Coutory's Pov
Kasalukuyan akong nagtatago sa itaas ng puno at tahimik na nagmamasid kasama si gor, hawak-hawak ang pana ay lumipat ako sa kabilang puno na siyang may mas matataas na sanga.
Bakit kaya walang gumagala na halimaw ngayon? mahigit tatlong oras na akong nakamasid dito at wala pang nagagawing halimaw dito, naiinip na ako!
Asan na 'yong plano kong uuwi ng naghihingalo? 'di ba? wala na burado na dahil wala namang sumusugod o nagagawi rito.
"Gor doon tayo sa gilid ng pampang baka naroon ang mga 'yon" ani ko at sumakay sa likod nito saka ito mabilis na lumipad habang iniiwasan ang mga malalaking puno, kahit na mabilis ang paglipad ni gor ay nagagawa ko pa ring magmasid sa paligid.
Pero wala talaga akong makita maliban sa mga nagtataasang puno, "ubos na kaya ang mga halimaw dito?" mahinang tanong ko at bumungisngis lamang si gor.
Ilang minuto ang aming ginugol sa paglilibot saka namin narating ang pampang at sa 'di inaasahan ay biglang...
"YAAAHHH!!!" isang malakas na sigaw ang aming narinig, walang ingay kaming lumapag sa isang malaking puno at tahimik na lumipat sa katabing sanga nito hanggang sa mahagip ko ang maraming halimaw na nakapalibot sa isang grupo ng mga tao.
Sa aking pagkakabilang ay walo silang lahat habang mas marami naman ang mga halimaw na nakapalibot sa kanila.
Napakaswerte naman nila! kanina ko pa hinahanap ang mga yan at andito lang pala silang lahat?!
"Paano na 'to?'di sila maubos-ubos" ani ng babaeng berde ang kasuotan may flower crown pa ito at may hawak na makapal na baging.
"relax guys makakaya natin 'to"
seryosong usal ng gwapong lalake na gray ang buhok at puti ang kasuotan or should I say battle suit ata ang mga suot nila.That guy definitely has the looks!gwapo siya lalo na't napakaseryoso ng mukha niya at nakakunot ang noo saka ang attractive ng makakapal na kilay niya, matangos ang ilong at grabe ang jawline!
He's almost Perfect...
The other guys are freaking hot while battling, just--wow!
UGHH WHAT THE FREAKIN' HELL AM I THINKING?!
Bumalik ang atesyon ko nang magsimula silang makipaglaban, mukhang hindi nila kakayanin ang ganyan karaming halimaw at wala naman akong pake kaya hindi ko sila tutulungan.
Ang lakas ng loob nilang pumasok sa gubat na ito tapos 'di nila kayang labanan ang mga halimaw na 'yan? Napaka-reckless naman no'n.
Umayos ako nang upo sa sanga ng puno at sumandal saka tahimik na nanood, hirap na hirap na sila ngunit tila hindi pa rin nababawasan ang bilang ng mga halimaw.
Nakasunod lang ang tingin ko sa lalakeng puti ang battle suit habang nagpapalabas ito ng usok at---ulap?
Oh...
Cloud manipulator ata ang isang 'to.
Sa pag-oobserba ko sa kanilang mga kapangyarihan mukhang mas malakas talaga ang lalakeng puti ang battle suit dahil mas marami itong na patay na mga halimaw at kakaiba rin ang taglay nitong aura kumpara sa iba, grabe rin ang fighting styles nito.
"YAHHHHH"
"SHIT!"
"WAAAHHHH"
Napakaingay nila makipaglaban kaya mas maririndi ang mga halimaw at mas magiging agresibo sila dahil sa ingay.
Napapailing na nagpatuloy ako sa panonood hanggang sa makita ko ang isang papalapit na rare black demon, mapupula ang mga mata nito at may mahahabang sungay na labis na magpapagimbal sa'yo at kung ito ay iyong tititigan ay mahihirapan kang bumalik sa katinuan dahil kaya nitong ilagay ka sa isang bangungot na mahirap nang takasan.
BINABASA MO ANG
The Puissant Moon Princess (Shimmer Academy)
FantasyTaglish She, the Puisant Moon Princess is about to rule this magical place. A village that fills every books of legends and is known for its magical nature, this village is called the Shinning Village. POWERFUL magic, RARE traits and her DANGEROUS...