Palayain

4 1 0
                                    

Ayokong hinahatak mo ang kamay ko

Habang ako'y papaalis sa iyo

Dahil sa aking pagharap

Pipigilan na naman mga luha

Na pagod nang umatras 

Kakaisip sa iyo.


Hirap na 'tong aking puso

Na hindi na tumalima sa utos

Nang aking nadarama,

Sana'y pakinggan mo

Bawat pintig nitong puso

Siya ay pakawalan mo

Nang sa wakas ay mapanuto.

The Art of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon