POV Helena
Holden Hidalgo. Sa loob lamang ng ilang buwan ay naging ganap na akong Mrs. Holden Hidalgo. Hindi ko akalain na may happy ending ang isang preso at isang baliw na tulad ko.
Sa isang garden sa correctional facility ginanap ang aming kasal. Isang simpleng kasal na dinaluhan ng kapwa ko preso at ng pamilya namin ni Holden. Sa lahat ng mga kasalanan na ginawa ko at sa lahat ng paghihirap na dinulot ko kay Holden ay tinanggap pa rin niya ako ng buong puso.
Pagkatapos ng ilang taon ay nakasama ako sa mga nabigyan ng parole at nakalaya din sa kulungan. Masaya kaming nabuhay ni Holden bilang mag-asawa. Imbes na ikahiya niya ang asawa niyang baliw, sinuportahan niya ako sa aking medication at therapy.
Hindi ko rin pinabayaan si Aleksey at Ivanoff. Palagi namin silang dinadalaw sa kulungan dahil sila ang umako ng kasalanan ko. Umaasa ako na magkakaroon din sila ng parole dahil naging mga modelong preso sila sa lumipas na taon.
"Holdie, there is someone who wish to speak with you on the phone," sabi ko kay Holden habang hawak ang landline phone sa aming bahay.
"Sino 'yan?"
"Missouri daw ang name? Ex mo?" tanong ko sa kanya sabay akto na kunwari ay hihiwain ko ang leeg ng babaeng ito kung ex nga siya ni Holden.
Humalakhak lang ito dahil palagi ko siya binibiro na papatayin ko kung sino mang babae ang magiging involved sa kanya. Alam naman namin pareho na hanggang biro lang ito.
Binigyan ako ng bagong buhay ng Panginoon, isang bagong pagkakataon at hinding hindi ko ito sasayangin.
"Missouri? Zuri Villaverde?" gulat na tanong ni Holden nang makilala niya ang caller.
"Who is she?"
"Manager ni Harland. You don't know her?" tanong ni Holden habang palapit sa akin.
Umiling lang ako sa kanya dahil hindi ko kilala ang manager ni Harland. Alam ko na babae ang manager niya pero hindi ito sumasama sa mga gig at events ni Harland. Alam ko din na naging manager niya na ito noong nagkahiwalay na kami ng landas.
"Why is she calling you?" nagtataka ko na tanong kay Holden.
"I don't know. After Harland's death, Zuri was reported missing. Hindi ko nga alam na buhay pala siya pagkatapos ng ilang taon."
"Oh my! Siya ba 'yong inakala na tumalon sa bridge kung saan na-aksidente si Harland?"
Tumango lang sa akin si Holden at ibinigay ko sa kanya ang phone. Sa loob ng ilang minuto ay tila nagku-kwento lamang si Missouri sa kabilang linya at nakikinig lamang si Holden sa kanya. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay ibinaba niya ang telepono.
"What did she say?"
"Some crazy stuffs about my brother. Gusto niya makipagkita sa atin."
"Holden, anong sinabi niya sa'yo?"
"She said that Harland did not die in the accident. My brother is still alive."
"Harland Hidalgo is still alive? Nasaan ang kapatid mo?"
"He was alive in 1863. Zuri is asking my permission if she can release a book about the adventure of my brother in Spanish colonial period."
"Wow, mukhang hindi lang ako ang nabaliw sa Hidalgo brothers. Ano daw title ng book niya?"
"The Rise of Harland Hidalgo."
BINABASA MO ANG
The Fall of Holden Hidalgo [Completed]
Romance[WARNING: R-18 - SPG] Helena Cassandra Madrigal. I don't even know if that is her real name. All I know is that her obsession transformed into something dangerous, something fatal, something demented, which commenced the Fall of Holden Hidalgo. Lang...