"Bakit ka pa bibili ng pagkain eh binilhan na nga kita?"
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Ibinili niya ako? So, ibig sabihin yung mga pagkain na akala ko parehas naming favorite ay para talaga sa akin? Emergerd! Ito ba 'yung kilig na sinasabi nila?
"B-binilhan mo ako? Akala ko sa'yo lang lahat ng 'yan eh." Saad ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Oreo at yakult lang ang sa akin diyan."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman na gusto ko ang mga pagkain na 'to? Hindi mo naman ako tinanong kung anong gusto ko kanina? Basta mo nga lang ako iniwan dito eh."
Napahawak naman siya sa batok niya dahil sa sinabi ko at parang naging uneasy siya. Hindi ba maganda yung nasabi ko? Curious lang naman ako.
"Ah... Hehe... Hayaan na natin. Baka nagkataon lang. Salamat." Bawi ko. Baka hindi niya nagustuhan yung sinabi ko kanina.
"Welcome. Kain ka na. Baka ma-late ka pa sa second subject mo." Nakangiti na siya ulit.
Natigil naman ako sa pagbubukas ng breadpan nung mabanggit niya yung klase. "Hindi ba't may klase ka?" Takang tanong ko sa kanya.
"Ahm... Meron pero nakakaboring eh kaya lumabas ako." Kamot-ulo na sabi niya at ngumiti pa siya na parang nahihiya.
Taragis! Bakit ang cute niya sa ganung gesture?
"Ah. Magkano pala 'to lahat? Babayaran ko. Nakakahiya naman sa'yo hindi mo naman ako kilala ng personal."
"Huwag mo na bayaran. Libre ko na 'yan. Saka magkakilala na naman tayo ngayon."
Natigilan na naman ako dahil sa sinabi niya. Ano bang nangyayari sa mundo? Kanina binili niya yung mga gusto kong pagkain tapos ngayon libre niya pa? Bakit? Paano?
Pinili ko na lang manahimik at ituon ang atensyon ko sa pagkain. Shems! Bakit parang ang sarap ng breadpan ngayon? Pati yung chuckie bakit parang ang heaven nung lasa? Saka bakit parang ang aliwalas ng paligid? Ano bang nangyayari sa akin?
Napahinga ako ng malalim nung magbalik sa akin ang ala-ala ng una naming pagkakakilala. Iyon na ata ang isa sa mga masasayang araw ko bilang isang college student. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at ngumiti sa harap ng salamin.
"You are okay b*tch. You are fine. Smile." Pagkausap ko sa sarili ko.
Dinampot ko ang bag na dala ko at kinuha doon ang red lipstick na dala ko at nagretouch. Kailangan maganda ako kapag nagharap kaming dalawa. Hindi ko puwedeng ipakita sa kanya na apektado pa din ako sa prisensya niya. Hindi puwede.
YOU ARE READING
I Found You
Romance7.594 Billion people and you're still hurting because of the same person 10 years ago.