Ex-Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ 𝒷𝓎 𝑨𝒖𝒕𝒉𝒐𝒓𝒃𝒉𝒆𝒍𝒍𝒆
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1ISANG masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa pinagsama-samang estudyante, mga magulang at guro ng paaralan nang tawagin na ang pangalan ko mula sa microphone. Buong puso akong tumayo at naglakad patungo sa stage kung saan tatanggapin ko na ang aking diploma at medalya. Hinihintay ako ni Mama sa baba ng stage, umiiyak dahil sa sobrang kasayahan na nadarama. Walang sali-salitang niyakap ko si Mama. Mabilis itong tumugon at yumakap sa akin. Magkasabay naming inakyat ang stage upang sabay na tanggapin ang karangalan at diploma kong nakuha. Nagkaroon ako ng medalya, dahil sa isang taong nagturo sa akin ng mga panahong wala akong naunawaan sa turo ng aking mga guro. Ngayon ay naging inspirasyon ko upang hindi masayang ang lahat ng aming pinagsamahan. Darating ang panahon na magkikita ulit kami ng taong iyon, at sa kaniya ko iaalay ang medalyang natanggap ko.
“Ang saya-saya ko na nakikita kitang ganiyan, anak!” maluha-luhang isinuot sa akin ni Mama ang medalya ko. Naiiyak din naman akong tinanggap iyon. Nakipagkamay ako sa aking prinsipal bago hinarap ang buong estudyante sa baba ng stage. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa karangalang aking natanggap. Sa aming apat na magkakaibigan, ako lamang ang nakatanggap ng medalya kaya naman inggit na inggit sa akin ang mga kaibigan kong sina Niña, Elaine at Bianca. Ganoon pa man, lubos silang nagtataka sa kanilang nakita. Kaya nang mapaupo ako sa silya’y saka nila ako tinanong.“Bakit kasama mo ’yong yaya mo? Hindi umattend ang parents mo?” nagtatakang tanong ng mga ito sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa aking sarili. Matagal kong itinago ang lahat sa mga kaibigan ko. Ngayon, panahon na kaya para sabihin ko sa kanila ang lahat-lahat? Masakit sa akin na maglihim sa kanila, pero mas masakit sa akin na lalaitin at lalayuan nila ako kung malalaman nila ang totoo.
“Oo e, hindi makakapunta ung mga parents ko kasi maraming tinatapos na trabaho. Nauunawaan ko naman na para sa future ko lahat ang ginagawa nila kaya it’s okay.” Nakangiting napatango-tango ito sa akin, waring nakumbinsi ko ang mga ito sa naging dahilan ko. Hindi pa pala ako handang aminin ang lahat sa kanila. Baka imbis na masaya kaming magkahiwa-hiwalay ngayong taon ay maging dahilan pa ito nang pagkamuhi nila sa akin.
Matapos kong sabihin iyon ay napatingin akong muli kay Mama na nakaupo sa kabilang helera ng mga silya. Ang medyo kulubot na mukha nito sa mukha’y nawawala kapag ngumingiti ito sa akin. Naaawa lang ako dahil hindi ko siya kayang ipagmalaki sa iba. Dahil natatakot ako na baka pagtawanan nila ako.
“Hindi ngayon ma, pero balang araw e maipagmamalaki rin kita sa mga kaibigan ko...” tanging nabigkas ko na lamang sa sarili ko.
Matapos ang graduation day ay kaniya-kaniya na kaming paalam sa isa't isa. Magbabalitaan na lang kami paminsan-minsan. Hindi ko alam kung makakapag-enrol pa ako sa kolehiyo pero siguro magtatrabaho muna ako’t mag-iipon.
“Anak, kailangan na nating umuwi. Maraming bisita ngayon si Sir kaya kailangan nandoon na ako para makatulong ako sa mga trabaho. Ikaw anak, puwede kang huwag munang magtrabaho. Alam naman ni Madam na grumaduate ka rin. Kanina nga ay nakita ko sila, nahihiya lang akong sumabay sa sasakyan nila kaya nagsabi ako na mayroon ka pang kinukuha sa teacher mo.” Paliwanag sa akin ni Mama.
Tama lang din naman ang sinabi ni Mama. Ayokong makisabay sa kotse ng amo namin ni Mama dahil siguradong magtataka pa sina Niña.Oo, isang maid si Mama. At ang pagiging maid niya ang siyang nagpapaaral sa akin ngayon dito sa maganda’t pangmayaman na paaralan. Hindi naman buong tuition fee ay binabayaran ni Mama, tanging baon ko lang naman ang kaniyang ginagawan ng paraan sa araw-araw. Ang amo ni Mama ang siyang nagbabayad ng tuition fee ko kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral sa magandang paaralan, kahit na maid lang si Mama.
BINABASA MO ANG
𝗘𝘅-𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 COMPLETE
RomanceAira Delapena, the woman who ruined Julius Gamboa's dream. Because of friends, Aira was able to play with Julius. This hurt the feelings of a man who always defended her all the time. So after their break-up, the young man disappeared like a bubble...