Sayaw

4 1 0
                                    

Naaalala ko pa kung anong pakiramdam

Nang unang maglapat ang ating mga kamay 

Habang tayo ay sumasayaw 

Sa saliw ng musikang gamay

Parang nabuhay ang mga paru-parong

Kay tagal namahinga sa aking kalamnan

At nang magtama ang ating mga mata 

Ay wari bumagsak ang pinaka maningning na tala

At siyang tinupad ang tanging hiling

Na sana'y iyong mapansin 

Ngumiti ka sa 'kin kasabay ng iyong pagtingin

Tumalon ang puso ko sa galak 

At tila naglaho ang mga tao sa paligid 

At tayo lamang ang laman

Ngunit napawi rin pagkatapos ng awitin

Bumalik sa umpisa na parang di magkakilala

Naglaho ang mga ngiti

At ang saya ay napawi

Lumisan ka nang di ko man lang nalalaman

Kung ano talaga ang iyong nararamdaman

At ngayon, ikaw ay nasa aking harapan 

Nag-aalok ng isang pagkakaibigan

Na kailanman ay di ko ninais 

Sapagkat higit pa roon ang sinisigaw ng aking puso

Ngunit anong magagawa kung hanggang doon lamang?

The Art of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon