Chapter 1

116 8 4
                                    

Hila hila ang aking maleta, palabas ng tahanan na minsang nagdulot sa akin ng pagmamahal at kasiyahan. Tahanang naging saksi sa aking sobrang kaligayahan, at tahanang siya ring nakarinig ng lahat ng sakit ng aking puso.

Sinong mag aakala na ang tatlong taon naming pagsasamang mag-asawa ay matatapos ng ganito. Matatapos ng puro sakit, puro luha. Na ang masaya naming simula ay hindi pala pang habambuhay. 

Suko na ako, hindi ko na kaya, ayokong dumating sa punto na ang pagmamahal ko ay mauwi na ng tuluyan sa pagkamuhi. Ililigtas ko muna ang sarili ko, ililigtas ko na mabalot ako ng galit at mawalan na ng puwang ang pagmamahal na meron ako ngayon.

Anuman ang naghihintay sa akin sa labas ng tahanang ito ay handa na ako. Mas gugustuhin kong manirahan sa tahanang walang katuwang, kaysa sa tahanang puno ng pasakit at kataksilan.

Lulan sa isang taxi, patungo sa malayong probinsiya ng isang kaibigan. Alam ng magulang ko na aalis ako at iiwan ang asawa ko, pero nirespeto nila na hindi alamin kung saan ako patungo. Iniiwasan kong malaman ng asawa ko kung saan ako patungo, kailangan ko muna ng katahimikan, kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. 

Walang pagtutol akong narining mula sa pamilya ko, sinuportahan nila ang desisyon ko at nauunawaan nila ang aking pinagdadaanan. Hindi man sila sang ayon sa paghihiwalay ng mag asawa ay hindi naman nila nanaisin na mamuhay ako ng puro pasakit. 

"Paalam Edison, hangad ko pa rin ang kaligayahang hinahanap mo. Sana sa paglisan ko ay matagpuan mo na ang katiwasayan at katahimikan na kailangan mo. Sana sa muli nating pagkikita, masaya ka na, masaya na rin ako." pagkausap ko sa aking sarili. "May mga pinagsisishan din ako, mga maling desisyon, mga sakripisyo na naging dahilan kung bakit naging ganito tayo. Kaya sana ang paglisan ko maging gamot sa mga sugat na nagawa ko sa'yo. Minahal kita at mahal pa rin kita." at hindi ko na napigilan ang patuloy na pagpatak ng aking mga luha.

Kaagad akong pumasok sa airport, after an hour tuluyan ko ng lilisanin ang lugar na ito. Sana maiwan ko na rin dito ang pait at sakit ng kahapon.

"P airport na 'ko." I send a message to Paola. 

Naging mabilis ang pagkilos ko pababa ng eroplano, Paola is waiting for me. Iniwan ko ang stable job ko in Manila, but Paola offered me something na hindi ko matatanggihan. She's busy managing her own restaurant in the City and she wants me to join her team. She's about to add a branch at 'yon ang sinasabi niyang para sa akin. I have enough savings, this business venture is definitely one of my dream.  

"Monaaaaaa...." sigaw ng kaibigan ko mula sa di kalayuan ng nakita niya na akong palabas. Ang babaeng ito talaga wala pa ring ipinagbago, maingay pa rin.

Paola is my High School bestfriend, nagkahiwalay lang kami nung mag decide ang family niya na manirahan sa Siargao. Ng maging mag asawa kami ni Edison ay hindi siya nakilala nito dahil that time nasa US si Paola para kumuha ng short course ng Culinary. Kaya hindi alam ni Edison ang lugar na ito, hindi niya rin kilala kung sino si P sa buhay ko.

Agad akong napayakap sa kaniya paglapit ko. Di ko na napigilan na naman ang pagtulo ng luha ko. 

"Hey why are you crying? Ganyan mo ako ka miss? tskk.."

Inalalayan niya ako sa paglalakad palabas papunta sa kanyang sasakyan.

"Sorry P hindi ko lang talaga mapigilan."

"Nandito ka to heal ha, huwag puro drama Mona kasi I swear ako ang sasakal sa'yo. Yung asawa mo, este ex mo pala di deserve 'yang mga luha mo."

Patuloy ang salita niya habang nasa sasasakyan kami na siya ang nagmamaneho, more on sa trabaho naman. Dahil bukas na bukas ay mag start na ako, iiikot niya muna ako sa restaurant, itrain niya in handling everything dahil in 2 months mag-oopen na yung branch na i co-manage ko. 

Mas ok itong magiging busy ako, mas magiging madali ang paglimot.

"Ma, nandito na po ako, I'm with P na."

Kilala ni Mama si Paola pero hindi niya alam na nasa Siargao ito. 

Tumuloy kami sa magiging pansamantalang tahanan ko, isang room sa kanilang resort, her family owns it. Masyado rin akong pinalad na may mga taong kaya akong kupkupin sa panahon na ito.

"Mona puede ka sa bahay alam mo 'yan ha.  Malulungkot ka lalo dito kung mag isa ka."

"Ok lang ako dito P,  kailangan ko din talaga munang mapag isa.  Pero huwag kang mag alala sa akin,  kaya ko promise!" may pagtaas pa ako ng isa kong kamay.

"Ikaw ang bahala,  baba mo muna ang gamit mo,  let's eat muna then ikot tayo."

"Ok P,  salamat ulit ha." sabay hawak ko sa dalawa niyang kamay.

"Ang drama mo M,  mahal kita, nandito lang ako anytime at alam na alam mo 'yan."

Isang mahigpit na yakap na lang ang naibigay ko sa kanya. Di man ako pinalad sa pag ibig,  sinuwerte naman ako sa kaibigan.

Dumiretso kami sa restaurant ng resort na mina-manage ng mga magulang ni Paola. Kaagad akong lumapit at nagmano sa kanila pagkakita ko. Halos naging tambayan ko rin ang bahay nila noong nag aaral pa kami ni P dahil sa kanila kami malimit gumagawa ng project.

"Welcome to Siargao Iha."

"Thank you po. This a nice place Tita, Tito!" 

"We hope magustuhan mo ang pag stay dito. I heard you and Paola will open a branch in the City?"

"Yes Tita, will try my luck here."

We eat and after that ay nag ikot na nga kami sa buong resort, sobrang ganda dito, hindi nakakasawang titigan ang dagat, very relaxing. Totoo yatang ang mga ganitong lugar ang isang magandang puntahan ng mga pusong bigo, ramdam ko na, sobra ko ng ramdam....



AN:

Hindi ko kayang palampasin ang plot na ito na pumasok sa isipan ko kaya kahit may on going pa ako ay isasabay ko na ito.

Sabay sabay tayong masaktan, lumuha, magalit, magdamdam pero hilingin natin ang katapusan ng hirap ay ang masaya at masaganang kinabukasan.













Marunong Mapagod Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon