Did not proofread, typos ahead.
Phase 2
"Kinausap ka nya?!" Sigaw ni Sofia samantalang si Mika maman ay halos lumaglag na ang panga sa gulat.
"Sana all!!" Unirapan ko sila nang sabihin nila iyon.
"Sana nga kayo na lang ang kinausap," hasik ko at kumagad sa potato toast na binili namin dito sa cafe.
"Oh? Talaga ba?" Mapang-asar nilang tugon. Tumango at at hindi na sila tinignan at pinatulan ng tingin.
May quiz sa Statics mamaya, at mayroon pa ring hindi malinaw sa akin dahil ini-undertime kami ng prof namin. Dalawang beses pa lang kaming nag meet, parehong undertime tapos mag bibigay sila ng quiz. 'Short quiz my ass' ang short quiz para sa kanila ay ang limang piraso ng yellow pad!
"Aral na aral sya..." Tinignan ko sila at nakita na nakatingin sila sa akin. Umiling ako at ibinaba ang highlighter na hawak.
"Kung hindi tayo mag-aaral ngayon, baka hindi na tayo magkaklase sa next sem,"
"Ehh! Anong specialization mo ba?"
I look at Sofia na kumain ulit, Mika looks at her and tap her temple a bit.
"Ako transportation, ikaw Niya?"
"Construction," ani ko
Namangha ang dalawa at parehas pang nanlaki ang mga mata.
"Wow! Construction Engineering and Management! Pautangin mo ako ah!"
Tumawa ako at hindi na sila sinagot. I pick my ruler and highlighter to read again. Hindi pwedeng petiks-petiks dito.
Sige, sabihin na natin na naka graduate ako. Na may natutunan ako. Pero ang tanong ay mai-aapply ko kaya iyon sa existing problem sa field?
Nakaka takot, C.E ito eh, paano kung mali yung ginawa mong structure, yung fundamental? Edi pwedeng may madisgrasya pa, or even worst, suspension of licence.
Kaya hanggang maaga, hanggat kaya ko pang pag butihin ay pagbubutihin ko. Hindi naman kasi lahat ng problema sa field ay maituturo dito sa school.
"Diba sya yon? Yung nasa dean's lister? Sana lahat,"
Patuloy ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. Kaka-alis ko lang ng cafe at nauna na kila Mika dahil may nakalimutan ako sa locker ko na notes.
"Oo nga eh, tapos ang ganda pa,"
"Scholar pa, kamo!"
"All in one,"
Their whispers are getting weird, ano naman kung nasa list? Kung scholar? Edi thank you kasi tingin nila maganda ako.
I remember what happened last night, nagulat ako doon. Hindi ko alam na sya ang anak ni Dr. Biz.
I know him! Hindi imposible na hindi ko sya makilala at malaman ang pangalan nya. I just never thought that he's her son!
Antonio Rafael Fuentaverde, ranked the most highest in civil engineering class. He's not included in the dean's list because he's in president's list.
Well, I don't care. Hindi naman ako interesado at sadyang nagulat lang sa nangyari kahapon. Kung sya nga ang anak ni Dr. Biz, edi sya na. Ano bang pakelam ko? Wala.
I shut my locker after I get my binder, sa classroom na lang ako keysa bumalik pa ako sa cafe. Mainit ang tirik ng araw kaya huwag na lang.
"Gago ka ah!"
Napabalikwas ako doon at nilingon ang paligid nang marinig ang sigaw na iyon at ang mga paglagabog. Ako lang mag-isa sa hallway ng civil locker.
Isang mas malakas na paglagabog ang narinig ko at halos manginig ako, may mga nag mumura at ang ilan ay may galit sa boses. The heck? Anong gagawin ko? Minumulto na ba?
BINABASA MO ANG
Unveiling The Mastermind | Mastermind Series 1
Novela JuvenilPlanning your day is easy and just a piece of cake. Jotting down your to-do list is just like humming your favorite song. How about aiming your life's goal, would it be easy just like how you scoop your rice? Traniya Michealle Davis, a second year c...