Chapter 15
Missing Him
Tama nga ang hinala at tambol ng puso ko.
I can see him now walking towards my direction, seryoso na naman ang tingin niya sa akin pero may multo ng ngiti sa labi.
Ako naman parang napako na ang mga paa sa sahig. Hindi ako makakilos at ramdam kong sobra ang kaba ko.
Don't come! Don't come!
The truth is... knowing that he was really Vans makes me feel embarassed. Sa sarili ko... bakit kasi ang slow ko na hindi man lang ako nagtaka kung bakit kilala niya ako? Bakit marami siyang alam about dito sa story world at kung bakit minsan may laman ang sinasabi niya?
Leon is definitely Vans! At hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kausapin ngayon.
Kung mahaharap ko siya ngayon. I feel embarass!
Dahil doon, hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa akin, tumakbo na ako sa ibang direksiyon palabas ng library. Hindi naman na niya ako nahabol dahil biglang nabago na ang scene.
Lakad takbo ako at hindi ko alam kung bakit. Parang may humahabol sa akin.
"Hey, Narizz. Why are you avoiding me?" Boses ni Vann ang narinig kong nagsalita sa likod. Tingin ko siya ang tinatakbuhan ni Narizz ngayon.
Naramdaman kong uminit ang parehong pisngi ko at bahagya pa akong napahawak sa labi ko.
OMG! Ito ba yung katuloy ng scene na nag kiss kami ni Vann? Kung ito nga iyon, normal lang na mahiya si Narizz.
Pareho pala tayong may ayaw harapin. I feel you Narizz dahil may tao rin akong iniiwasan ngayon. Sana hindi siya magtaka sa ikinilos ko kanina. Iyong biglaang pag alis ko.
Sana hindi niya maisip na alam ko na na siya si Vans.
"Got you!" Muntik pa akong mapapitag sa gulat dahil sa kamay na humawak sa kamay ko.
Naabutan na pala ako ni Vann.
"Bakit parang iwas ka sa akin. Bakit? Hmmn? Dahil ba sa nangyari kahapon?" Mapanuksong tanong ni Vann sa akin.
Hinablot ko naman pabalik sa akin ang kamay ko at inirapan siya. Humawak pa ako sa baywang ko.
"Excuse me? Bakit naman kita iiwasan doon? Gusto mo halikan pa kita ngayon eh!" Hamon ko at nilapit ko pa ang mukha ko sakanya.
Narizz! Why are you like that? Ako ang nahihiya sa iyo eh!
Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Vann na medyo aliw lang kanina at pinantayan ang titig ko. Kalaunan ay nagsalita siya.
"Then bakit ka bumalik kanina nang masasalubong mo na ako?" Pagdududa niyang tanong.
Umiwas naman ako ng tingin at tumikhim bago sumagot.
"May nakalimutan ako sa room!"
Mag dahilan ka pa Narizz. You can do it girl!
"What is that? Bakit madaling madali ka yata?"
"'Yung mga folders ko naiwan! Andon iyong mga paper works ko na ipapasa para bukas," I explained.
Kaya mo 'yan Narizz. Sana hindi ka mahalata.
"Folders... hmmnn," may duda pa rin na mababakas sa boses ni Vann.
"Ah basta! Bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo? Diyan ka na nga!" Maarte kong sinabi at nilagpasan na siya.
"Wait!" Pinigilan niya ulit ako at hinawakan na naman ang kamay ko.
"Ano na naman!?" Medyo iritado naman na ang boses ko ngayon.

BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)✔️
FantasyNarizz Sy is a typical high school girl, but not a good student. She always cuts classes, her grades are not higher than you think and she doesn't have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her real personalit...