CHAPTER 17

311 23 0
                                    

SINGTO'S POV

"Marasigan, tara dali naaksidente si Krist" sabi ng isang lalaking estudyante. Si Lance. Sikat din siya sa school, kaso hindi dahil sa mga academic strands kundi dahil siya ang laging binubully ng mga estudyante.

Napakunot naman ako ng noo.

"Sino yung nasagasaan?" tanong ko.

"Si Krist yung boyfriend mo" pagmamadaling sabi ni Lance.

Napataas nalang ang isa kong kilay. Hinawakan ko siya sa braso.

"Eh sino yun?" turo ko kay Krist na papalapit sa amin.

Tumingin siya at nakita kong nagulat siya.

Paalis na sana siya kaso nakahawak ako sa braso niya.

"Anong meron?" tanong ni Krist nang makarating siya sa amin.

"Haha sabihin mo sa kaniya yung sinabi mo sa akin kanina" sabi ko.

"Nasagasaan ka daw. Sorry sorry, napag-utusan lang ako" sabi ni Lance.

"HAAAAAIIII!! BABY KRIST!!" narindi kami sa sigaw ni Jessica na kakarating lang.

"Sino siya?" tanong ni Jessica habang nakaturo kay Lance.

"Siya ba?" tanong ni Krist kay Lance, tumango naman siya.

Inakbayan ni Krist si Lance. "Tara libre kita sa canteen, don't worry hindi kita sasaktan" sabi ni Krist.

"Wait, anong gagawin nyo?" tanong ni Jessica.

"Ah kakausapin ko lang si Lance. May nang-utos kasi sa kaniya na sabihin kay Baby ko na naaksidente daw ako, haha aalamin ko lang kung sino" sabi ni Krist habang nakangiti.

"Wait, he's my friend" pagpipigil ni Jessica.

"Oh kaibigan mo siya. Eh bakit tinatanong mo kung sino siya kanina? O baka ikaw yung nag-utos sa kaniya" sabi ko.

"Wala kang pakialam" sabi ni Jessica.

Natawa nalang kami ni Krist. Haha.

"Huli ka balbon, tara na Baby, ililibre pa natin 'tong si Lance" sabi ni Krist. Naglakad na siya tapos sumunod naman ako.

"Aarrggg!! Makikita mo, sa akin din mapupunta si Krist" rinig kong reklamo ni Jessica.

At dahil mapang-asar ako eh lumingon ako sa kaniya at binelatan ko siya habang tumatawa.

"Baliw ka talaga Baby. Hahaha" sabi ni Krist. Dumiretso kami sa canteen. Syempre alam na ni Krist kung anong order ko kaya si Lance nalang ang tinanong niya.

"Anong gusto mo?" tanong ni Lance.

"Ah eh, kahit ano" sabi niya.

"Meron ba nun? Haha sige yung parehas nalang sa amin" sabi ko.

Habang umoorder si Krist eh umupo na kami sa usual spot namin.

Maya-maya eh dumating na si Win at si Kuya.

"Oh sino siya?" tanong ni Kuya.

"Ah bagong kaibigan namin ni Krist" sagot ko tapos dumating na si Krist at umupo na siya.

"Swerte naman ng bago nyong kaibigan kasi nililibre nyo" sabi ni Kuya.

"Loko, hindi ka nga nagbabayad eh dito sa canteen eh, gusto mo pa ilibre ka" sabi ni Krist. Tawanan naman kami. Haha.

THE CAMPUS PRINCE'S ENEMY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon