nagising ako ng marinig ko ang sigaw ni Yugyeom. Napabalikwas ako at nakitang nakatayo sa ibabaw ng upuan si Arica na para bang may inaabot.

"Oh! Anong nangyari? Bakit nasa ibabaw ka ng upuan?" Tanong ni JB na mukhang kagigising lang din. Lahat kami mukhang kagigising lang.

"Pake mo ba! Eh sa gusto kong tumayo sa ibabaw ng upuan!" Sigaw ni Arica. Haha! Tapang talaga nitong babaeng to!

"Nako! Masama na yan, laging gusto mong nasa ibabaw. Baka sa susunod sa iba ka na nakapang-ibabaw. Hahaha!" Pang-aasar ni Jackson bigla namang nagblush si Arica at napababa dun sa upuan.

"Edi wag kayong mag hapunan! Tse!" Sabi ni Arica sabay bangga kay Jackson habang dumaan siya papuntang kwarto. Ngayon ko lang napansin na suot na pala ni Arica ang isa sa mga damit ko. Ang haba ng damit ko sakanya. Para tuloy naging dress ung shirt ko.

"Hyung, pa deliver na tayo baka nagugutom na asawa mo" sabi ni Jr na nagtatanggal pa ng muta.

"Hyung, pwede ko bang kausapin si Callie?" Sabi ni BamBam. Tumungo naman ako. Ano naman ang karapatan kong humindi?! Oo, asawa ako pero mahal nga ba ako ni Arica? At isa pa. Mahal ko nga ba siya?

~|~|~|~|~|~|~|~
Calliearica's POV:
"Noona?" Binuksan ko ang pinto at nakita ko si BamBam.
"Oh, bakit ka nandito?" Ang cute cute talaga ni BamBam. Parang ang sarap kurutin ng mga pisngi niya.

"Wala lang. Gusto ko lang makipagkwentuhan sayo, noona"

"Ano naman ang pagkwekwentuhan natin? And don't call me noona, I'm just 17 years old. You're older than me"

"Okay, Si Mark Hyung" nagulat naman ako. Mukhang nagblush ako. Naramdaman ko kasi ang biglang pag-init ng mukha ko.

"Haha, ang cute mo naman pag nagblublush" sabi ni BamBam sabay kurot sa pisngi ko. At inayos ang buhok na tumatakip sa mukha ko. Siningit niya ung buhok sa tenga ko.

Bigla namang may nabasag na mug. Napalingon ako at nakita si Mark. Di ko siya napansin na pumasok ng kwarto dahil nakatalikod ako sa may pinto.

"Mark?"
"Ahh, baka nakakaabala ako" sabi ni Mark sabay talikod. Aba! Natapon na nga niya ung coffee sa kwarto tapos magwa-walk out siya!

"Hoy Mark Tuan! Humarap ka nga sakin" umabot na kami sa living room. Aba! Ang lakas ng lalaking to.
"Mark!" Bigla siyang humarap, dahil nga sa hinahabol ko siya kanina.

Ngayon ay sobrang dikit na ng aming mga mukha. Parang 1 inch na lang ang pagitan. Ang ilong namin ay magkadikit na.

Bigla ko siyang tinulak. Ayaw ko maging sobrang dikit sakanila.

"Ano bang problema mo?!"
"Ako?! May problema?!" Naka sigaw na din siya.

"Magbabasag ka ng mug tapos magtatapon ka ng kape sa kwarto tapos hahayaan mo lang?!" Bigla naman siyang natawa. Aba! Kanina lang galit siya tapos ngayon tumatawa na. Baliw na ba to?!

"Ayun lang ba ang inaalala mo? Wag kang mag-alala pagkatapos ng kissing session niyo ni BamBam lilinisin ko iyon" kissing session?! What is he talking about?!

"Anong sinasabi mong kissing session?!"
"Hyung, di kami naghahalikan ni Callie" singit ni BamBam.
"No need to be in denial. Gusto niyo sa inyo na ung kwarto eh. Nakakaabala pa yata ako sa inyo eh"

"Are you out of your mind?! Di kami naghahalikan ni BamBam. At saka, tingin mo ba ganun akong babae?! Na sa harap ng ASAWA ko eh makikipaglandian ako sa iba"

"Asawa?! Kasal lang tayo sa papel. Ikaw na nga nagsabi diba. Na maybe saying i do to mark is the worst decision I've ever made"

"Mark, haist! Kahit na kasal man tayo sa papel kahit na sa puno pa tayo nagsabi ng I do. Ikaw pa rin ang asawa ko. Di ako hahalik ng kung sino-sino. Kaibigan mo si BamBam, wala ka bang tiwala sakanya?"

Her Unexpected Husband [Got7's Mark Tuan FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon