-The Inuman Session-

10 0 0
                                    

COLE'S POV


"I suggest... the Gwapings..." ani Brett at ginamit pa ang dalawa niyang kamay para iemphasize ang napakapanget niyang suggestion.

"Wala na bang mas ibobobo pa 'yang utak mo?" kunot noo na tanong ni West

"Ouch!" humawak sa dibdib niya si Brett "Harsh ka, ha!"

I chuckled silently because of their playful banter. It's been almost a month since we 'formed' this band and up until now we don't have a name for it.

"Tang ina. Isang buwan na pero hanggang ngayon nameless pa din tayo," Gav grunted

Our manager, who's sitting on his office table, chuckled habang pinagsalikop niya ang dalawa niyang kamay. "Well if you think about it, nameless is kind of sounding good right now."

Umiling ako "Nah. Parang ang corny masyado."

"Gwapings nga sabi! Ano ba problema niyo don? May dating naman. Totoo naman! Tapos unique pa." Brett exaggeratedly said.

Humalakhak si Gav at sinamaan naman ng tingin ni West si Brett.

"Tumahimik ka nalang, Pascual!" natatawa pa rin na saway ni Gav kay Brett

Humalukipkip nalang si Brett ang ngumuso. Parang bata talaga ang isang 'yon.

"How about we use a number," napatingin kaming lahat kay West nang magsalita siya. Sa aming lahat ay siya ang may pinaka may sense talaga kaya madalas nagka-clash sila ni Brett pero silang dalawa din naman ang close sa isa't isa. "Parang ano... One Direction, Fifth Harmony, 5SOS."

"Hindi naman lima ang 5SOS. Scam 'yung band name nila." angal ni Brett

"Bobo ka, hindi naman kasi kung ilang sila 'yung ibig sabihin ng 5 sa pangalan nila." sagot ni West

"Oh eh ano?"

"Malay ko."

"Ano 'bang patutunguhan ng away niyo?" pagsaway ni manager sa dalawang nagsisimula ng magsagutan.

In the end, wala din kaming naisip. Halos dalawang oras din kaming nagbrain storm pero wala din kaming napagdesisyunan. Si Brett ay bigay ng bigay ng idea niya pero lagi iyong tinuturn down ni West.

Ka-turn down, turn down naman kasi talaga.

"Pare," napatingin ako kay West nang kulbitin niya ako. Palabas na kami ngayon ng building at madilim na dahil inabot sadya kami ng gabi. "Nag-aaya si Brett uminom. G? Ikaw din, Gav."

"Ge lang. Libre mo ba, Pascual?"

"Kayo bahala sa pulutan." ani Brett at nagsisang-ayunan naman kami.

"Cheap mong hayop ka, akala ko naman kung anong iinumin eh kwatro lang naman pala!" angal ni West nang makarating kami sa condo ni Brett at nilabas na niya ang iinumin namin.

"Kaya pala ang lakas ng loob manlibre, ito lang 'yung ililibre." halakhak ni Gav

"Napakaaarte ninyo. Siguraduhin niyong hindi kayo malalasing dito, ha, mga gago." ani Brett habang nagtatagay na sa shot glass.

Wala namang masyadong epekto sa akin ang gin. I have a high alcohol tolerance kaya hindi problema sa akin 'yon. An hour into our inuman session, nasa pangatlong kwatro na namin kami at namumula na silang tatlo.

"Tang ina, pare," Brett garbled after he drank his shot "Ang swerte ko talaga na natanggap ako don. Tapos mas swerte pa ako kasi kayo 'yung mga kasamahan ko."

"Drama mo!" tawa ni Gav na halatang may tama na rin. "Sigurado ka bang hindi ka bading?"

"Sa gwapo 'kong 'to? Di, pre. Sayang lahi ko kung magiging bading ako." Brett waved his hand dismissively at pumikit pa siya habang umiiling-iling.

Lakas ng loob na pagbantaan kami kanina eh siya naman 'tong lasing ngayon.

Tiningnan ko si West na nasa gilid. Tahimik lang siya at nakahalukipkip.

May iba't ibang klase talaga tayo ng mga kaibigan na lasing.

"Hoy, West!" sigaw ni Brett. Lasing na talaga. "Ang tahimik mo! Tulog ka na ba!?"

"Sa tingin mo may makakatulog sa lakas ng bunganga mo?" kunot noo 'kong tanong kay Brett

"Hindi naman malakas, ah," nakanguso niyang sabi at niliitan pa niya ang tono na gamit niya.

Pucha, haha!

"May iniisip ako." biglang sabi ni West.

"Huwag ka ng mag-isip, pare, lasing ka na." tawa ni Gav

"Tangina niyong tatlo, lasing na kayong lahat!" halakhak ko sa kanila.

Front Five ChroniclesWhere stories live. Discover now