...Congratulations Ms. Bakos! You are 4 weeks pregnant!!!
Yun lang ang nag sink in sa utak ni Arianne sa mga oras na iyon. May buhay na pumipintig na sa kanyang sinapupunan. Magiging ina na siya pagkalipas ng ilang buwan.
"Congrats Rian!!Magiging mommy kana!" Sambit ng tatlo sabay yakap sa kanya.
"Thank you!".Pasalamat niya sa mga kaibigan.
Binigyan siya ng doctor sa mga dapat bilhin para sa kanila ng baby at para malakas ang kapit ni baby. Pinayuhan din siya ng doctor na huwag masyado gagawa ng mga mabibigat na bagay na makaka apekto ito sa bata. Marami pa ang sinabi ng doctor sa kanya sa mga dapat hindi dapat gawin sa kanyang pagbubuntis.
Nang makalabas ng ospital ay sinamahan muna siya ng mga kasamahan na makasakay ng taxi pauwi bago ang mga ito umalis. Habang lulan ng taxi ay tenext niya si Nicole.
From: Arianne
"Hi Nics! Where are you right now?"
Maya maya ay nakarecieve siya agad ng mensahe galing sa kaibigan.
From: Nicole
"I'm on my way home na."
From: Arianne
"Alright, be safe but can you come here for a minute?"
From: Nicole
"Sure I will be right there!"
Yun lang at agad na ibinaba ni Arianne ang kanyang phone. Papasok na si Arianne sa kanyang apartment ng may makita siyang bungkos ng flower sa labas mismo ng kanyang pintuan. Nagtaka siya kung sino ang nagbigay noon sa kanya. Mabilis niyang kinuha ito at pumasok na sa loob. Agad niyang nilagay sa table sa sala ang bulaklak at nagtungo muna sa kanyang kwarto para makapag palit.
Pagkatapos magbihis ay nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig. Saktong ibabalik na sana niya ang pinaglagyanan ng tubig sa ref ng biglang umikot ang kanyang paningin. Buti nalang at nakakapit siya sa dulo ng mesa. Sakto namang bumukas ang pintuan ng apartment at iniluwa noon si Nicole.
"Ian! What's wrong?" Agad na tumakbo si Nicole ng makita ang posisyon ni Arianne na nakahandusay sa haligi ng mesa at sapo sapo ang kanyang ulo.
Agad niyang dinaluhan ang dalaga na makaupo sa sala. Nang mahimasmasan ay tinanong niya ulit ito.
"Anong nangyayari sayo huh, Yan?" may pag aalalang tanong parin ng kaibigan niya.
"Ni..cs! I have something to say!" Yun lang ang tanging nasambit niya sa kaibigan. Nagtatakang napatingin sa kanya ang kaibigan.
"Don't tell me that you are going to die na and that you have a very serious disease!" medyo naguguluhang tanong ng kaibigan.
"Yes, this is serious Nics!". Turan ng dalaga.
"What!? Are you really going to die?" Medyo histerical nitong turan sa dalaga.
"That is not what I mean, ano kaba! Can you place listen to me first before you react?" Tanong niya sa kaibigan. May pagka overacting din kasi itong kaibigan niya minsan.
BINABASA MO ANG
I hate to admit but "I love you"
Romance"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal