Chapter 46 - Time

3.7K 86 0
                                    

Chapter 46 - Time

(POV Helena)


TIME stood still while I am walking towards him. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Kasabay ng bawat hakbang ko na papalapit sa kanya ay ang luha na tumutulo sa aking mata. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na muling iiyak, pero mukhang hindi ko natupad ang pangako ko dahil sa lalaking kaharap ko.


"Holden..." mahinang bigkas ko ng pangalan niya.


Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Marahil para sumbatan ako sa pagsira ng buhay niya. Marahil para sabihin kung gaano ko kasamang tao.


I was hoping to see him one more time for the last five years, but then I remembered, ako nga pala ang humiling na lumayo siya sa akin. I was crazy for wishing he would come back after I pushed him away.


"Helena," he said as if he is tasting my name on his lips.

"Why are you here? Akala ko nasa ibang bansa ka na," I formally asked as I stopped my voice for breaking down.

"I just came back today."

"Work related? Business trip?"


Please say yes, Holden. Umaasa ang puso ko na nandito ka para sa akin.


"Yes, I am here for business. Gusto ko lang kamustahin ka."


Tumango lang ako sa kanya. At least, naglaan siya ng bahagyang oras para kamustahin ako. I should be thankful that the man does not loathe me.


"I am okay, I guess. Hindi naman ako pinababayaan ni Aunt Zara. Kahit ang buong pamilya ko ay hindi din naman ako iniwan. Ikaw, how are you? Siguro big boss ka na," nakangiti kong biro sa kanya.

"I guess, I am okay. Work is life."

"Mag-asawa ka na. Tatanda kang binata---"

"I am planning to," he suddenly cut me off.


He is planning on getting married? Fuck! Bakit pa niya sinabi sa akin?

Gusto ba niyang mamatay ng maaga ang fiancee niya?


Gusto ko humalakhak dahil naisip ko na naman patayin ang babaeng magiging asawa ni Holden. But then, I am no longer the same mentally ill girl who fell in love with him.


Science has its ways to cure me with my psychotic tendencies. God moved his mysterious hands to heal my internal demons.


Mukhang mahaba mahabang usapan ang magaganap sa amin ng therapist ko. Mukhang isasalaysay ko na naman ang muling pagkabiyak ng puso ko. Mukhang kailangan ko ng mas matinding dosage ng medications para maging manhid ang puso ko.


"Congratulations, Holden. I am happy for you."


Surprisingly, I mean every word that I have just said. I am happy for Holden. I am happy that he can finally start a new chapter of his life.


I am happy that he finally moved on.

The Fall of Holden Hidalgo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon