CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Zameiah's POV

Wala sina nanay at tatay ngayon sa bahay dahil maaga silang umalis. Marami na naman kasing ani ngayon kaya maaga nila iyong dinala sa palingkehan para kumita rin ng malaki. Hindi narin nila ako sinama dahil medyo masama ang ang pakiramdam ko kaya lang, hinayaan nga nila akong manatili dito sa bahay, pero madami naman silang inutos saakin na kailangan kong gawin. Kagaya nalang ng pagluluto, paghuhugas ng pinggan, paglalaba at paglilinis ng bahay. Hayst. Nasa'n na ang pahinga ko? Grabi, hindi na tama 'to, pero di na bale, mga magulang ko naman sila at obligasyon kong sundin ang lahat ng ipinag-uutos nila.

Una kong ginawa sa lahat ng inutos nila saakin ay ang pagluluto. Simple lang naman ang niluto ko, pakbet at kanin sapat na. Nang matapos naman ako sa pagluluto ay kumain narin ako, pero syempre, tinirhan ko sila dahil alam kong maya-maya lang ay darating narin ang mga iyon at paniguradong maghahanap yon ng pagkain.

Matapos kong kumain ay naghugas narin ako ng mga pinagkainan ko at pagkatapos nun ay nilinis ko na ang buong mesa.

Makalipas ang ilang minutong pagpapahinga ay kinuha ko narin ang mga labahan na pagkarami-rami at dinala ko na iyon sa poso na medyo may kalayoan ng kunti sa kubo namin. Mabuti na nga lang at walang ibang tao dun kundi ako lang. Sa ganoong paraan, mas madali kong matatapos ang paglalaba dahil wala akong kahati sa poso.

Nag-umpisa na akong maglaba at talaga namang pahirap iyon saakin dahil tirik na tirik na ang araw at wala pang atip ang poso at wala rin akong masisilongan kaya naman, deretso sa balat ko ang mahapdi na sikat ng araw.

My gosh! My skin! Charot!

Hoy! Akala nyo ah? Marunong din akong mag-english 'no. May pinag-aralan kaya ako, yon nga lang, hanggang second year college lang dahil pinatigil na ako nila nanay at tatay dahil wala na daw silang pantostos sa pag-aaral ko.

Sa totoo lang, nag-insist naman ako sa kanila na magtatrabaho nalang ako habang nag-aaral pero sila yong may ayaw eh. Ewan ko ba, pero diba ang ibang mga magulang sinusuportahan ang mga anak nila kapagka may gusto itong gawin? Pero ang mga magulang ko, tila baliktad yata. Mukhang ayaw kasi nilang may marating ako sa buhay. Mas gusto nila na nandito lang ako habang tinutulongan sila at ang iba pang mga magsasaka sa bukid. Napaisip tuloy ako. Ayaw ba nila umasinso sa buhay? Gusto ba nila na ganito nalang palagi? Wala ba sila pangarap para sa kinabukasan ko? Hayst! Pero ano bang magagawa ko? Anak lang naman ako at sila parin ang mga magulang ko kaya nararapat lang na sila ang sundin ko. Syempre, mabait akong anak eh.

Makalipas ang mahigit dalawang oras ay sa wakas, natapos ko narin sa wakas ang labahan ko at talaga namang pawis na pawis na ako ngayon at sobrang lagkit na ng katawan ko. Pero di bale, at least may mga naaccomplish na akong gawain.

Binuhat ko na ang tray na naglalaman ng mga labahang isasampay ko palang at dinala ko na nga ang mga iyon sa likod ng bahay namin kung nasaan ang sampayan at nagsimula narin akong magsampay.

Nang matapos na ako ay pumasok muna ako sa loob ng bahay at doon nagpahinga ng ilang minuto. Nang mapawi na ang pagod ko, uminom muna ako ng tubig at tsaka nagsimula naring magwalis sa sahig. Matapos kong magwalis ay nilampaso ko narin ito para mas lalong kuminis at maging madulas ang sahig ng bahay. Yon kasi ang gusto ni nanay kung kaya naman ay yon talaga ang ginawa ko.

Nang malinis ko na ang buong sala, sa kwarto naman ako lumipag na maglinis. Una kong nilinis ang kwarto ko at pagkatapos ay ang kwarto nina nanay at tatay. Habang naglalampaso ako sa sahig ng silid nila, may nasagi ang paa ko sa ilalim ng kama nila kung kaya naman ay dali-dali ko iyong sinilip.

Missing Princess (Royal Romance Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon