"Magkita tayo on Saturday, 10AM" 'yan ang message na ipinadala ko kay Edison. Sinabi ko na rin ang restaurant kung saan kami magkikita, sa kalapit bayan lamang kung nasaan ako ngayon. Natatakot akong bumiyahe ng malayo dahil na rin sa kundisyon ko.
Wala pang ilang segudo ay tumatawag na si Edison. "Hon where are you? Pupuntahan kita kahit ngayon na. I'm sorry hon, sorry for being a jerk. Please come home."
"Sa sabado na lang tayo mag usap."
"I miss you hon, mahal na mahal kita." at narinig ko ang mahina niyang paghikbi.
"Bye Edison, see you on Saturday." and I ended the call. At hindi ko napigilian ang pag iyak. Bakit ganon? Bakit boses pa lang niya ang narinig ko ay parang nanghina na ako. Pagkatapos ng lahat ng ipinadanas niya sa akin? Mahal niya ako? Miss niya ako? Dapat pa ba akong maniwala? Dapat pa ba akong magtiwala?
Nakatulugan ko na ang pag iyak, at nagising makalipas ang isang oras ng may mabigat pa ring pakiramdam, ayoko sana ng ganitong feeling, kailangan kong maging malakas para sa anak ko, bawal akong ma stress.
"Oh gising ka na pala, kumain ka muna Mona habang mainit pa tong dala kong pagkain." Si Paola na dumating na pala. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Ok naman ako P medyo mabigat lang ng konti ang pakiramdam ko."
"Are you sure you're ok?"
"Yes P and siyanga pala nakausap ko na si Edison, magkikita kami on Saturday sa kabilang bayan."
"Oh bakit lalayo ka pa, puede naman dito?"
"Ayoko muna sanang malaman niya kung nasaan ako exactly, gusto niya na akong puntahan, but I need some more time P. Kilala ko rin 'yon kahit papaano, hindi ako titigilan non."
"Ikaw ang bahala, pero sasamahan kita."
"Ano ako bata P?"
"Tsk, sa labas ako maghihintay noh, huwag kang ano diyan. Halika na at kumain na tayo."
Days passed and ito na ang araw na magkikita kami ni Edison, kasama ko si P, siya ang nagmaneho para sa akin at gaya ng napag usapan hindi niya ako sasamahan, papasok siya sa restaurant pero sa ibang table lang siya maghihintay.
Sa isang private room kami mag uusap ni Edison, mabuti na lang may ganito sa restaurant na ito na pangkaraniwang ginagamit ng mga nagkakaroon ng small company meeting. HIndi ko alam kung anong kahihinatnan ng pag uusap namin kaya gusto ko ng privacy.
Pagpasok ko ay nandoon na siya, kaagad siyang tumayo pagpasok ko, kaagad siyang naglakad upang salubungin ako pero sumenyas ako sa kanya na huwag na, mukhang naintindihan naman niya kaya hinintay niya lang akong makalapit at itinuro niya lang ang upuan.
"Kumusta ka na hon?"
"I'm good Edison!"
"I'm sorry hon, I didn't mean to hurt you."
"But you did."
"Yes, and I regret everything hon, please forgive me."
"It is easy for you to say sorry, pero yung iniwan mong sakit sa akin hindi kaya ng sorry Ed." at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Mahigit isang taon akong nagtiis, inintindi ko ang lahat pero sinagad mo ako."
"Natalo ako ng lungkot hon, hindi ko matanggap ang nangyari sa anak natin, aaminin ko sinisi kita." at tumungo siya ng sinabi niya iyon. "Pero mali ako, maling mali ako, nung umalis ka para akong nagising sa mahabang panaginip. Pero wala ka na, hindi kita ma-contact, I even ask your parents pero naintindihan ko naman sila kung ayaw nilang sabihin sa akin kung nasaan ka."
"They don't know where I am."
"I look for you everywhere hon, pero I can't find you. Totoong mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita."
"That night Edison, you broke me, wala kang itinira sa akin."
At hindi ko inaasahan ay ng lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Salamat na lang talaga at kami lang ang nandito. "I'm sorry hon, I'm so sorry." at patuloy siyang umiiyak sa may tuhod ko. HIndi ko na rin napigilan ang pag iyak.
"Hin-di ito ganon kadali Edison, please tumayo ka dyan at umupo ka. May importante akong sasabihin sa'yo." At tumayo naman siya habang pinupunasan ang mukha niyang puno ng luha.
"Please hon I'm begging you, mahal na mahal kita, please give me another chance. This time I'll make sure hindi na kita sasaktan."
"Buntis ako Edison!" at sinabi ko na nga ang dahilan kung bakit ako nandito at nakipagkita sa kanya. "Pero hindi ako makikipagbalikan sa'yo. I just want you to know."
"Wait hon, you're pregnant? I'm going to be a father again?"
"Yes pero hanggang doon lang Ed, mabuti na ang malinaw sa iyo ang lahat. Ikaw ang Tatay ng magiging anak ko at hindi ko ipagdadamot sa'yo ang karapatan na 'yon pero hanggang don na lang 'yon. Hindi ako uuwi sa'yo, hanggang dito na lang tayo."
"Pero hon mahal pa rin kita, mahal ko kayo ng anak natin at hindi ba mas makakabuti sa atin ang magkasama tayo?"
"Talaga ba? Makakabuti para sa atin? The last time I check sobrang naging miserable ang buhay ko sa'yo." at hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Nakipagkita ako sa'yo para alam mo, bawal akong ma-stress kaya please huwag mo ng ipilit. Kasi Edison A-YO-KO na."
"Naiintindihan ko hon na galit ka sa akin, na hindi mo ako mapapatawad pero sana hayaan mo akong bumawi. Aalagaan kita this time.!"
"Hindi na kailangan, wala namang mababago Ed, pinapalaya na kita at wala kang magagawa kundi ang palayain din ako. This is for the better, maniwala ka sa akin, this is for the better." bawat sinasabi ko ay masakit, patuloy ang paglandas ng luha ko.
"Please let me know where you staying."
"Para saan?"
"So that I can visit you?"
"Hindi na kailangan, I will update you kapag kinakailangan."
"Please Mona, please."
"Nakikiusap ka? Pero ng gabing 'yon hindi mo nagawang pakinggan ang pakiusap ko. Aalis na ako, I will text you kapag kailangan, sa ngayon 'yon lang ang kaya kong ibigay sa'yo."
"Mona please, hon I love you so much, hindi ko kaya ang wala ka."
"Kaya mo 'yan, kinaya mo nga ang saktan ako noon, kakayanin mo ito ngayon."
At tuluyan na akong lumabas sa kuwartong iyon. Nakita ko naman si Paola na agad tumayo ng makita ako. Diretso akong pumunta sa parking at sumakay sa sasakyan ni P. At doon ako umiyak, umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Marunong Mapagod Ang Puso
RomancePaano nga ba kung ang pusong lubos na nagmahal ay napagod at di na gugustuhing balikan ang sakit na minsan ay naranasan. Kakayanin mo bang magpatawad? Kakayanin mo bang tanggapin ang lahat? Kakayanin mo bang harapin ang lalaking nangako ng haba...