JOURNEY 13

19 3 34
                                    

Chapter 13

Finally

"Narizz,"

Huminto ako sa pag-aayos ng booth namin nang marinig kong tinawag ako ni ate Blessy.

"Bakit po, ate?" Mabilis na tanong ko sakanya.

"Can you check lahat ng booth kung okay na sila? Tapos pakiabot sakanila isa-isa ito? Kailangan kasi nila 'yan, sabi ng principal," sabi ni ate Blessy at may inabot sa aking makapal na bond paper na may mga naka-print. Tingin ko mga brochure yata iyon?

Mabilis naman akong tumango. "Sure, ate."

Ngumiti ako at binaling ang tingin sa president ng section ko or ni Narizz para magpaalam. Mabilis naman siyang tumango sa akin.

"Okay lang Narizz. Patapos naman na tayo, ilalagay nalang 'yung mga product na ginawa ng iba," aniya kaya nagpasalamat naman ako bago bumaling ulit kay ate Blessy at sabay na kaming naglakad papunta sa iba pang mga booth.

"Pasensiya na Narizz, ikaw pa ang nautusan ko. Lahat kasi ng team busy, eh malapit nang dumating ang mga bisita natin, ako na sana ang mag che-check pero pinatawag naman ako bigla ni Principal Santos," paliwanag niya habang palakad kami.

Tumango naman ako. "Okay lang po talaga." Huling sinabi ko sakanya bago kami naghiwalay nang landas.

Gusto kong huminga nang malalim at magpahinga muna dahil kanina pa pagod ang mga paa ko. Magmula nang magbago ang scene kanina pa naglalakad si Narizz. Mukhang ito na nga ang day ng science fair kasi halos busy na talaga ang mga estudyante sa paligid. Wala kang makikitang mga nakatambay sa benches na nasa garden ng school at sa hallway. Halos lahat nasa auditorium at field. Iyong iba sa mga classrooms.

At halos lahat sila may hawak na mga gamit na tingin ko ay para sa science fair din. Wala kaming mga klase ngayon. Talagang nilaan nila ang araw na ito para sa fair.

Tumigil saglit ako sa paglalakad at mabuti naman, nakahinga na ako nang malalim. Tumingin ako sa hawak ko at may nakalagay doon na grade 7 at mga section. So, ibig sabihin sila ang unang bibigyan ko. Makapal siya kahit hindi pa kasama ang senior section pero may hawakan naman kaya kinakaya ko namang bitbitin.

"Hello, sino ang president niyo sa klase?" Bati ko sa unang section na pinuntahan ko sa grade 7 council.

"Ah, ako po iyon ate. Bakit po?" Sagot naman niya.

"May ibibigay akong brochure tapos kailangan niyong abutan 'yung mga ibang bisitang school mamaya, okay?" Paliwanag ko naman sakanya kaya tumango siya.

"Okay po, ate. Salamat po," tipid niyang sagot kaya inabutan ko na siya ng mga brochure.

"Thank you din," paalam ko bago pumunta sa iba na namang section.

Mabilis ko lang naman naibigay sakanila ito kahit mag-isa lang ako, siyempre bumilis ang scene. Pero kahit ganoon mararamdaman ko pa rin ang pagod sa paa ko. Napahinto naman ako sa paglalakad nang nasa grade 9 na ako.

Napangiti ako sa mga design sa booth na nakita ko. Hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha, ang peaceful kasi tignan dahil nature ang theme nila. I am also proud because it is Narizz idea. Pa'no ko nalaman? Instinct. Ramdam ko kasing ang ganda nang ngiti niya habang pinagmamasdan ang mga nadaanan kong booth kanina.

Kanina sa grade 7 ang halos mga booth nila ay style forest, sa grade 8 naman ay park or garden, sa aming grade 9 island and sa grade 10 mountains yata. Ang peaceful lang pagmasdan lalo na dahil ang mga ginamit na materials sa pag design ay makatotohanan.

Hindi ko pa kasi nakikita ang gawa ng mga seniors eh.

Malawak naman kasi ang field at auditorium ng school kaya maayos na nasagawa ang theme. Magkatabi lang din kasi ito.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon