Realization

8 1 0
                                    

Mathew's POV

"At para simulan, ang transferee muna ang magsisimula. Ms. Jeon." Sabi ni maam. Wait what? Ms. Jeon?

"Hi every--- IKAW?" Biglang sigaw ng babaeng nasa harap ko ngayon. At hindi nga ako nagkamali. Ms. Jeon as in Ms. Raphaelle Jeon.

Ni-raise ko ng kaunti yung right hand ko para mag-hi. Ok, parang stalker ko na yata si Raphy. Pero she's good and nice.

"Ahhh, Ms. Jeon I believe kilala mo na si Mr. Santos, a.k.a Jonathan." Sabi ni maam na parang reporter.

"Opo maam. Aheem. Hi everyone, ako nga po pala si Raphaelle M. Jeon, 15 palang pero malapit ng mag 16, I hope magiging close tayo, and nice meeting you all." Sabi niya.

Umupo siya sa likurang bahagi, mukhang tinataga niya yung mukha niya. Mukhang nagulat din siya, pero mas nagulat talaga ako.

"Bro, diba siya yung kontrabida sa show niyo? Nice bro! Magaling ba yung humalik? Hahaha!" Tanong ni Arthur.

Parang kumulo yung dugo ko sa kanya, pero alam ko namang joke lang yun. Pero hindi talaga eh.

"Shut up, king Arthur! Iba siya sa role niya sa TV. Kaya tigilan mo na yan." Sabi ko.

"Chill bro, joke lang yun. Besides hindi kami pwede. Cousin ko yan!! I was just testing you! Hahahahaha!" Aniya.

Shiiit! Cousin? Oo nga pala, cousin ni Arthur si Jane at cousin din ni Jane si Raphy. Mabuti nalanh at hindi ko ito nasuntok.

"Oo nga pala, muntikan na kita na masuntok dun! Hahaha!" Sabi ko sa kanya.

"I know you won't do that, kaya mo bang sapakin ang bestfriend mo? Hahaha! Besides, boto naman ako sa'yo ah!" Sabi niya sabay tawa. Boto? Election ba 'to?

"Tigilan mo na nga yan. Alam mong inosente pa ako para dyan." Sabi ko. Hahahaha!

"Hindi ka nga talaga marunong magsinungaling." Sabi niya sabay tawa.

Natapos yung first period ng mabilis, ganun din yung 2nd, 3rd at 4th sa umaga natapos na din yung lunch time, and thank God naka-survive naman ako. Pero hindi ko naiwasang makita sina Jane, Andrew at Raphaelle kanina.

"Matt, saan ka pala naglunch kanina? Sayang at masarap pa naman ang luto ni Tita Belle sa Resto niya sa labas!" Sabi ni Seth.

"Whaaat? Hindi niyo naman kasi ako sinabihan eh! Next time na lang brad. Pero masarap ba talaga? Kumain ba kayo ng roast nila Tita Belle?" Sabi ko.

Sayang nga talaga! Kasalanan naman kasi ng mga unggoy na ito eh, hindi naman ako inimbita.

"Oo! Yum yum talaga! Baka bukas ulit Matt. Next time, 'wag kang mawawala ng basta't basta." Aniya.

Pumasok na kami sa loob ng classroom at surprisingly, wala pang masyadong tao doon and by "walang masyadong taong", kami pa lang ang tao sa classroom.

"Matt? Siya pa din ba?" Tanong ni Castor.
"Oo nga Matt, naka-move on ka na ba o hindi pa? Hahahaha!" Tanong din ni Neal.

"Mga kaibigan, malalaman na natin ngayon kung mahal pa din ba ni Jonathan Diaz a.k.a Mathew James Santos si---" Pahayag ni Arthur na mala-reporter ngunit...

"Oo!! Kaya itigil niyo na yan kung ayaw niyong itapon ko kayo sa labas ng classroom!!"

"Aheeem. Affected pa yata tol!" Sabi ni Seth.

"Ang sabihin mo, true love!! Wooooh! Swerte ni aheem sa'yo!" Sabi ni Castor.

"Tularan mo nga si Matt, Castor! Hahaha! Magretired kana sa pagka-playboy mo!" Sabi ni Neal.

Just Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon