Luck or Jinx?

11 0 0
                                    

Mathew's POV

It has been a year since pumasok ako sa business na 'to at mailan-ilan na din yung nagawa kong projects. Pero ewan ko ba't bakit hindi pa din ako masaya... parang may kulang.

"Kuya, gising na po." Sabi ng bunso kong kapatid na si John.

"Hmmmm.. Wala namang taping ngayon ah. Ano bang meron J?" Tanong ko.

6:03 na ng umaga. Ang aga-aga yata akong ginising nito ah. Wait... bakit nakauniform na siya?

"Tsk. First day of school diba ngayon? Ayaw ni mama na malate po tayo. Bilisan niyo na po." Sabi niya.

May klase na pala. Top 2 sa fears ko, class hours. Tsk. Sigaw doon, sigaw dito, autograph diyan, autograph na lang kahit saan. I thought madali lang ang pagiging artista. Isa pa't hindi ko naman ginusto 'to.

Actually hindi yung klase ang kinakatakutan ko, kundi yung kung ano ang nangyayari tuwing nasa school ako.

Eh bakit nag-artista pa ako? Ewan, hindi ko din alam. Ang weird ng reason ko? I know, hindi ko talaga alam kung bakit at paano ako nakapasok sa industriya na 'to.

"Oh sige. Sabihan mo si mama na maliligo na ako."

"Yes po kuya!" Sigaw ni John sabay takbo sa labas.

How can I survive another day... Another day na wala ka...

Raphaelle's POV

"Oh my gee! Ang galing talaga ni mommy na pumili ng school na paglilipatan! May swimming pool, ang daming stall sa canteen at schoolmate ko si crush Matheeeeew!" Sigaw ko sa labas ng gate.

Eh paano ko nalaman na schoolmate ko si Mathew? Eh eto ho! Nakadikit ang mukha at pangalan niya sa harap ng schoolgate. 2nd place, 1st place, champion, best in... lahat na yata ng mga contest sinalihan ni crush! Talented talaga! Hihihi!

"Alexxandra Tan, I mean Raphaelle Jeon?"sigaw ng babaeng nasa tabi ko.

"Ano po?" Sabi ko. Sabay harap sa babaeng tumawag sa akin. Syete.

"Hi!" Sabi niya sabay kindat sa akin.

"Lili!!!!!" Sigaw ko sabay takbo sa kanya. "Power hug!"

Sino siya? Well, siya lang naman ang nag-iisang babaeng cousin ko. Allysa Jane Arana, full name niya. And yes, siya din yung reason kung bakit dito din ako nag-aral. And, oo mahal na mahal ko yan. :D

"Tama na! Tama na!" Sabi niya. "Lumevel-up yung power hug mo Raprap!" Sabi ni Lili.

"Side effects ng martial arts lessons! Teka nga lang, nasaan na si my labs mo?" Sabi ko.

Oo, may boypren na ang babaeng 'to kahit medyo boyish, blackbelt sa taekwondo, may abs, at triathlete, ay may naglakas loob na mahalin at ligawan siya. Don't get me wrong ha, pero sa unang tingin ay di mo aakalaing blackbelter 'to. Mahinhin, maputi, at palaging may pink na accessorie na suot.

"Break na kami..."Sabi ni Lili habang nakayuko.

"Sorry Li. Teka saan na ba yun? Anong gusto mong gawin ko sa kanya? Sabunutan? Ilagay sa kumukulong mantika? Balatan ng buhay? Ano?" Sabi ko.

Gale Andrew Sebastian ang pangalan ng boyfriend ni Li, ex na pala. Girlish no? Pero ang pinagtataka ko lang, bakit sila nagbreak? I mean daig pa nila ang lolo at lola niyo sa pag-ibig. Hehehe!

"Sino yung babalatan?" Tanong ng lalaki na nasa tabi ko.

"Ah si Andrew." Sabi ko. Humarap ako sa direksyon niya. Syete.

Just Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon