[Ano oras flight mo bukas?]
"Mga umaga, huwag mo na 'ko sunduin Clo. Kaya ko naman."
[Sige, basta tawagan mo 'ko pag nakauwi ka na.]
"Okay."
-end call-
Bukas na 'ko uuwi. Hindi ko alam kung kaya ko ng umuwi pero kailangan. Hindi ko alam kung handa na 'kong balikan ang mga naiwan ko sa Pilipinas. Pa'no kung makita ko siya ulit? I'm not still sure if I already overcomed the pain. It's been 6 years since I left and went here in the states.
Inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko pauwi sa Pilipinas. Hindi masyadong marami ang dinala ko dahil wala naman akong planong mag stay ng matagal. Plano kong umuwi ulit dito sa states after kong makita kung ano na ang situation ng mga hospital namin sa Pilipinas.
Pagkatapos ko maimpake ang mga gamit ko ay humiga na 'ko para matulog. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin akong makatulog kahit anong pilit ko na pumikit.
The thought that I'm going back to Philippines for real isn't sinking in my mind. Hindi pa rin ako mapakali.
-ting-
I woke up around 3am, hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero ang alam ko ay saglit lang ang itinulog ko.
Nag-shower na 'ko at nag-ayos. I just put minimal makeup on. I wonder what would their reaction be? Hindi pa alam nila Max na uuwi na 'ko. Si Chloe lang ang may alam.
Pumunta na 'ko sa airport at naghintay sa flight ko. Ilang pa ang minuto ang lumipas ay tinawag na rin ang flight. Pumila na 'ko at pumasok na sa plane. Habang naghihintay na umangat ang eroplano. Ilang oras din ang flight na 'to kaya makakatulog ako.
"Flight attendants prepare for landing please. Cabin crew, please take your seat for landing."
That voice....
Nagising ako sa announcement ng isang pamilyar na boses. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na kung sino 'yon pero hindi dapat ako paka siguro. Baka epekto lang 'to ng kaba ko. Umayos na ako ng upo at inayos ang mukha. Natulog lang pala ako the whole flight.
Nagland na ang eroplano at bumaba na kami. Hinintay ko pa ang mga maleta ko. Sobrang tagal! Hindi na ako mapakali sa posibilidad na makita ko siya dito. Nag shades at sumbrero ako para hindi niya ako makita.
Nang makuha ko na ang maleta ko ay nagmadali akong umalis. Pero sa pagmamadali ko ay may nabangga ako. Nahulog ang bag ko, sabay naming napulot 'yon.
Nang makita ko ang kamay niya... biglang tumibok ang puso ko. Kinuha ko na ng mabilis ang bag at inayos ang shades ko.
"You okay?" He asked.
His voice deepened. He was wearing his uniform that fits him so well. His uniform hugged his body perfectly. He did became a pilot... Siya nga ba ang piloto kanina? Ibig sabihin alam niyang uuwi ako?
What if- hindi, bawal 'to.
Tumango nalang ako at iniwasan siya. Hindi maari ito, nagsisimula na namang bumalik ang mga tanong at what if's ko. Hindi na dapat pa.
Nagmadali akong makapara ng taxi. Buti na lang at hindi niya ko nahalata. Buti hindi niya nakilala. Hindi na niya ramdam ang presensya ko.
Nang makauwi na 'ko ay agad kong inayos ang gamit ko at tinawagan si Chloe. Sabi niya ay pupunta siya kaya inayos ko na ang bahay namin- I mean bahay ko.
Nag-iba na ang design ng bahay dahil pina-iba ko 'to kay Chloe dahil ayaw kong maalala ang memories na nabuo dito. Pero sa bawat sulok ng bahay na 'to ay naalala ko ang mga pangyayari. Parang nag flash back na lang bigla ang mga nangyari sa 'min.
Umiling na lang ako, hindi ako bumalik dito para balikan ang mga ala alang sumira sa 'kin. Tinawag ko na sila manang para ayusin ang dining table. Dito kasi kakain si Chloe sabi niya sa 'kin.
"Iya!!!!!"
Nagulat ako sa mga sumigaw papasok ng bahay. Nagulat ako nang makita ko ang buong tropa, hindi ko inaasahang pupunta sila. Tumakbo sila Max papunta sa 'kin para yakapin ako.
"Amoy imported.. May chocolates ka ba diyan?" Pang aasar ni Max.
"Naks di na dugyot." Dagdag ni Lei.
May dala silang pagkain kaya pinaupo ko na sila sa dining para magsimula na kaming kumain. Namiss ko rin ang mga 'to!
"Baka si ano ang piloto niya kanina." Pang aasar ni Max.
Biglang akong nabulunan sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin senyas na hindi ko gusto ang topic na 'yon.
Pero sa totoo lang, baka siya nga ang pilotong 'yon.
Ilang oras pa ang nakalipas ay umuwi na rin sila. Napagod ako sa pagkukuwento ng mga nangyari sa 'kin sa states. Kulang pa ata ang dalawang oras para sa anim na taong nangyari sa 'kin sa states.
Pagka-ayos ko ng gamit ko ay humiga na 'ko sa kama ko. Namiss ko ang kama ko na 'to. Iba pa rin talaga ang feeling dito sa Pilipinas. Natulog na 'ko dahil bukas ay pupunta na 'ko sa hospital.
-ting-
[Papunta ka na ba?]
"On my way."
-end call-
Papunta na 'ko sa hospital. Hihintayin daw ako d'on ni Chloe. Binilisan ko na ang pagmaneho dahil excited na 'ko magsimula.
Pagdating ko d'on ay namangha ako sa linis ng hospital. Tita Marissa did well managing this hospital... iniwan ko kasi ang hospital kay Tita Marissa dahil wala ng iba pang mag aasikaso.
"Ready ka na?" Tanong ni Chloe.
"Of course." I smiled at her.
Sinuot ko na ang white coat ko at inilagay ang stethoscope sa leeg ko. Sobrang excited na akong icheck up ang mga pasyente.
Ilang oras na ang nakalipas at ilang pasyente na rin ang naasikaso ko. Tumayo na 'ko para mag take ng lunch break. Nakakapagod rin dahil ang dami nilang nag papacheck up ngayong araw.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang lalaking pamilyar. Pero bago pa 'ko makalapit sa kaniya ay lumingon na siya sa direksyon ko. Tama nga ako, siya nga.
Ang sumira ng buhay ko..
"Iya?" Tanong niya nang makita ako. "Kamusta?"
"I'm fine." I simply said, acting like his prensence doesn't affect me.
"Mrs. Lopez I guess?" He asked.
"Dr... Dr. Lopez it is." I said. "Ginagawa mo dito?" I asked to lessen the awkwardness.
"Nanganganak si-"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tinawag na siya ng nurse.
So he already build his family? He acted like he didn't hurt me at all. Suddenly my tears started to fall. Natulala lang ako. All the memories of him breaking my heart flashed back.
Hindi na dapat pa... siya nagpakita sa 'kin.
The pain that I tried to heal for more than 6 years came back just a second. Yung sakit na nararamdaman ko... bumalik.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fiction manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This is my first time writing a story so please don't judge me. There may be typographical errors and wrong grammar, I will try to edit what's wrong so please be patient with me.
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT♡
YOU ARE READING
STUPIDLY MADE FOR 2
Teen FictionIya, a pre-med student from Princeton University who enjoys college. What will happen to her when she meets Kio and Kiko?