Baka Bukas

11 1 0
                                    

Nais kong malaman kung kailan
Ibabalik ang pagtingin
Na matagal ng nakabitin
Hindi mo lamang mapansin.

Baka bukas bulong ng hangin
Hindi na kailangang manalangin
Dahil ikaw na ang nasa damdamin
Ng sintang sa iba nakatingin.

Kung ang bukas man ay darating
Na ako na 'yong hahanapin
'Wag sanang mawala ang pagtingin
Ng pusong malapit ng bumitiw.

Baka bukas paggising ko
Hindi na ikaw ang laman
Ng pusong matagal ikinulong
Pag-ibig na di nakarinig, kahit isa mong tugon.

Kaya't sana'y ibulong na ng hangin
Na ako naman ang mahalin
Pagkat ang pusong nakasara sa iba
Ay unti-unting nagbubukas na.

The Art of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon