Prologue

1.4K 74 7
                                    

Enjoy reading...
Shimmersss🌺
_______

Matiyagang nag-aantay ang pinuno sa gilid ng isang lawa na kung tawagin ay hallowed lake, sa ilalim ng madilim na kalangitan at tanging ang buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid.

Hinihintay nito ang paggising ng kaisa-isa nitong anak na babae, na ngayon ay nasa ilalim ng lawa at binabasbasan ayon sa mga diyos at diyosa.

Noong tatlong taong gulang pa lamang ang kanyang anak ay nasa ilalim na ito ng lawa dahil ito nga'y binabasbasan ng mga diyos, gabi-gabi siya kung mag-antay hanggang sa apat na taon na ang makalipas at lumabas na nga ang hudyat na natapos na itong basbasan ng mga diyos at ito na ang nakatakdang gabi ng paggising muli ng isang batang babae.

"My child it's time to wakeup now" mahinang usal nito habang nakatingin sa mala kristal na tubig ng lawa na kumikinang pa sa sobrang linaw.

Ngunit kahit anong linaw pa ng tubig ay hindi nito makita ang anak nitong nasa ilalim no'n.

Ilang oras pang naghintay ang pinuno hanggang sa makita nitong tila kumukulo ang tubig sa gitna ng lawa at dahan-dahang umangat ang tubig kasabay no'n ang pag-angat ng katawan ng isang batang babae na nagliliwanag pa ang Midnight blue'ng buhok nito, suot ang isang puting bistida na may mga maliliit na bituwin na desenyo ay nagmala diyosa ito ng gabi.

Dahan-dahang nagmulat ang mga mata ng batang babae, halos hindi maitago ng pinuno ang mangha sa sobrang ganda ng mga mata ng batang babae, nagmala buwan ang mga mata nito na sa sobrang ganda ay hindi mo magagawang ialis pa ang iyong paningin sa mga iyon.

Makikita lamang ang mala buwan nitong mga mata sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan kung kaya't hindi maipaliwanag ang kakaibang sayang bumalot sa puso ng pinuno habang pinagmamasdan ang kanyang anak.

Nagparte ang mga labi ng batang babae na tila sumasagap ito ng hangin dahil sa matagal nitong pagkakalubog sa ilalim ng tubig.

Isang dust manipulator ang pinuno at gamit ito ay lumapit ang ama sa kanyang anak na siyang nanatiling nakalutang sa ere.

"Ito na ang huling gabi na matutulog ka sa ilalim ng lawang iyan, Moon." mahinang usal ng pinuno at isinakay sa karwahe ang batang babae upang maiuwi na ito mula sa ilang taong pagkakalubog nito sa ilalim ng tubig.

Ilang linggo ang nakalipas bago ito magising muli nang maiuwi itong walang malay ng pinuno. Ang batang babae ay sinalubong ng mga mamamayan ng may malalapad na ngiti sa labi at manghang pinagmamasdan ang kanilang nag-iisang prinsesa, ang anak ng kanilang minamahal na pinuno.

Siya ay kinilala bilang ang Puissant Moon sa kanilang nayon dahil sa napakalakas na aura at kakaibang gandang taglay na meron ito na mahahawig sa ganda ng buwan na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.

Puno ng paghanga at galak na sinalubong nila ang pitong taong gulang na batang babae.

"Maligayang pagbabalik Puissant moon" sabay-sabay na bati ng lahat habang ang batang babae naman ay takang-taka sa nasasaksihan.

"Ama?" mahinang tawag ng batang babae sa kanyang ama na si Pinunong Lenon ang pinuno ng Shining Village.
"Ama..." tawag muli ng bata saka ito dinaluhan ng ama.

"Maaari na kayong umalis"  maawtoridad na usal ng pinuno sa kanyang mga sinasakupan.

Nang makaalis na ang lahat at silang mag-ama na lang ang naiwan ay nakangiting hinaplos ng pinuno ang buhok ng anak nito't hinalikan sa noo.

Sadyang mahal na mahal at pinakainiingatan ng pinuno ang kanyang anak at dito lamang nagpapakita ng emosyon nito.

"How are you my child?" nakangiting pagkamusta ng pinuno ngunit hindi man lang ito sinagot o tinapunan nang tingin ng batang babae, imbes ay tumayo ito't kinuha ang paboritong laruang pana at baril nito na siyang hilig nitong paglaruan noong ito'y isang taong gulang pa lamang.

"Ama gusto kong humuli ng mga malalaki na halimaw" inosenteng ani ng batang babae at ipinakita sa ama nito ang hawak-hawak na mga laruang pana at baril.

Malapad na ngumiti ang pinunong lenon at binuhat ang batang babae saka dinala ito sa balkonahe kung saan ay tanaw ang kabuohan ng Cursed Forest, ang gubat na pinamumugaran ng mga mababangis at mapanganib na halimaw, sa oras na ikaw ay nangahas na pumasok sa gubat na ito ay wala ng kasiguraduhan kung ikaw ay makakalabas pang muli.

"Magpalakas ka lang anak dahil hahayaan kitang tuklasin at gawin ang lahat ng gusto mo, ngunit sa ngayon ay kailangan mong tatagan ang iyong sarili dahil sa araw na ikaw ay magsisimulang tumuklas ay kakailanganin mong maging malakas dahil hindi laging nasa tabi mo ako anak, ngunit kung kakailanganin mo ako ay tawagin mo lang ako at darating ako agad, maliwanag?" makahulugan at mahabang ani ng pinuno na pinagkatitigan lamang ng batang babae.

"Pero syempre kung magsisimula ka nang tumuklas ng mga bagay-bagay dapat babahagian mo ang iyong ama ng iyong mga karanasan kaya ibibigay ko sa'yo ang journal na ito, wala pa iyang laman anak dahil ikaw ang lululan niyan" saad ng pinuno saka ibinigay sa batang babae ang may kakapalan na notebook.

Agad namang tumango ang batang babae at niyakap ang ama nito, "maraming salamat ama" malamig man ang boses ay mababakas naman ang tuwa at pagmamahal nito.

"Sa aking paglaki ay tutuklasin ko ang lahat ng hiwagang meron ang mundong ito" mahina't determinadong usal ng batang babae habang nakatingin sa kagubatan na tila'y walang hangganan sa sobrang lawak.

_____
Shimmersss🌺

Sana na gustuhan nyo.

🌒🏹

👇⭐

The Puissant Moon Princess (Shimmer Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon