"Ano sasama kana?"
sinara ko ang librong binabasa ko at kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Mike.
si Mike ay Pinsan/Bestfriend ko, sya na ang palagi kong kasama since nag highschool kami. sya ang sumusundo at naghahatid saakin sa bahay tuwing may gimik kami.
"Sasama saan?" tanong ko.
Nagulo nya ang buhok nya sa sobrang pagkainis bago muling tumingin sakin. Nasa library kami ngayon at magkaharap kami sa isang table.
Bahagya akong natawa sa reaksyon nya dahil pakiramdam ko gusto nya na akong sigawan ngunit hindi nya magawa dahil nasa library kami.
"anak ng- seryuso kaba? kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka manlang nakinig?" pabulong na sermon nya saakin.
i rolled my eyes. "malay ko ba? kita mong nagbabasa ako e. so, saan nga?"
"Sa Amnexia. 8PM tayo tonight. Ano game?"
"Pag iisipan ko muna. Nasabihan mo na din ba sila?" tanong ko habang nag aayos na ako ng mga gamit ko. dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase namin sa Philippine History."Pag iisipan pa ampota para kang others nyan. Tsaka di ko na kailangan sabihan mga yon, kase napag usapan na yan sa GC. hindi ka kase nag seseen e." hindi ko na sya sinagot at dumiretso na ako sa Librarian upang mag signed out sa logbook. Naramdaman kong nakasunod na rin saakin si Mike palabas ng Library.
"Ano na April? bida bida ka sumama kana kase" Nasa hallway na kami patungo sa Next class namin.
"May Long Quiz tayo bukas Mike sa Philippine History, kailangan kong mag aral."
Bahagya akong napatigil dahil bigla syang humarang sa nilalakaran ko ngunit nag dirediretso pa din ako sa paglalakad kaya naman patalikod ang lakad nya at nakaharap saakin.
"Halimaw ka. Kahit hindi ka mag aral nasasagot mo naman lahat ng ibinabatong tanong sayo ni Ma'am Porcia" nakanguso nyang sabi.
I signed. "okay sasama na ko. in one conditions."
kumunot ang noo nya at tumigil sa paglalakad ng patalikod kaya tumigil din ako dahil mabubungo ko sya kong hindi ako titigil sa paglalakad.
"Ano 'yon?" salubong ang kilay nya at nakakunot parin ang noo nya."samahan mo 'ko sa Centro Mall sa Saturday" nakangite kong saad sakanya.
Nawala ang pagkakunot ng noo nya at huminga ng malalim at napahawak sa kanyang dibdib. "Akala ko naman kong ano na" sabay gulo sa buhok ko. "No problem bescaz. So mamaya ha. 8PM wagkana magdala ng sasakyan ako nalang susundo at maghahatid sayo"
Nakarating na kami sa Classroom at naabutan naming magkakaharap sa upuan sina Cyrus, Axel, Lance maging sina Mica, Joy, at Anna.
Naagaw namin ang atensyon nila ng pumasok kaming dalawa ni mike sa pintuan at dumiretso sa kinaruruonan nilang Anim.
"zup mga kupal?" Bati ni Mike sa kanila.
"bastos talaga ng bunganga mo mike" reklamo ni Mica at nag rolled eyes.
"Ano nang plano mamaya Mike?" si Axel
"Mauna na lang kayo sa Amnexia mamaya, susunod nalang kami don ni April. susunduin ko pa sya sa bahay nila e" sagot naman ni Mike.