Just Like the Movies

28 0 0
                                    

Second story ko na 'to!!! Sana i.vote niyo 'to hehehe! I hope you'll like it. :D

Comment lang kayo kung ano ba yung gusto niyong mangyari sa story para masaya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Raphaelle's POV

"Manong, saan po si Direk Jun?" Sabi ko.

Naaalala ko pa noong nagsisimula palang ako sa industriya na 'to. Punta doon, punta dito halos mapilay na yung aking paa sa kakahanap sa mga tamang tao na tutulong sa akin. Ewan ko ba't bakit ganoon, sabi ng mga naging kaibigan kong artista na hindi naman ganun ang pinagdaan nila noon. Ang daya. Hahahaha! :P

"Ah, maam nadoon po siya sa harap. Ayon oh, kausap yata yung camera man." Sabi ni manong stylist. Hehehe!

"Salamat po kuya!" Sabi ko.

Tinungo ko kaagad si direk para makausap siya tungkol sa gagawin ko mamaya. Nako, nakakaloka naman kasi si manang script writer, parang hopeless romantic yata. Hahaha!

Habang papalapit na ako kay direk ay nakita kong naglalakad din papunta sa kanya si Mathew my loves... I mean Mathew lang pala, siya yung bida sa teleserye namin at naging co-star ko na din sa ilang palabas. Ewan ko ba't naging crush ko ang taong 'to, maliban sa gwapo'y, mabait, masayahin, palabiro, maalaga, palakaibigan at nasabi ko na bang "hot" din siya? Pero ngayon... pilit ko ng dinideny ang feelings ko sa kanya. Kayo ba, kapag narinig niyo na magkatuluyan ang leading man at kontrabida sa totoong buhay sigurado akong madidisappoint kayo. Kaya ayaw ko ng labagin pa ang "TV RULES"(I invented this term) Hahahaha!

"Uy, Raphy!!" Sabi ni Mathew. Tawag niya yan sakin, ang cute nga eh. Ok, focus na Raphaelle, remember bawal labagin ang "TV RULES"!

"Hey Matty!!" Oh crap. -_- Baka akala ng ibang cast may pet name na kami sa isa't isa. Way to go Raphy!! Ay Raphaelle pala. :P

"Saan ka punta? Kay direk din ba?" Sabi niya. Tumango nalang ako. Speechless na kasi eh. Eh kung kayo kaya sa sitwasyon ko ngayon, katabi ang "boy nextdoor" ng Philippine media.

Hindi na siya nagsalita, baka nahiya sa ganda ko. Hahahahaha! J O K E ! I thought pupunta siya kau direk, yun pala sa dressing room pala. Pheew. Buking sana ako. Hahahaha!

"Umm direk... may tanong lang po kasi ako... tungkol po ito sa... sa part na." Sabi ko. Kabado kasi, ito kasing si Direk Jun mabilis magalit pero mabait naman. Kaya yan, utal-utal na akong nagsasalita.

"Ah, yung scene niyo ni Mathew? Oh come'n iha. Part lang yan ng story, hindi naman totoo yan. Trust me, madami ka pang pagdadaanan na ganyan sa industriya na ito." Sabi ni Direk Jun sabay kindat.

Tsk. Kung alam niyo lang po... Baka lalo pa ako nitong mainlove sa kanya!!! Oh wait. Siya na yata yung first kiss ko!!! At ako pa yata ang gagawa ng first move. -_- I thought mangyayari ito sa harap ng isang castle. Ok. Sira na ang pangarap ko.

"I think I'll be breaking the "TV Rule". Sabi ko.

"Ano iyon iha?" Sabi ni Direk.

"Ah wala po." Sabi ko.

Sana't may fireworks, may banda, at may mga petals ng rose sa paligid namin kung gagawin ko iyon. Sana.

"Well, well look who's here. Alexxandra Tan, a.k.a in real life, Raphaelle Jeon."

Natigil ang aking day dream ng magsalita ang "princessa", I mean ang bruha pala. Si Jiana.

"Ummm. Yep, still here." Sabi ko sabay fake ng smile sa kanya.

Suot ang kanyang skater skirt at white na tank ay magmukha siyang inosente. J O K E !

"Alis ka na nga diyan. Nasa harap ka ng chair ko. Bumalik ka nga sa pwesto mo. Direk, she's blocking my view!!" Sigaw niya.

Bruha talaga, ibang iba sa ugali niya sa tv. Akalain mong mala Princess Sarah yung ugali niya sa kwentong 'to. Kulang na lang ng patatas. Pero kahit ganun yon, hindi parin ako galit sa kanya. Ewan ko ba't bakit hindi.

"That's ok dear. Aalis naman diyan si Raphaelle. Scene na nila ngayon ni Mathew. Watch carefully." Sabi ni Direk. Ang weird niya talaga. -_-

"Po? Scene na po namin?" Sabi ko. Syete!! Hindi pa ako prepared. Inhale exhale!

"Go!" Sabi ni Direk.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
"Alexxandra! Hindi tama 'to!" Sabi ni Jonathan(Mathew).

"Wala namang tao. Isa pa, kasasabi mo lang na hindi mo mahal si Jenine(Jiana)!!" Sabi ko.

"I know what I said. Pero----"

Hinalikan ko siya ng madiin. Yung parang kami nalang ang natitirang tao sa mundo. Mahal talaga kita Jonathan, ikaw lang.

"Stop it Alexxandra!!! Alam mong hanggang kaibigan lang ang turing ko sa'yo!!! What the heck!!" Sabi ni Jonathan sabay tulak sa akin palikod. Tumama ang likod ko sa railings ng pool at natumba ako.

"Jonathan!!!" Sigaw ko habang papalayo siya sa aking paningin.

"And cut scene!" Sigaw ni Direk Jun.

Ouch. Napalakas yata yung tulak ni Mathew sakin. Nakahiga pa din ako ngayon sa sahig. Mukhang nasugatan yata. Ouch.

"Raphy!!" Sabi ni Mathew. "Raphy, sorry talaga! Sorry! Napalakas yata!! Nako, sorry talaga!!!"

Inalalayan niya akong tumayo kasama ni Direk Jun.

"Nako, ok lang. Hindi naman masyadong masakit eh. Ouch!" Sabi ko ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Aww. Poor Raphaelle. Are you ok?" Sabi ni Jiana sabay pout. Plastic talaga. -_-

"Sampalin mo ko." Biglang sulpot ni Mathew.

"Ano? Ok nga sabi eh! Balik ka na doon." Sabi ko kay Mathew. Parang ang weird niya ngayon. :P

Umalis kaagad si Jiana ng biglang tinawag an pangalan niya. Mabuti na lang at umalis na ang bruha.

"Raphy, yung kamay mo!! Sorry ang gago ko! Sh*t. Sorry talaga! Medic! Please! Direk!" Sigaw ni Mathew.

Huli ko nalang narealize na nasugatan na pala yung kamay ko. Late reaction? Slow? Yup. Pero kanina wala 'to ah! Wait. Dumudugo pala!!!!!! Syete! Ouch kanina yung likod, ngayon pati yung kamay! At dumudugo pa!!!!!!! I'm afraid of blood! Nako! Syete! This might be the worst and the best day of my life. -_-

"Bilis po!" Sigaw ni Mathew.

Yup, patuloy pa din ang pagdugo nito. Ewan ko ba't bakit nagkasugat ako dyan. Yung likod lang naman yung tumama.

Habang binabondage nila yung kamay ko'y nakapikit lang ako. Takot nga diba sa dugo? :P

"Oh ayan na maam." Sabi ni ate medic.

"Thank you po." Sabi ko.

Pheew. Mabuti nalang at hindi na dumudugo. Tumingin ako sa malayo ng biglang may humawak sa aking kamay... si Mathew pala. Hinalikan niya ito. Ok kilig much!

"Sorry." Sabi niya. "This will be the last time I'll hurt you. I promise." Sabi niya...

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Hey everyone!!! This would be my second story dito sa wattpad. Vote niyo sana 'to para masaya! Hahaha! Comment din kayo ng kung anong gusto niyong mangyari sa story. :D


Just Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon