2

10 1 0
                                    

Pag-uwi ko sa bahay nung hapon na iyon ay agad akong humarap sa computer. Just want to check my facebook pero na-bored lang ako. Makalipas ang ilang minuto na pagtitig sa screen ng computer ko ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinhanap sa mga libro ko ang inipit na papel ni Jhustine kanina na naglalaman ng infomation tungkol dun sa chinitong blonde. 

Nung makita ko na ay naupo ulit ako sa harap ng computer ko at tinipa sa searh bar ang pangalan nung chinitong blonde. Wala namang interesting sa facebook niya dahil puro shared post lang tungkol sa mga games na nilalaro niya o kaya naman ay pictures niya kasama ang pamilya niya. Family oriented ang lolo mo. 

I clicked the Send friend request button then exited the tab. Panigurado naman ako na hindi 'yun maga-accept dahil famous 'yun sa school. At dahil famous siya hindi niya na mapapansin yun friend request ko. Nagkibit-balikat na lang ako nagdampot ng libro sa bookshelf ko at nagsimulang magbasa.

Nasa kalagitnaan na ako ng libro na binabasa ko nung tumunog ang cellphone ko. Wala sa sariling inabot ko iyon para tignan kung ano yung notification na natanggap ko. 

Juliuz Domingo accepted your friend request

Hindi ko mapaliwanag kung ano ang dapat kong maramdaman sa nabasa ko. Very unexpected kasi yung nangyayari. Hindi ko naman inisip na ia-accept niya nga ako. For real ba? Bakit? Anong gagawin ko? Magpo-post ba ako sa wall niya ng 'TFTA?'? Hindi ba parang natuwa naman ako sa pag-accept niya sa friend request ko? Teka bakit nga ba parang na-excite ako sa nangyari? Anong kabaliwan na naman ba ginagawa ko? Huwag ko na lang kaya pansinin

Pursigido na akong hindi na lang pansinin ang nangyari pero may nagtutulak sa akin na mag bigay ng message kaya nagpadala ako sa emosyon ko.

I just want to say Hi to you... :)

Iyon ang itinipa ko na mensahe na sinend ko sa kanya. Nanlalamig ang kamay na ibinaba ko ang phone ko at dinampot ulit ang libro na binabasa ko kanina. Pinilit kong ibalik sa binabasa ang atensyon ko pero wala iyong epekto. Kaya ang naging ending ko ay tumulala lang ako sa pader ng kuwarto ko na may pagsisisi sa isipan. Bakit ko nga ba ginawa iyon? Anong masamang espiritu ang sumanib sa akin para gawin ko ang kabaliwan na 'yun?

I Found YouWhere stories live. Discover now