"Iya, Tara na mag iinuman daw tayo! Libre ni Theo."
Bigla kong narinig ang malakas na boses ng pinsan ko. Buti nalang at nag aya sila na lumabas at maginom ngayong gabi. Ilang buwan na rin akong hindi umiinom dahil kakabreak lang namin ni Shan. Syempre bilang respeto naman sa kumag na 'yon.
"G! Bihis lang ako!" Sabi ko.
Agad kong niligpit ang mga libro at mga notebooks ko. Kahit nag aaral ako at may quiz next week, wala akong paki. Minsan lang naman na ako mag inom e. Kaya palag na 'no. Pagkaligpit ko ng mga gamit ko ay dumiretso na ako sa cr para maligo. Pagkatapos ko mag shower nag toothbrush ako, ayaw ko naman na mabaho hininga ko kapag nakipag mwa mwa ako mamaya 'no.
Pagkatapos ko mag toothbrush, pumunta na ako sa walk in closet namin ni Chloe. Ano kaya ang susuotin ko? Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng mga croptop tapos labas cleavage. Hindi naman kasi halata cleavage ko at parang kinagat lang ng langgam ang dibdib ko. So anyways, mag t-tshirt nalang ako tapos itutuck in ko sa maong shorts ko. Simplehan ko nalang muna ang suot ko.
"Tara na, naghihintay na daw sila Max sa baba." Sabi ni Chloe.
"Ito na boss, easihan mo lang. Nararamdaman kong makakahanap ka ng malalandi ngayong gabi." Pang loloko ko sa kaniya.
"Tae mo Iya! Pag ako hindi nakahanap ah!" Pagbabanta niya.
Tumawa na lang ako. Bumaba na kami dahil daw kanina pa sila naghihintay. Pagbaba namin ay nakita na namin sila agad sa tapat ng lobby. Van ni Tristan ang gamit namin. Pag ka pasok namin sa loob ay nandoon sa pinaka likod magkakatabi sila Athena, Lei, Theo at Josh. Sila Nate at Max naman ay magkatabi as usual. Itong mag bestfriend na 'to. Si George naman ang nasa harap katabi si Tristan na mag da drive. Sila Hailee, Angel, at Asher daw ay nauna na sa club.
Umupo na kami ni Chloe para makaalis na. At dahil nga medyo malayo ang club na pupuntahan namin, nagpatugtug naman si Tristan. Kaya sabay sabay naman kaming kumanta.
"Ey! Batang pasaway! At lahat sasabay! Hanggang mamatay rawstar dadalhin ko hanggang mamatay oh di na di na di na di na puwedeng lumiko di na puwedeng umatras di na puwedeng lumiko! At lasing na lasing at pabilis ng pabilis at kapag tinopak nako di na puwedeng tumino rah!" Sabay sabay naming kinanta.
Habang nasa byahe, kami ni Chloe ay naghahanap ng mga malalandi. Sobrang tagal na kasi naming hindi lumalandi jusko! May nakita naman ako bigla, student from Meadows U. Napa titig ako sa picture, naka polo siya at nakabukas ang lahat ng butones. Damn, six pack! Yummy! Medyo familiar kasi kamukha niya yung crush ko nung bata pa 'ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na din kami sa club. Grabi ang daming tao. Sobrang lakas ng music ang sarap talagang mag party nahahype ako! Di naman sa pagmamahiya pero mas kiti kiti pa ako sa kiti kiti. Pagbaba namin sa van ay nakita na namin si Hailee na nagaantay doon sa entrance. Pumunta na kami agad sa kaniya.
Nauna na si Theo kasi siya ang magbabayad dahil libre niya kami. Yaman talaga ng mga tropa ko! Parang puwede na akong mag pa ampon. Pagkabayad ni Theo dumiretso na kami sa table namin. Sabi ko huwag kami sa VIP para marami kaming makasalamuha. Gusto ko pa rin lumandi 'no. Ano dahil lang sa lalaki ititigil ko buhay ko? Luh asa ka.
Tumayo na sila Theo at Angel para kumuha ng drinks. Napatingin kami sa paligid ni Chloe para maghanap ng matatarget. Pagkabalik nila Theo may dala silang black label at Jager. Uminom agad kami ng one shot ng Jager. Pagkainom namin ay dumiretso kami sa dance floor para sumayaw. At dahil magaling kami sumayaw ni George marami kaming nabingwit na lalaki. Tss.. easy... may nakausap na agad si George. Pati 'tong si Asher ay may kausap na agad. Itong baklang 'to inunahan pa ako. Wala naman akong inentertain dahil ang chachaka.
YOU ARE READING
STUPIDLY MADE FOR 2
Teen FictionIya, a pre-med student from Princeton University who enjoys college. What will happen to her when she meets Kio and Kiko?