Chapter 6

82 7 4
                                    

Tahimik lang ako habang nasa biyahe, paglipas ng halos isang oras ay nasa loob na kami ng tinutuluyan ko. Dito ay mas naibuhos kong muli ang mga luha ko. 

Yakap ni P ang naging sandigan ko, ang paghagod niya sa likod ko kaya naman wala akong nagawa kundi ang umiyak, ang umiyak ng umiyak.

"Ang daya daya niya P, ako ang sinaktan, pero bakit hanggang ngayon ako pa rin ang nasasaktan."

"Kasi tao ka Mona, tao ka lang, anuman ang nararamdaman mo ay normal lang, iiyak mo lang yan tapos mamaya muli kang ngumiti, sige ka magiging mutain si baby dahil diyan sa kakaiyak mo."

Unti-unti akong humiwalay sa kanya at naupo muna sa sofa, "Nung nakita ko si Edison, bumalik ang lahat ng sakit, lahat ng masasakit na pangyayari. Humingi siya ng tawad P, at naiinis akong isipin na napapaniwala niya ako." sabay tumingin ako kay Paola. "Yes P, naiinis akong naniniwala ako sa kanya. Ayoko na P, ayoko na, dahil 'yun ang dapat."

"Sabi ng isip mo ayaw mo na, pero ang puso mo iba ang idinidikta?"

At tango lang ang naisagot ko sa kaniya. "Sa kabila ng lahat mahal ko pa rin siya pero hindi ko na kayang isugal pa ang buhay ko, ang buhay namin ng anak ko."

"Hindi mo naman kailangan magmadali M, sa ngayon alagaan mo ang sarili mo at ang magiging anak mo. Huwag kang ma-pressure magdecide, hawak mo ang oras mo para diyan."

"It is so frustrating, ang taong mahal ko na naging monster sa paningin ko, isang sorry lang muntik na akong bumigay. Nakakatawa lang but you have to congratulate me, nalabanan ko, hindi ako naging marupok sa harapan niya."

"Nasabi mo ba where you staying?"

"No! He asked pero sabi ko magsasabi na lang ako sa kaniya kapag may kailangan."

"Let's wait and see Mona kung kaya mo pa bang  magtago ng matagal lalo na't alam niya ang condition mo."

Napahawak ako sa wala pa namang umbok kong tiyan, ang liit pa niya talaga. "Walang mananakit sa iyo anak ko, walang sinuman."

"Palagay mo ba kaya ka pa niyang saktan?"

"Hindi ko alam P pero yung takot ko? Nandito pa rin sa puso ko. HIndi kayang higitan ng pagmamahal ko kay Edison ang pagmamahal ko sa anak ko at sa sarili ko"

Isang linggo na ang lumipas mula ng pagkikita namin ng asawa ko. Halos araw araw siyang nagsesend ng messages at tumatawag upang alamin ang kundisyon ko. May mga tawag siyang pinipili kong huwag sagutin, Ayoko na muna sana talaga ng anumang ugnayan pa sa kaniya pero hindi ko pa rin mababago ang katotohanan na siya ang Tatay ng anak ko at alam kong iyon ang pinakahabol niya sa akin.

Ngunit ng umagang 'yon ang hindi ko inaasahan, pagbukas ko ng pintuan, ay nandito siya nakatayo at may dalang isang pumpon ng pulang bulaklak.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?" tuloy tuloy kong tanong habang naglalakad dahil nilampasan ko siya.

"Hinanap kita? Ipinahanap kita."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya at tiningnan ng may galit. "Ano ba ang mahirap intindihin sa sinabi ko? I want a safe pregnancy, at kapag nakikita kita pakiramdam ko hindi ako safe."

"Hon sorry kung iyan ang nararamdaman mo pero hindi ko kaya, hindi ko na kaya ng hindi ka nakikita, hindi ka naaalagaan. Kailangan ako ng anak natin."

"Kaya kong alagaan ang sarili ko, kaya kong alagaan ang anak ko. Huwag kang umasta na akala mo ay napakabuti mo. Dahil hindi ka mabuti, hindi ka mabuti sa akin, hindi ka mabuti sa amin ng anak ko."

"Please hon, I'm begging you, gagawin ko ang lahat ng sabihin mo huwag lang ang lumayo sa inyo ng anak natin. Ngayon pa? Ngayon pa ba na alam kong dinadala mo ang anak ko."

"Lumabas din ang totoo, you're sorry dahil alam mong buntis ako. Pero kung hindi, ano ako sa'yo ngayon? Basahan? Parausan?"

"No hon, please huwag kang mag isip ng ganyan. Mahal kita, hinanap kita, hinahanap kita mula nung unang araw na umalis ka. Buntis ka o hindi, sabi ko sa sarili ko 'pag nakita kita ay hindi ka na muling mawawala sa akin."

"Wala na ako sa'yo. Mula ng gabing umalis ako ay wala na ako sa'yo. At kailanman ay hindi na ako muling magiging sa'yo. Nagsasayang ka lang ng oras dito. Umalis ka na at huwag kang mag alala hindi ko ipagdadamot sa'yo ang anak ko,"

"Patawad sa mga naging pagkakamali ko, patawad sa lahat ng sakit na ibinigay ko at patawad dahil kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, hinding hindi na ako aalis sa tabi mo."

"So ako ang aalis?"

"Huwag mo ng tangkain, mapapagod ka lang, dahil kahit saan ka magpunta, masusundan at masusundan kita."

"Pagbabanta ba 'yan?"

"No, I'm just telling the truth."

"Bahala ka sa buhay mo pero huwag kang umasa na babalik pa ako sa'yo. Magtiis ka diyan."

"Lahat kaya kong tiisin para sa'yo, para sa inyo ng anak ko."

Bumalik ako sa kuwarto ko at tumawag na lang ako sa hotel restaurant na dalhan ako ng pagkain, dapat ay doon ako mag aalmusal pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Edison sa labas.

After 15minutes ay kumakatok na ang room service.

"Good morning Ma'am! Your breakfast po."

"Thank you!" At niluwangan ko ang bukas ng pinto para maipasok niya ang pagkain. "Wait bakit may bulaklak diyan?"

"Ma'am pinabibigay nga po pala 'yan ni Mr. Buenavista. May additional din pong fruits 'yung order niyo galing din po sa kanya."

"Ok sige salamat." At tuluyan ng lumabas ang room service. Tinanggap ko na lang ang ipinadala ni Edison dahil mas hindi ko gugustuhin na siya ang magdala ng pagkain sa akin.  

Lumapit na ako sa mesa para kumain pero may note na nakapatong sa tray. "Eat well honey. I love you!" Kaagad akong kumain dahil totoong gutom na ako. Hindi puedeng malipasan ng gutom ang baby ko. 

"Anak sana maunawaan mo ako, gustuhin ko man na lumaki kang buo ang pamilya, hindi ko talaga kaya. Tuwing nakikita ko ang ama mo ay hindi mawala sa isipan ko ang masasakit na pinagdaanan ko sa kanya. Masyado pang sariwa ang lahat. Ikaw at tanging ikaw lang ang mahalaga sa akin sa ngayon." pagkausap ko sa anak kong nasa sinapupunan ko ngayon. Kaya naman naming maging masaya kahit kami lang, pupunan ko lahat ng pagmamahal na kakailanganin niya.

Hindi ko inakala na magiging ganito ang sitwasyon ng buhay may pamilya ko. Napakasarap isipin na mamuhay ng masaya, kumpleto at nagmamahalan pero hindi natin mapipili ang kapalaran natin. At niyayakap ko ng buong puso ang kapalaran na meron ako. Dahil sa lahat ng sakit, may dapat akong ipagpasalamat, at iyon ay ang anak ko. Hindi lahat ay nabibigyan ng ikalawang pagkakataon kaya naman iingatan ko ito ng higit pa sa sarili ko, higit pa sa buhay ko.

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marunong Mapagod Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon