"'yon lang po ba ma'am?" tanong sa 'kin ng babae.
"Fries and sundae lang please." I said then smiled.
Nang mabayaran ko na ang order ay dumiretso ako sa isang bakanteng table para hintayin ang order ko. I saw Kio seated on the table next to mine. He just looks simple today, plain black shirt and grey shorts.
Bakit hindi niya ko pinapansin? Why does my presence didn't affect him? He didn't eve bother to talk to me. Mukhang may hinihintay siya, napansin kong tingin siya ng tingin sa mga taong napasok sa entrance. Fianće kaya niya yung hinihintay niya? Iya bakit mo naman kailangan alamin ha?
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakuha ko na din ang order ko. I glanced at Kio na nagcecellphone lang doon. Lumabas na ako, nagulat ako dahil nabangga ko si Brianna.
"Why are you here?" sabi niya sa 'kin.
"Wala kang paki bitch,"
Naiirita ako sa pagmumukha ni Brianna. Wala pa nga nayayamot na 'ko.
"You bitch!-"
"Brianna enough," nagulat ako nang magsalita si Kio.
"Wait are you with her?" Brianna asked Kio.
"No, tara na sa loob." sabi ni Kio sa kanya.
"Are you sure? Does she know na ba?" Nagdududang tanong ni Brianna.
What? Ano bang dapat kong malaman?
"Ang alin?" nagtatakang sabi ko.
"Iya you know what-"
"Bree I said enough," sabi ni Kio. "Iya just go."
Aba! Iya just go? Why so rude? After mo kong landiin? Edi aalis, sino bang gustong magstay pa dito? Ah, baka kasi mag de-date sila? Secret relationship? Tss ano naman?
Umalis na ako, baka sabunutan ko pa si Brianna e. Magsama kayo... Paki ko?
From: Chloepatuti
Iya, sunduin mo muna si Cade sa Easton plss.. Thank you:)
Ngaleng! So no choice pa ako...
Dumiretso na ako sa Easton para sunduin si Cade. Uwian na nila ngayon. Sana lang ay huwag ako malasin ngayon. Buti nalang at umabot ako dahil kakalabas pa lang ng mga estudyante. Nag-intay ako kay Cade sa may waiting area. Ngunit ilang minuto pa ay hindi pa rin nalabas si Cade.
Pumasok na ako sa loob para hanapin na si Cade. Kanina pa dapat nakalabas ang batang 'yon. Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko pa rin siya nakita.
"Iya?"
Tangina..
"Anong ginagawa mo dito?" dagdag pa ni Shan.
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Ah, susunduin ko lang si Cade. Ikaw bakit ka nandito?"
"Pumunta lang ako sa office ni Tito."
Tito kasi ni Shan ang may-ari ng school na 'to. Kaya ayaw ko pumunta dito e, alam ko na baka makasalubong ko si Shan na wala ng ginawa kung hindi kulitin akong makipag comeback sa kanya. Comeback my ass.
Tumango nalang ako para tapusin ang pag-uusap naming dalawa pero hindi pa rin siya naalis. Nagsimula na akong maglakad ulit pero sinusundan niya ako. Mukhang pipilitin nanaman niya ako, Tangina.. Pagod na pagod na akong iexplain sa kanya lahat ng paulit-ulit.
"Uhm, Iya..-"
"Uy! Cade!" buti nalang at nakita ko na si Cade.
Naglakad na ako para pumunta kay Cade pero nagulat ako nang hawakan ni Shan ang braso ko. Hinarap niya ako sa kanya.
YOU ARE READING
STUPIDLY MADE FOR 2
Teen FictionIya, a pre-med student from Princeton University who enjoys college. What will happen to her when she meets Kio and Kiko?