Chapter 4: Flashback

13 5 0
                                    

Vafara's POV

Rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso nya dahil sobrang lapit namin sa isat-isa

Isang maling galaw ko lang baka mahalikan ko na siya

"Paano kung oo?" nakangising ulit niya

"N-nycho I was just k-kidding....h-hindi ka naman mabiro" nauutal kong tugon

"Tsk!Do you call that a joke?" nakangisi paring tugon niya

Kaya ko naman siyang sapakin at itulak papalayo ehh pero merong parte ng katawan ko na hindi sumasangayon

Aishh! ano bang nangyayari saakin?

Ang lakas ng tibok ng puso ko...

Unti-unti niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kaniya

Gusto kong matawa dahil kitang kita ko sa mukha niya ang kaba

Tsk! playing brave huh?

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha namin sa isat isa

Wala akong nagawa kung hindi mapapikit nalang

Ilang sigundo pa ang nakalipas, wala akong naramdaman na dumapo sa mukha ko 

Ang tawa lang ni Nycho ang naririnig ko

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata 

Nakita ko si Nycho tawa ng tawa habang hawak ang tyan niya

"Pffttt! HAHAHAHAHA nakita mo lang sana yung mukha mo kanina HAHAHAHA...wag kang magalala hinding hindi kita hahalikan! in your wildest dreams Luna! HAHAHAHA" natatawang ani niya

Inis na tinignan ko si mokong sa mata dahil hindi pa siya humihinto sa pagtawa

Kumukulo na ang dugo ko sa kaniya! pulang pula na ang pisngi ko pati narin ang ilong ko hiyang hiya na ako at the same time naiinis

I look at him with a deadly stare alam kong alam na niya ang susunod na mangyayari

"Ronycho Dela Vuerte!" I shouted

Narinig ko siyang nagmura bago tumakbo palapit sa pinto ngunit agad kong nahawakan ang buhok niya

Napasigaw siya sa sakit "A-arraaayy! s-sorry I was just also kidding Luna" pagmamakaawa niya

"Tse! wag mo ng akong mabirobiro diyan" sigaw ko pabalik

Nasa kaligatnaan kami ng pagtatalo nang biglang may kumatok sa pinto

"Kids? are you alright? can I come in?" bakas sa tono ni tita ang pag-aalala

"Yes Ma!" 

"No!!"  sabay na tugon namin ni Nycho

Pinanlakihan ko naman siya ng mata, ilang saglit pa nagbukas na ang pinto 

I took a gulp when I saw Tita looking at us with a shock face

Then sudenly...

"HAHAHAHA what did you did this time Nycho?" natatawang ani ni tita habang nakatingin kay Nycho

"Mama!" parang batang sigaw naman ni Nycho

"Ok, ok I just want to say that the dinner is ready let's go down na" natatawa paring ani ni tita at saka naunang lumabas 

Piningot ko naman ang tenga ni Nycho at saka tinignan siya ng nagbabantang tingin

"Be thankful, nagpakita si tita" sambit ko saka nagpaunang lumabas ng kwarto

Bumaba na kami at saka kumain

Mabilis na tapos ang dinner namin kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko 

Habang nakatingin ako sa kisame biglang tumunog ang selpon ko

Agad ko namang kinuha yon 

FROM UNKNOWN NUMBER

I'm back Zenny, wait for me

Sino tong nagtext?

TO UNKNOWN NUMBER*

Sino Toh?

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa siya sumasagot kaya napagpasyahan ko nalanang na matulog

***__

Nagising ang diwa ko sa pagyugyog at pagsigaw ng taong nasa gilid ko ngayun

"Woi Vapara Weynet Valerya gumising kana diyan! were going to be leeytt!"halos mabingi na ako dahil sa babaeng toh

Inis na bumangon ako at hinarap siya

"Ito na babangon na Kenny!" 

"Hey!I told you not to ca-" sasapakin pa dapat ako ni Kinsley pero mabilis akong pumunta sa cr

Pagbaba ko nakita ko si Kinsley sa sala kausap sila tita Lyn

"Kins, let's go"

Agad naman siyang napatingin sa gawi ko at nagpaalam na kila tita

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan papuntang school ngayon nang bigla kong natandaan ang nagtext saakin kagabi

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang selpon ko at tinignan kong nagreply siya

Dismeyadong ibinulsa ko nalang sa bag ko ang selpon ko nang makitang wala itong reply

Nahalata ko naman na masyadong tahimik si Kisnley parang may problema tatanungin ko na sana si Kylene nang biglang huminto ang sasakyan

Dahil sa pagiisip hindi ko na namalayan na nasa school na pala kami dumeritso kaagad kami ni Kinsley sa locker at pumunta sa classroom 


MABILIS na natapos ang araw at pauwi na kami ni Kins 

Ayaw ko pang umuwi kaya nag paalam muna ako na iinom lang ng milk tea sa Infinitea na malapit sa school hindi naman na siya sumama dahil meron pa daw siyang gagawin

Nagorder lang ako ng wintermelon with fries at naupo sa sa gilid

Nang dumating na ang order ko dumeritso na muna ako sa park

Naglalakad lakad ako dito at naisipan kong umupo sa swing maggagabi na kaya wala ng tao dito

Umiinom ako ng milk tea nang biglang napatingin ako sa isang fountain doon 

Wala sa sariling napalapit ako doon at pinagmasdan ito bigla nalamang ito nagbukas at nagluwa ng umiilaw na tubig

Kasabay ng pagbukas ng fountain biglang namang sumakit ang ulo ko 

Ahhh! L! wag mokong itulak HAHAHA 

Wag mo rin akong basahin HAHAHA 

Bigla kong nabitawan ang milk tea na iniinom ko nang parang may nagflash back sa utak kong ala-ala

Ala-alang hindi ko matandaan na nangyari 

Dahil sa sakit ng ulo ko napahiga ako sa sahig

Kasabay ng paghiga ko sa sahig ang pagkawala ng malay ko

Ngunit bago pa ako mawalan ng malay may ala-ala nanaman na nagflash back sa utak ko na ikinagulat ko

Mahal na mahal kita Fara babalik ako, at pagbalik ko magiging masaya na ulit tayo at mabibigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni kuya Vilem






Authors note:

Sorry maikli lang madami kasing activities na kailangan namin tapusin that's all thank you for reading! hope you enjoyed my masterpiece!!

Don't forget to like and comment!!































Doux Mentiras [Sweet Lies]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon