"Ang tagal mo baby! Saan ba kayo pumunta ni Dela Vega ha?" Galit na utas ni kuya kit ng makarating kami ni Jose sa Airport. Ang layo kaya ng Cebu sa Manila. Buti nalang may private chopper si kuya."Sa Villa niya——" napalingon kami ni kuya kit ng may sumigaw sa pangalan ko.
"Oh my gosh! Zoeeeee!"
"Maddie?"
"Santiago?" Sabay naming sabi ni kuya.
"Aalis ka din today? Pareho din tayo ng flight. Gosh may kasama na ako." Yumakap siya sakin kaya umalis na si kuya para magcheck in.
"Ah wait! Sabay na ako sayo." Inabot niya kay kuya yung ticket niya pero hindi siya pinansin neto.
"Use your hands." Umalis si kuya.
"Gosh ang suplado mo parin ha! Leonardo, magcheck in kana dun." Utos niya sa isang lalaking kanina pa sumusunod sa kanya. Mukhang bodyguard niya ito.
"Magkakilala kayo ni kuya?"
"Of course, remember nung sinampal kita? Halos lumuhod na ako sa kanya nung muntik na niyang ipabagsak yung kompanya namin. Mabuti nalang at nagpromise ako na hindi na mauulit." Tumango ako sa sinabi ni Maddie, she's a good friend too.
"Let's go baby." Kinuha na ni kuya yung hand carry bags namin kaya sumunod nalang ako. Sinaktohan naman at natapos nadin yung leonardo kaya sabay na kaming naglakad ni Maddie.
"Hey! Can we exchange seats?" Kinalabit niya si kuya pero hindi siya nilingon neto.
"Suplado talaga itong kuya mo! Ang panget naman hmp." Perfect couple sila e. The maingay and the suplado.
"You're so annoying Santiago."
"I hate you!"
"The feeling is mutual."
Hindi nalang ako nagsalita, hindi rin naman ako makasingit e. Kanina pa sila nagaaway. Habang naghihintay kami sa eroplano, panay tanong sakin ni maddie.
"May girlfriend na ba yang kuya mo, Zoe?" Tanong niya habang kumakain ng shawarma. May kausap kasi si kuya na isang matandang lalaki.
"Wala, ang suplado e." Sabay kaming natawa.
"Sa bagay, pero kaya ko yan tiisin." Utas niya habang nakatingin kay kuya.
"May gusto ka ba kay kuya?"
"Sa tingin mo? Meron kaya?"
"Meron?" Nagkibit balikat lang siya at tumingin ulit kay kuya.
"Actually, ideal man ko yung mga lalaking suplado. That's why nagkagusto ako kay Christian and since hindi rin niya ako pinapansin ang gusto ko lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya ay dadaan muna sakin. Then nalaman kong nagconfess si Christian kay Ate Hazel kinausap ko si Ate Hazel pero sabi niya she has a boyfriend na daw." Grabe.
"Ginawa mo talaga yun?"
"Yes, I did. Then I tried to practice my speech para makapagconfess din ako but suddenly dumating ka, you ruined everything." Natawa ako sa sinabi niya.
"I tried to make your life cruel but I can't masyado kang madaming knight and shining armor—— oh wait speaking of knight and shining armor, I guess you already know my step brother right?"
"Who?"
"Burn. He likes you alot, every time na magpasama ako sa kanyang magshopping he always asked me if ano yung mga gusto ng babae. Then I asked him kung sino ang gusto niya. Then he answered me honestly na ikaw daw." Literally napanganga ako. Step brother niya pala yun?
"Do you want some?" Inalok niya sakin ang tupperware na lamang spaghetti na may mushrooms. Agad akong naghanap ng supot. Masusuka na ako.
"Anong nangyayari sayo? Here!" Pagkaabot niya sakin ng supot ay agad akong sumuka.
"What happened? Baby are you okay? Drink water." Inabot ko yung tubig saka ininom.
"Buntis ka ba Zoe?" Nagtatakang tanong ni Maddie.
"Ang dami mong tanong! Let her rest first."
"Kuya!"
"Ang harsh! Panget naman."
"Tss." Umalis si kuya at bumalik sa kausap na lalaki.
"Dati ka bang ahas? Tss ka ng tss." Bulong ni Maddie.
"Maddie, can you keep this as a secret first?"
"So buntis ka nga? gosh sabay kayo at nung Danica?"
"Yes. Kaya ako pupunta sa states para wala na silang problema."
"Stop ka ng 1 year, so magstop din muna ako para may kasama ka."
"Seryoso?"
"Of course, mabubusy din kasi yung kuya mo so you need me to take of you." She smile widely.
"Thank you——"
"But in one condition, sa condo mo ako titira. Para araw araw kong masilayan yung pagmumukha ng kapatid mo." She giggled pero nung tumingin si kuya napatigil siya.
"Calling the passengers of flight 5j850...." tumayo na kami at kinuha na ni kuya yung mga gamit ko at kinuha naman ng mga bodyguards ni Maddie yung gamit niya.
Pagkapasok sa plane ay agad akong inilalayan ni kuya buti ng by three's yung upuan. Pinili ko yung malapit sa window. Kaya magkatabi si Kuya at Maddie.
"This is your captain speaking, the total flight duration from Manila, Philippines to Los Angeles, California is 15 hours and 7 minutes. We will arrive at exactly 5:30 in the afternoon. Please fasten your seatbelt..." hindi na ako sa mga sinasabi. Tumingin ako sa window, nagsimula na itong lumipad.
Gising na kaya si Ace? Hindi pa natutulog pa yun. Ano kaya magiging reaksyon niya pagkakita niya ng note?
Mas okay na yun magiging malaya na siya. Hindi na niya ako poproblemahin. Ay ewan parang gusto kong bumalik pero parang gusto kong tutuloy na. Malamang tutuloy na ako umalis na yung eroplano e.
"Hoy nageemote ka diyan girl? Gusto mo ng bumaba? Huwag na magiging matatag ka! Kaya mo yan."
"Okay lang ako. Thank you." Ngumiti ako at tumingin ulit sa ere.
"Kumain ka muna baby." Inabot sakin ni kuya ang isang paper bag na may mga pagkain ng Jolibee.
"Nasaan yung akin love?" Pabirong tanong ni Maddie kay kuya.
"Kumain na kayong dalawa. Nasa paper bag." Sagot ni kuya saka sinaksak ulit yung headset sa tainga.
"Narinig mo yun? Ngayon niya lang ako sinagot ng ganiyan." She giggled as she help me open the paper bag.
Nakatulog ako pagkatapos kong kumain pero nagising ako ng tumayo si kuya papunta sa CR.
"Kuya, I want to go with you. Naiihi ako." He stopped and went on my place. Sinabayan niya ako papunta sa CR. Napatingin ang mga flight attendant kay kuya.
Pagkapasok ko sa loob ay narinig kong may tinanong yung mga babaeng flight attendant kay kuya. Pero hindi na ako nakinig pagkalabas ko ay hinatid na ako ni kuya.
YOU ARE READING
The School Heartthrob is In love with Me (Continue)
Teen FictionZoe kyline Cruz, is typically a morena girl. She was admired by a couple of guys, but her attemtion was derived to his childhood friend, Christian Ace Dela Vega. After a months in Salazar University , the highschool heartthrob, Christian. Courted he...