CHAPTER 4

1K 48 5
                                    

SINGTO'S POV

Habang kumakain kami eh napapansin kong hindi kumukuha si Krist ng fried chicken.

Kumuha ako ng manok tapos nilagay ko sa maliit na platito tapos hinimay ko para mahiwalay ang laman sa buto. 

Nailang naman ako habang ginagawa ko yun dahil nakatingin sa akin si Lola at Krist pati si Royce at Aika. Tapos binigay ko na kay Krist.

"Oh, hinimay ko na para sayo" sabi ko sa kaniya.

"Ow my gash, naalala niya" mahinang sabi ni Aika pero rinig ko.

"Naaalalang ano? Eh simula bata pa kami ni Krist eh hindi na talaga yan kumakain ng friend chicken na hindi hiniwalay sa buto" sabi ko.

"Baby Sing, kailan mo huling ginawa yan sa kaniya?" tanong ni Aika.

"Ewan, nakalimutan ko na, teka nga" inalala ko naman.

Wala akong maalala eh. Pero parang ginawa ko na sa kaniya 'to.

"Hindi ko talaga maalala eh, eto yata yung first time" sabi ko naman.

"Haha sige na, sige na kumain na kayo. Krist kainin mo yang binigay ni Singto" sabi ng Mama ni Royce.

Napansin ko naman na habang kumakain kami eh nakatingin si Royce sa akin, nang tingnan ko naman si Krist sa tabi ko eh ang sama ng tingin niya sa pinsan niya.

"Huy Krist, ano bang problema mo bakit ang sama ng tingin mo kay Royce?" tanong ni Aika na katabi ni Royce.

"Wala" sagot ni Krist.

"Bakit ba kasi nandito ka? Eh dinner namin to with Lola Marg at Singto" sabi ni Royce.

Mukhang nakakaamoy ako ng bangayan na naman.

"Ano ka ba iho, boyfrie-- kaibigan siya ni Singto kaya okay lang yun, beside isa rin naman siyang Gregorio" sabi ni Lola.

"Ako nag-imbita sa kaniya, kaya okay lang yun" sabi ko. Ngumiti naman sa akin si Royce.

"Ayhh Hehe, okay pala" sabi ni Royce.

Wala namang ibang nangyari, nagkwentuhan lang si Lola tsaka ang magulang ni Royce tungkol sa business. Ang magulang kasi ni Royce ang official chef ng restaurant pagmamay-ari ni Lola.

Nang matapos kami kumain eh lumabas na ako ng private room. Sumunod naman sa akin si Krist.

"Mukhang masaya ka na kasama mo si Royce ah" sabi niya.

"Oo naman, masaya ako kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Sayo lang naman ako nagdurusa eh" sabi ko.

"Ay wow, grabe ha. Ginagawa ko lang naman yun kasi---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang akbayan ako ni Royce.

"Marunong din ako kumanta. Gusto mo kantahan kita?" tanong ni Royce sa akin.

Naalala ko naman yung kanta ni Krist kanina.

Ako ba ang kinakantahan niya kanina? O baka feeling ko lang yun?

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ako tinamaan sa kanta niya kanina? Eh lalaki ako.

"Lahat naman ng tao marunong kumanta. Kaso, hindi naman sa pagmamayabang eh pili lang yung mga taong magagaling kumanta katulad ko. Na wala sayo" sabi ni Krist kay Royce.

Agree ako sa sinabi ni Krist. Dahil minsan ko nang narinig na kumanta si Royce at masasabi kong mas maganda pa ang boses ni Anne Curtis kesa sa kaniya.

Ngumiti ako at bahagyang tumawa.

"Bakit ka tumatawa Sing? Wag mo sabihing naniniwala ka sa sinabi ni Krist?" pagmamaktol ni Royce.

THE CAMPUS PRINCE'S ENEMY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon