𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓

297 11 0
                                    

February 26

Dear Lynn,

Ang sakit naman nang story mo. Kakaumpisa mo palang magkwento pero ang sakit na.

Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil may similarity ang story natin. Bakit kaya ganun?

Nagmahal ba tayo para lang saktan bandang huli?

Parang gusto kong bumalik sa time na masaya pa kami. Nong time na ako pa yung nagpapasaya sa kaniya.

Ang sakit na nakatingin ako sa kaniya, tapos siya nakatingin sa iba.

Hindi ba puedeng huwag nalang siyang lumayo? Puede bang kami nalang uli? Puede bang ako nalang uli yung mahalin niya?

Siya naman yung nagloko, ako ang nagbigay sa kaniya ng second chance. Pero bakit ako yung durog na durog ngayon?

I break my own rules for her. Right from the start, once na nasaktan na ako, hindi ko na sila binibigyan ng pangalawa pang chance na saktan uli ako.

Pero dahil mahal ko siya, ibinigay ko muli sa kaniya ang tiwala ko. At pinagsisihan kong ako mismo ang nagbigay sa kaniya ng karapatang saktan ako ng ganito.

But i cannot hate her. Paano ko ba siya kamuhian? Oo, nagkamali rin ako,inaamin ko na may pagkukulang rin ako.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon