CHAPTER 2

1.4K 64 1
                                    

SINGTO'S POV

SEPT. 5, Monday.

"La la la la la!" kanta ko habang papalapit kay Win.

Ang laki ng ngiti ko. Haha. Natuwa talaga ako sa nalaman ko kanina sa library.

"Mukhang masaya ka yata?" tanong ni Win. Nagtaka din yung mga kateammates namin.

Kinuha ko yung bola tapos tumakbo ako sa court.

"La la la lah! Meron akong nalaman, hindi ko sasabihin. Pero pag ako'y pinilit, sasabihin ko din" kanta ko pa habang nagshoot.

Yown! 3 points.

Tawanan naman sila sa kanta ko. 

Kinuha ko yung bola tapos lumapit sa akin si Win.

"Anong nangyayari sayo? Ano yung kinakanta mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Ahh may kaibigan kasi akong lalaki tapos nalaman ko na may boyfriend siya" sabi ko sabay shoot ng bola sa ring.

Hindi ko pa nakikitang nashooy ang bola eh hinila niya ako papuntang locker.

"Aray, bakit ba?" tanong ko sa kaniya.

"Sino yung kaibigan mo na yun?" tanong niya.

"Hindi mo kilala yun" sabi ko.

"Oh, ano namang reaksyon mo nung nalaman mo yun?" curius niyang tanong.

Ngumiti ako sa kaniya. Habang siya naman eh hinihintay yung sagot ko.

"Masaya ko para sayo" sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Pa-paano mo nalaman?" tanong niya.

"Pumunta ako ako ng library" sabi ko sa kaniya.

Ang totoo niyan eh wala akong ideya na lalaki pala ang gusto ng bestfriend ko. Pero sa kabilang banda eh masaya ako sa kanya. Tanggap narin naman ng tao ang ganong relasyon.

Kaso nakakatampo lang kasi hindi niya sa akin sinabi.

Bigla ko tuloy naalala yung una naming pagkikita.

*Flashback*

4 Years Ago.

Papasok na ako ng school nang makita kong may pinagtitripan si Krist at si Bright.

Hindi ko kilala yung estudyante kaya sure ako na transferee student yun. Pinuntahan ko sila.

Kaso mukhang hindi na niya kailangan ng tulong ko kasi nakikipagsagutan siya sa dalawa.

"Magbigay respeto ka sa prinsipe ng school" sabi ni Bright sa lalaki.

Kumunot naman yung noo nung lalaki tapos tinignan niya yung paligid.

"Eskwelahan 'to ah, bakit may prinsipe?" tanong niya. Hahaha. Natawa ako dun.

"Ako lang naman ang anak ng may-ari ng school" sabi ni Krist.

"Ahh so hindi mo pagmamay-ari ang school?" tanong niya.

Mukhang nagalit si Krist sa sinabi ng transferee. Kinuha ko kaagad yung phone ko at nagkunyaring binibidyuhan ko sila.

Hinubad niya yung sapatos niya at akmang ibabato ito sa lalaki.

"Psstt" sabi ko. Lumaki naman ang mata nung dalawa.

THE CAMPUS PRINCE'S ENEMY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon