TWO

9 3 0
                                    

"Iya, ano na. Kanina pa kita hinahanap."

Chloe tapped me, and glared at me. Parang mga 30 mins lang akong nawala e! Jusko!

"Bakit? Uuwi na ba tayo? Ang bilis naman!" Angal ko.

"Oh bakit parang namumula ka?" tanong niya sakin.

"Blush on lang yan tangek!" I lied.

"Ahh, akala ko naman kung ano na nangyari sa 'yo, hindi naman ganyan kapula 'yan kanina. Nabili ko na yung kailangan ko. Ikaw ba? Nabili mo na mga kailangan mo?" Tanong niya.

"Oo nabili ko na. Bakit ba nag mamadali ka? Taeng tae ka?" Pang aasar ko.

"Oh sige, maiwan ka dito. Mauuna na ako." Sabi niya sabay lakad na.

"Joke lang it's a prank." Sabi ko sabay sunod sa kaniya.

Ito talagang pinsan ko minsan...

Pagkauwi namin sa condo, ay nag soundtrip muna ako. Si Chloe naman ay natulog, kulang daw kasi ang tulog niya. Ako naman chill lang nakikinig sa music habang kumakain. I'm not good at singing but I really love listening to music. Di ako singer pero dancer ako. I was a member of a dance crew back in highschool together with George. Nakakamiss tuloy sumayaw sa stage at makipag compete sa ibang schools.

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na yung mga nilabhan ko. Nilagay ko siya sa basket tapos itinupi ko sa sala. Pagkatapos kong tupiin dumirteso nako sa walkin closet namin para ilagay na yung mga nilabhan ko na damit niya at damit ko. Yung panyo naman ni Mr. Pogi nilagay ko na sa bag ko para if ever na makita ko siya ulit maisusuli ko na.

Pagdating ng mga ala sais gumising na si Chloe para magluto. Kailangan niyang mag luto kung hindi magugutom kami. Dahil kapag ako ang nagluto baka wala kaming makain.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Tinola nalang siguro." Sagot niya.

Nagluto na siya ng tinola. Pagkatapos n'on ay kumain na kami. May pasok pa kasi kami bukas kaya kailangan maaga akong matulog. Baka sakalin ako ng mga magulang ko pag nalaman nilang late ako.

-tut-

Nagising ako ng mga 6am, 8am kasi ang firstclass namin ni Chloe. Naligo na ako, at sinuot ko na ang uniform namin. Dahil tamad ako ngayon araw hinayaan ko nalang na nakaladlad yung buhok ko.

Dumiretso na kami ni Chloe sa Princeton kaagad. Masungit kasi prof namin sa first class kaya inagahan na namin. Umupo kami sa pinaka likod, as usual katabi ni Josh si Chloe.

"Iya, may ibibigay sa 'tin si George kaya pupunta tayo sa Meadows mamaya hindi daw kasi siya makakapunta." Sabi ni Chloe.

"Luh! Bakit? Ano bang ibibigay niya?" Tanong ko.

"Lalaki daw."

"Ay G ako-"

"Oh tamo hindot." Sabi niya sabay tawa. "Basta may ibibigay daw siya. Kaya pumunta na lang tayo."

Tumango na lang ako, ano pa nga bang choice ko. Atsaka balita ko maraming pogi sa Meadows! Aawra muna ako 'no!

Pagkatapos ng last class namin, dumiretso na agad kami sa Meadows. Napahinto ako sa sobrang ganda, grabi kaya siguro puro mayayaman ang nag e-enroll dito. Pang bigtime! Pati guard ang pogi wualah.

"Clo, huwag na tayo mag aral." Sabi ko.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Magtinda na lang tayo ng fishball dito." Napatawa naman si Chloe.

Willing na willing ako magtinda ng fishball dito sa Meadows kung araw araw ganitong mga mukha ang makikita ko.

Pumasok na kami ni Chloe sa loob para hanapin si George. Pero bago kami tuluyang pumasok nginitian ko muna si kuya guard, ang pogi talaga ni kyah! Pagkapasok naman namin sa loob. Jusko! Siguro nung umulan ng kagwapuhan nasalo nilang lahat. Ang popogi ng mga andito bessy!

STUPIDLY MADE FOR 2Where stories live. Discover now