1

20 2 0
                                    

"Hindi ko akalain na magiging model ka Maria." Manghang sabi ni Joyce, kaklase ko noong college, nung tumabi siya sa kinauupuan ko kasama ang bestfriend niyang si Jess.

Nasa reunion party ako kasama ang mga kaklase ko noong college. Ewan ko ba kung anong pauso ito? Sampung taon na daw kasi ang nakakalipas simula nung huli kaming magkita-kita at nakaka-miss daw yung samahan. Pakaarte. Gusto lang naman ng mga taong ito na ipagyabang ang kung anong mga narating nila.

"Oo nga eh. Kahit ako hindi ko inakala na papasukin ko ang industriya na ito." Tipid akong ngumiti at tinungga ang natitirang laman ng baso ko. Hindi ko naman kasi close ang babaeng ito kaya hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap?

"Ang galing 'no? Ang laki ng ipinagbago mo ngayon. Noong college para kang hindi babae dahil sa  galawan mong pang lalaki. Hindi ka rin marunong magsuklay noon at parating magulo ang buhok mo." tumatawa na saad naman ni Jess, Kaklase ko din at best friend ni Joyce.

"Hindi rin siya marunong mag-ayos noon at ang baduy niya manamit." Segunda naman ni Joyce at nakitawa na din kay Jess.

Gusto ko namang mapairap sa mga salitang lumalabas sa bibig ng dalawang plastik na ito. Ano bang gustong palabasin ng mga ito? Na pangit ako noong college? 

"By the way, Hindi ba close kayo ni Juliuz noong college?" pag-iiba ng usapan ni Joyce nung mapansin niyang hindi ako nakikisama sa plastikan na tawa nila ni Jess.

Natigilan naman ako sa pangalan na binanggit ni Joyce. Sampung taon na din ang nakakalipas nung huli kong marinig ang pangalan na iyon at hindi ko naiwasan ang mapangiti ng mapait. Iba pa rin kasi ang impact ng pangalan na iyon sa puso ko.

"Speaking of Juliuz, Sila pala ni Abegail Delos Reyes?" nawala ang mapait kong ngiti sa sinabi na iyon ni Jess. 

"Speaking of Juliuz and Abegail." Si Joyce na nakatingin sa entrance ng hall na kinaroroonan namin.

Hindi ko na naiwasan ang hindi mapasunod sa tingin ni Joyce at Jess. And there is Juliuz John Domingo kasama si Abegail na kaibigan ko noong college. Magkahawak kamay sila na nakikipagbatian sa mga kaklase namin na sumalubong sa kanila. Hindi ko maintindihan kung para saan ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko? Moved on na ako sa mga nangyari sampung taon na ang nakararaan pero bakit nasasaktan pa din ako?

Hindi ko na napansin ang sinabi ni Joyce at Jess basta ang alam ko lang ay iniwan nila ako at nagtungo sa dalawang bagong dating. Wala sa sariling tumayo ako at naglakad papunta sa comfort room na naroon din sa loob ng hall. 

Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko nung mapasok ako sa CR. Hindi ko na kinaya ang magpigil sa sakit naramdaman ko nung makita ko siya makalipas ang sampung taon. Shit! Why?

Siya na naman? Naiinis na sabi ko sa sarili ko nung makita ko na naman ang matangkad na blonde na chinito na iyon sa P.E court namin. buong araw ko na siyang nakikita. Ano ito tadhana? Ang corny huh! Simula nung pumasok ako sa school kaninang umaga ay siya na ang bumungad sa akin. Pagkababa ko pa lang sa jeep ay siya na ang natanaw ko at ang blonde niyang buhok. Pati nung free time ko ay nakita ko din siya paglabas ko ng classroom. Hanggang ngayon sa P.E class ko nandito din siya at may P.E class din. Naknang buhay ito!

"Oh, bakit nakabusangot ka diyan?" takang tanong ni Jhustine, isa sa mga kaklase at kaibigan , nung lumapit siya sa akin at nakitanaw sa kanina ko pa tinatanaw na grupo ng mga estudyante. Bukod kasi sa sila lang ang kakaiba ang ginagawa ay naroon din ang chinito na Blonde na iyon.

I Found YouWhere stories live. Discover now