Chapter 1:Moon

988 65 4
                                    

9rs later...

Coutory's Pov

"YAHHHH!!!" mabilis ang aking naging galaw nang makitang tatakas pa ang halimaw na aking pinagsisikapang mahuli nitong nakaraan.

Agad kong binunot ang Moon gun mula sa aking tagiliran at inasinta ito saka pinaputukan na deretso namang tumama sa halimaw na agad namang bumaksak sa lupa at wala ng buhay, ibinalik ko muna ang aking baril sa holster na nasa aking tagiliran at nilapitan ang mabangis na halimaw na medyo mahirap hulihin.

Umupo ako sa tabi nito at pinagmasdang maigi, "Magandang klaseng halimaw ito kaso magiging abo rin ito maya-maya" mahinang usal ko at napabuntong hininga, may lumabas na bilog sa bunganga ng halimaw na siyang pinulot ko at nilagay sa aking bulsa saka bumalik sa punong pinag-iwanan ko ng aking pana at journal, habang nakamasid naman si gor, isang rare beast na nahuli ko noon at 'di kalaunan ay naging kasama ko na sa bawat araw ng pagha-hunting ko sa loob ng gubat na ito.

Baka sabihin ng iba na hinuhuli at pinapatay ko ang mga halimaw ng walang dahilan at ito ay upang may maisulat lang ako sa aking journal, pero sa katunayan ay ako ang kumokontrola sa kanilang bilang o populasyon saka ang mga inilalabas nilang core magagamit ng mga magician na may mga maliliit na mana core.

Ako nga pala si Riamme Moon Coutory Vale o mas kilalang Coutory, ako'y labing pitong taong gulang at ang nag-iisang babaeng anak ng   Pinuno ng shining village.

Well I know Coutory sounds mabantot but it stands for courageous and victorious so even it's mabantot at least it's meaningful, right?

"Gotta go, gor" paalam ko, gor growled before climbing up the tree 'til he's nowhere in sight.

Nang makalabas sa gubat ay sumalubong sa akin ang malawak na daan at tulad ng nakasanayan ay gamit ko ang aking Speed ability upang mas mabilis akong makauwi.

Someone's watching...

Hindi ko na lang iyon pinansin at mas binilisan pa ang galaw ko.

>>

"Dad I told you already, mas maganda kung sasama sa akin si Coutory sa academy, mas makakasiguro tayong ligtas siya roon!" pasigaw na sambit ni Aleczon Riss Vale, labing siyam na taong gulang at siya ang lalaking anak ng pinuno.

Well actually, si Alec ay ang tunay na kadugo ni ama dahil ampon lamang ako at tanggap ko naman iyon, kailan man ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob ng malaman ko ang katotohanan dahil maayos naman ang aking buhay at kung tutuusin ay iniingatan ako ni ama na parang tunay n'yang anak.

Habang si alec naman ay anak ni ama sa kanyang taga lingkod na si Alecxia at nalaman lamang ni ama na anak niya si alec noong ako'y walong taong gulang na.

Tinanggap ito ng buo ni papa,
malamang diba? Ako nga na hindi niya kadugo ay tinanggap niya pa rin at inalagaan ng mabuti, si alec pa kaya na kadugo niya talaga?

Nabalik ang aking atensiyon sa pinto ng silid tanggapan ni ama nang muling magsalita si alec, "dad sa ngayon hindi pa alam ni Coutory na nanganganib ang kanyang buhay dahil wala pang sumusugod pero alam ng mga 'yon ang bawat galaw ni Coutory maliban na lang kung nasa loob ito ng curse forest" napaismid na lang ako sa aking narinig.

Nanganganib? araw-araw akong nakikisagupa sa iba't ibang halimaw at dumating na ako sa puntong hindi na makagalaw at mamatay na ngunit heto't super alive pa rin ako, ano ba'ng pinagsasabi ni alec?

I know someone's watching me I'm not that dumb.

Kaya immune na ako sa kahit ano pang klase ng panganib.

The Puissant Moon Princess (Shimmer Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon