Vafara's POV
Ang sakit ng ulo ko
Masyadong maliwanag ang paligid
I love you Fara...
"Ryci.."
"Gising na siya, ayos ka lang ba Luna?" tanong ng kung sino
"Weighnet!" sigaw ng isang babae at saka yumakap saakin
Pinilit kong iminulat ang aking mga mata para makita kung nasaan ako at kung sino ang kausap ko
Si Kisnley na iyakin ang yumakap saakin katabi niya si Nycho na mukhang nag-aalala at nasa side ko naman si tita Lyn
Agad na humiwalay saakin si Kinsley at nagpaalam na makikipag-usap kay Nycho
"Weighnet ayos ka lang ba? may masakit ba sayo? nagugutom kana ba?" sunod sunod na tanong ni tita, bakas sa mukha niya ang pag-aalala
"Estoy bien tía Lyn"
I'm fine aunt Lyn
Niyakap ako ni tita ng mahigpit na mahigpit "That's good to hear"
"Where am I? ang natatandaan ko lang ay nasa park ako habang umiinom ng milk tea" tanong ko
Humiwalay si tita sa yakapan namin at tumigin ng deritso sa aking mga mata
"Hindi ka kase matawagan ni Nycho kaya pumunta siya sa school niyo at nagtanong hanggang sa nakita ka niya sa park na nakahandusay sa sahig" bakas sa mukha ni tita ang pag-aalala
"T-tita"
"Yes hija?" mabilis na sagot ni tita
"M-may k-kilala po ba kayong Ryci?"
Halatang nagulat si Tita sa tanong ko, maybe kilala nga nila si Ryci
I have this weird feeling na dapat hindi ko sila pinagkakatiwalaan
Nakakabinging katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa hanggang sa nagbukas ang pintuan at iniluwa nito si Doc. Cielo family doctor namin
Agad na tumayo si tita at dumeritso kay doc at nag-usap
Napatingin naman ako sa napakalaking bintana sa tabi ko pwede na nga ako lumabas dito dahil sa kalakihan nito
May napansin akong magarang sasakayan na parang familiar saakin hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita
Bumalik nalang ako sa katinuan ng biglang niyug-yog ni Nycho ang kamay ko
"H-ha?" takang tanong ko
"I'm asking you if you're hungry?" malumanay na tanong niya at saka tumingin kug saan ako tumitingin kanina
"A-ahh h-hindi pa" mabilis kong sagot
"Ohh bat ka nauutal? are you ok?" natatawang ani niya sabay kinapa ang leeg ko
Mabilis ko namang iniiwas ang ulo ko taka niya naman akong tinignan
Kahit ako hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang natatakot ako sa kaniya
"I-I'm fine, p-pagod lang siguro ako gusto ko muna magpahinga" sambit ko sabay humiga at nagtilakbong
Ilang saglit pa narinig ko na nagpapaalam sila hindi ko nalang sila sinagot at nagtulog-tulugan na lamang
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto umayos ako ng upo at saka kumuha ng makakakain
Inabot ko lang ang mga tinapay sa mesa sa gilid ko at nagsimulang ngumuya
Inilibot ko ang aking mga mata sa kwarto kung saan ako ngayon biglang nabaling ang aking mata sa isang box katabi ng mga ipinamili na damit at sapatos saakin nila tita
BINABASA MO ANG
Doux Mentiras [Sweet Lies]
Teen FictionVafara Weighnet Valeria's the name, she's every boy's ideal girl. Vafara has everything intelligence, money, perfect family, friends, and most especially love... Everyone wants to be her, wants to be like or live like her But behind that spotlight o...