𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟖

227 9 0
                                    

𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐬𝐮𝐧𝐝𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐋𝐲𝐧𝐧 𝐬𝐢 𝐊𝐚𝐢,𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐰𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐤𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠.

Hindi niya alam paano ipaliwanag rito paano niya nakilala si Kai at bakit siya nagsinungaling na hindi niya ito kilala.

"Akala ko magkakilala kayo." anang ina.

Umiling siya.

"Lagi kong sinasabi sa iyo Amour na iwasan mo ang pakikipaglapit sa mga kagaya non."

Yes, lagi niyang iniisip yun.

Kaya nga hindi niya kayang ipakilala si Kai rito.

"Sumabay kana sa amin ni Tita Tes mo kung wala kang ibang lakad."

"I'm sorry Mama, pero need ko pong bumalik na sa boutique

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I'm sorry Mama, pero need ko pong bumalik na sa boutique. I will message you later kung anong oras ako makakauwi." aniya.

"Sa bahay kaba magdi-dinner?" tanong ng ina.

"I'm not sure Ma. I will let you know later."

Humalik siya sa pisngi nito at nagpaalam uli.

Nang nasa labas na siya ng mall, sinubukan niyang tawagan si Kai pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.

Hindi siya mapalagay dahil alam niyang nasaktan niya ito.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa boutique dahil iniwan niya ang sariling sasakyan don nang sunduin siya ni Kai kanina.

Pagkarating sa boutique, nag-iwan lang siya nang ipapatrabaho sa assistant niya saka umalis uli.

Kailangan niyang makausap si Kai.

Pagkarating niya sa bahay ng mga ito, naabutan niyang kakalabas lang ng gate ang ina nito.

"Tita Flor, nakauwi na po ba si Kai?" tanong agad niya after magmano rito.

"Oo, nasa kwarto niya. Nag away ba kayo? Mukhang wala sa mood."

"Hindi naman po. Puede ko po ba siyang akyatin?"

"Oo naman. Pero aalis muna ako. Mamayang gabi pa ako makakauwi. Order nalang kayo ng pagkain pag nagutom kayo ha?"

Tumango ang dalaga.

"Thank you po Tita."

Pinapasok na siya nito at umalis na rin ito.

Humugot nang malalim na hininga ang dalaga bago pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa ikatatlong palapag ng bahay.

Humugot nang malalim na hininga ang dalaga bago pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa ikatatlong palapag ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐆𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐢 𝐊𝐚𝐢 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐮𝐚𝐧 𝐬𝐢 𝐋𝐲𝐧𝐧.

Hindi niya inasahan ang biglaang pagdating nito.

"I'm sorry Kai."

At hindi niya ini-expect ang paghingi nito ng tawad.

Tiningnan niya ang mga mata nitong punong puno nang pag aalala at takot.

Takot?

"Sana hindi ka galit sa akin. I'm so sorry Kai."

It breaks her heart to see her like this. Those eyes, they are not supposed to look worried.

"Pasok ka." aniya rito at hinayaan itong makapasok sa loob ng kwarto niya.

Humarap siya rito.

Kai's gaze came back to her face, pacing from her eyes to her lips.

Why did she look on her lips?

Nakalimutan na ba niya ang nangyari kanina sa mall?

Pero hindi siya galit.

Nasaktan siya but she's not blaming her.

"Kai?"

Lynn is feeling nervous.

Hindi alam ni Kai kung ano ang nag udyok sa kaniya para lapitan ang dalaga.

Napatingala si Lynn sa kaniya nang hawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"Kai?" tawag uli nito sa pangalan niya.

Ilang buwan na ba siyang nagpipigil?

Ilang buwan na niyang pinipigilan ang sariling huwag ipagpilitan ang sarili sa dalaga.

Ilang buwan na rin niyang nilalabanan ang nararamdaman para dito.

But this time, this will be her first and maybe her last.

Kung irereject parin siya nito, at least sa ngayon lang ang sakit. Bukas, puede na siyang magsimulang kalimutan ang nararamdaman para dito.

Masasaktan man siya ngayon, bukas puede na siyang magsimulang lumayo rito.

Lowering her head, her lips touched hers.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon